"Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa. “H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to. "S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko. Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo. "Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasakt

