Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong demonyita habang hinihintay ang sagot nila. Pero ang totoo mas gusto ko na lang umalis kay sa hintayin ang sagot nila. Teritoryo ko ‘to. Nandito kami sa apartment ko na alam kong hindi allowed ang violence, pero naduduwag pa rin ako. Napangiti naman si Shaira habang nakatingin sa akin. Tumaas pa ang isang kilay nito. “Erica, relax! Wala kaming gagawin na masama sa’yo. Maka-react ka naman, parang sinusundo ka na ni kamatayan ah,” sabi ni Shaira na kaagad sinaway ni Lu at Pia. Sabay nilang hinampas ang kaibigang utak demonyo, pero nasa akin naman ang tingin. “Ano ba? Ang sakit ha!" sikmat nito at pinaghahampas niya rin ang mga kaibigan. “Umayos ka nga, Shaira, kung hindi ka marunong sumunod sa utos, tumahimik ka na lang, pwede ba?" bulong ni Pi

