"Aalis ka?" Usisa ni Rose kay Dimitri.
Katatapos niya lang magligpit at maghugas ng pinagkainan. Isinampay niya ang pamunas na ginawang panuyo ng kamay.
Lumapit siya kay Dimitri na noo'y inabot ang baril nito at isinuksok sa holster sa baywang.
Pagkatapos nilang mag almusal kanina ay pumasok ito ng banyo.
Paglabas ay nakapaligo at nakabihis na.
Pinaglandas niya ang mata sa binata. Suot ang medyo faded na cargo pants.
Itim na kamiseta na pinatungan siyempre
ng paborito nitong leather jacket.
At walang kamatayang combat shoes ang sapin sa paa.
Basa pa ang buhok ni Dimitri kaya't hindi pa nakatali.
May bagong tubo na balbas na hindi na nito pinagka-abalahang ahitin.
Anupa't sangganong-sanggano ang datingan.
He looked more of a dangerously handsome hitman. That makes her swoon over him.
She can't denied her attraction to this daredevil man.
Matagal na niya iyong inamin sa sarili.
Pero hindi ito ang pinapangarap niyang lalaki.
She preferred a well-educated man. Subalit nakialam ang sutil niyang puso, sa isang mamamatay tao pa siya nahumaling. Pag-ibig nga naman walang pinipili. Titibok at titibok nang hindi mo inaasahan.
Tiningnan siya ng binata at tumungo.
"Saglit lang ako." Anito.
"Mga ilang oras naman kaya iyang saglit mo?" Tanong niyang nakairap. Bumangon ang inis.
Napipikon na siya sa lalaki.
Hindi siya manhid para hindi maramdaman na iniiwasan siya ni Dimitri.
Nitong mga nakalipas na araw ay kausapin dili siya ng lalaki.
Laging siya ang unang nagbubukas ng usapin at nakakapagod mag-isip ng paksa na maaari nilang pag-usapan.
Nahihirapan tuloy siyang maarok ang tunay na saloobin nito.
Hindi umimik si Dimitri sa halip ay inilapag nito sa mesa ang isang pistol.
"Alam mo naman kung paano gamitin ang baril na ito, hindi ba?"
Nagtatakang napatingin siya sa baril.
"Hindi ako sigurado sa oras pero bago lumubog ang araw ay nakabalik na ako," dagdag ni Dimitri.
"Kailangan ko ba talaga ito?" Tanong niya na kinuha ang baril at sinipat.
"Ligtas ka rito, pero mabuti na iyong nakakasiguro at handa ka rin."
Sa sinabi ng lalaki ay dinaluhong siya ng pangamba.
Sumasal ang kaba sa dibdib.
May naa-amoy siyang kung ano at hindi niya nagugustuhan.
Ilang beses na nagpabalik-balik si Bugoy sa bahay, may pinag-uusapan ito at si Dimitri.
Hindi naman niya matukoy kung ano dahil laging sa labas ng bahay nag-uusap ang dalawa. Tila sinasadya na hindi niya marinig.
Kung anuman iyon ay pihadong nakasalalay ang kanyang kaligtasan.
"Kung nais mo palang makasiguro ay bakit kailangan mong umalis at iwan akong mag-isa rito sa bahay?"
"Magiging ligtas lang ako pag kasama kita." Mahinang sambit ni Rose.
Hindi malaman ni Dimitri kung ano ang isasagot sa dalaga.
Alam niyang nilulukob ito ng takot.
Ipakita man ni Rose
na matatag ang loob nito ay babae pa rin ito at mahina.
Inilabas niya mula sa bulsa ang isang lumang cellphone at ini-abot sa dalaga.
"Tawagan mo ako sakaling may maramdaman kang kakaiba," bilin ni Dmitri.
Tinanggap ni Rose ang cellphone at ibinulsa.
Nagpatihunod na lamang siya kay Dmitri, baka nga may mahalaga itong lakad.
Nakakahiya namang pigilin pa niya ito. Siya na nga itong labis na nakakasagabal sa lalaki.
Kabado man ay nilakasan niya ang loob at inalis sa isip ang masamang isipin.
Tama ito wala siyang dapat na ipagkabahala. Ligtas siya sa baryo.
Nakapalagayang loob na rin niya ang mga kapitbahay ng lalaki.
Kahit na kilo-kilometro ang distansiya ng mga kabahayan ay pinuprotektahan nila ang bawat isa.
Doon niya nakilala si Ka Goring ang matandang babae na nakasakay niya sa bus.
Napag-alaman niyang apo ng matanda si Bugoy.
Laking pasasalamat niya rito dahil ito pala ang nagbigay-daan upang
mailigtas siya sa kapahamakan ni Dmitri.
Pansin niya ang respetong ipinapakita ng mga kababaryo ng lalaki para rito.
Hula niya pa nga ay bayani ata ang tingin ng mga ito kay Dimitri.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa at bantulot na sumunod siya palabas ng bahay sa lalaki. Hinatid niya ito ng tanaw habang papalayo sakay ng motorsiklo nito.
Lubog na ang araw at malapit nang lumatag ang dilim ngunit wala pa rin ni anino ni Dmitri.
Naiinip na siya, ang inis ay unti-unti nang bumabangon sa dibdib niya.
Nakailang pag-diyal na ang ginawa niya ay laging ring lang ang naririnig niya sa kabilang linya.
Hindi man lang sagutin ng lalaki. Kanina pa niya ito tinatawagan.
Kulang na lang ay madurog ang keypad ng cellphone sa diin ng pag-pindot niya.
Nakakailang text na rin siya sa lalaki ngunit hindi rin ito nagre-reply.
Muli niyang idinayal ang numero, sa wakas ay may sumagot pagkalipas ng tatlong ring.
"Hello?" Boses ng babae.
Kumunot ang noo ni Rose napataas ang isang kilay.
Babae? Babae ang nasa kabilang linya?
Natigilan siya, nabigla. Saglit na nakiramdam.
"Hello?" ulit ng babae sa kabilang linya nasa tono na ang pagka-inip.
"Yes, hello? Can I speak to Dmitri? I'f I'm not mistaken he's the owner of that phone you're using." Ani Rose nang makabawi sa pagkabigla. Hindi tuloy niya naiwasan at nakapag-taray agad.
"Sino ba ito?" Ayon sa kausap, nasa tono rin ang iritasyon. Mukhang hindi nagustuhan ang entrada niya.
"I'ts me, Rose." Mariin niyang sagot.
"Oy, ikaw pala? At ano naman ang kailangan mo kay Dmitri?" Balik-tanong ng kausap.
Nag-isang linya ang mga kilay niya. Kung hindi siya nagkakamali ay boses ni Lita ang naririnig.
Nagsimulang umusok ang ilong niya.
Iniwan siya ni Dmitri dahil lang sa babaing ito na may mala-Betty Boo na katawan?
Hindi niya talaga gusto ang babae.
Hindi siya ang tipo ng tao na mabilis humusga sa pagkatao ng kung sinuman.
Ang totoo ay magiliw ang pagtanggap niya kay Lita noong una niya itong makaharap.
Ngunit may sistertude ang babae o mas kilala sa tawag na ma-attitude.
Siya pa ba ang paa-andaran nito eh mapagpatol
din naman siya. Lalo na kung nasa tama siya.
"Lita, hand over the phone to Dmitri right now." Ma-awtoridad niyang utos.
"Hoy, babaeng kasing-putla ng nyebe ang kulay, hindi porke't nakatira ka kay Dimi ay maaaari mo na akong utos-utusan!" Singhal ni Lita.
"At puwede ba, 'wag kang Ingles nang Ingles dahil wala ka sa call center?"
"Wag kang mang isturbo dahil abala kami ni Dimi sa pagpapaligaya sa isa't isa. Pesti!" Ang mahabang litanya ni Lita, sabay patay ng linya.
Mulagat na mulagat si Rose. Kulang na lang ay ibato ang hawak na telepono.
Nagpupuyos sa sobrang ngitngit sa kausap. At ano ang tawag nito kay Dimitri, Dimi? Dimi her ass.
Tumaas-baba ang dibdib niya sa nadaramang inis.
Marahil ay masisinghalan niya si Dmitri 'pag nakita niya.
Ang hitad na iyon, nagmalaki pa ang laswa!
Kulang na lang ay umusok ang bumbunan niya sa sobrang init ng ulo.
Mabilis siyang lumabas nang maulanigan ang tunog ng motorsiklo sa labas.
Hindi na siya nag-atubili kilala na niya ang tunog ng motorsiklo ng lalaki.
Madilim ang mukha na sinalubong niya si Dmitri na kasalukuyang ipinaparada ang motor.
"Where have you been?" Mabalasik niyang tanong.
Nagtatakang nilinga siya ni Dmitri.
"Nagpa-alam ako sa'yo, hindi ba?"
"Oo, pero sana nagsabi ka ng totoo. Hindi iyong magsisinungaling ka sa akin.
Maiintindihan ko naman kung mas nais mong iwanan akong mag-isa rito para lang puntahan si Lita," wika niyang nasa tinig
ang sobrang hinanakit para sa lalaki.
Lalo namang nagulumihanan si Dimitri. Nagsalubong ang mga kilay.
"Pwede ba Rose walang dahilan para magtalo tayo, kaya't huwag mo akong pagtaasan ng boses. " anang Dmitri sa kalmadong boses.
Nagpatiuna itong pumasok sa bahay, kasunod si Rose na nangngingitngit pa rin sa buwesit.
"Tell me, galing ka kay Lita hindi ba? For the longest hour na nawala ka ay magkasama kayong dalawa. Hindi mo man lang
naisip na baka mapahamak ako rito."
Nilingon siya ni Dimitri, nagbabadya sa mukha ang pagpipigil na mainis.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na walang gagalaw sa'yo rito." Sobrang mahinahon nitong sagot.
"Then, why did you leave me with the gun?"
Bumuga sa hangin ang binata, tumingin sa kanya sa paraang nauubusan na nang pasensya.
"Delikado sa labas. Hindi pwedeng lagi tayong magkasama. Pag may nakakilala sa'yo anumang oras pwedeng makarating kay Horan.
Mapapahamak tayo. Lalong lalo ka na," usal ni Dmitri.
Ahhh. Nakaka-irita.
Para siyang nagpapaliwanag sa isang bata.
Ano bang nangyayari sa babaing ito at bigla-bigla na lang nagagalit.
"Sa iyo na mismo nanggaling na hindi ako ligtas sa bayang ito," sambit nang iritadang si Rose.
"Ligtas ka dito sa loob ng bahay," mariing sagot ng binata.
"But they can come here and kill me in a minute damn it! Ano ba ang magagawa ng isang baril sa isang batalyong bandido?"
Ang hindi na napigilang pag taas ng boses ni Rose.
"May katigasan ang ulo mo Rose. Hindi ka nag-iisip." Buwelta ni Dmitri na bagama't nagulat sa gawi ng dalaga ay
nagpaka-mahinahon.
"Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Ako ang hindi nag-iisip? Eh ikaw ano bang ginawa mo ngayong araw kundi ang lumandi
lang naman?" Sunod-sunod na usisa ni Rose.
So what? Did she satisfy your personal s****l needs? Tahasang panunuya niya kay Dmitri.
Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata.
Nag-igting ang mga bagang nito.
Ngunit naroon pa rin ang pagpipigil.
Tinitigan siya ng diretso sa mata.
Naumid ang dila niya nang makita ang panlilisik ng mata ni Dmitri .
Oh God. Lumagpas ba siya sa boundary? Nasobrahan ba siyang masyado sa salita?
Paano kung magkarelasyon sila Lita at Dmitri?
Hindi ba at wala naman siyang karapatang manghimasok?
Baka magselos, ang ibig mong sabihin.
Nagseselos?
Oh my, nagseselos na ba siya kay Lita?
Kinabahan siya sa paraan nang pagtitig ng binata.
Kinabahan siya na baka hindi makapagpigil si Dimitri at patulan
na siya nang tuluyan.
Nakakatakot pa naman itong magalit.
Pumormal siya nakailang paglunok.
Nagbaba siya ng boses.
"I...I'm sorry. Hindi ko dapat na sinabi ang mga ganoong bagay," she said as guilt washed over her.
Marahan siyang humakbang.
Nilagpasan si Dmitri subalit hinuli nito ang isa niyang kamay.
"Sandali nga."
Napakislot si Rose lalo na nang marahan isandal siya ni Dmitri sa dahon ng pinto.
Inilapat nito ang dalawang palad roon.
Tuloy ay napaloob siya sa lalaki.
Yumuko siya nang tumunghay ang mukha nito sa kanya. kumudlit ang kabog sa dibdib.
"Tumingin ka sa akin," mariing utos ni Dmitri.
"B...bakit ba? Lisik niya,p ilit pinagtatakpan ang nadaramang kaba.
"Okay, I'm sorry. Me and my big mouth," aniyang na naka-yuko parin.
"Hindi bukal sa loob iyang paghingi mo ng paumanhin. Labas sa ilong," sabi ni Dimitri.
"Tumingin ka sa akin, bilis. Kundi hahalikan na talaga kita." Pagbabanta nito.
Tagal. Aray-landi niya.
Tiningala niya si Dimitri sa nanlalaking mata.
The lines in his handsome face makes her shiver.
Halos magdaop na ang kanilang mga labi sa sobrang pagkakalapit.
Dama niya ang hininga nitong humahaplos sa balat niya.
Muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
May nabanaag siyang kung ano sa binata, kumikibot-kibot ang mga labi nito.
Maaari bang halikan mo na lang ako at 'wag nang usisain pa?
Kulang na lang ay isatinig niya sa harap ng lalaki.
"Nagseselos ka ba kay Lita?"
Boom! Sapul. Napanganga si Rose.
Parang batingaw na dumagundong sa pandinig niya ang tanong na iyon ni Dmitri.
Siya, magseselos? Bakit siya magseselos sa mukhang belyas na iyon na ipinaglihi ata sa sawa at may lahing tuko?
Kung makapangunyapit talo pa ang linta na gustong sumipsip ng dugo.
Alam niyang hindi magandang manlait ng kapwa, pero husme hindi niya mapigilan.
Sa tuwing maiisip na ito at si Dmitri sa isang mainit na tagpo sa madilim na apat na sulok ng silid ay talaga
namang tinutubuan siya ng sungay.
Kulang na nga lang ay manakit siya.
Kulang na lang ay sakalin niya si Dmitri.
Asus tinanong pa ang sarili e pangitang-pangita na selos na selos ka nga .
Nagseselos ka 'wa ka naman "k" as in karapatan, bulong ng isip niya.
Mabilis siyang umiling nungkang aminin niya iyon kay Dmitri.
Para ano? Pagtawanan siya nito at ni Lita?
"Hell, no!" Tinabig niya ang braso ni Dmitri at marahang itinulak upang makawala.
Mabilis niyang tinungo ang kusina at kunwang tiningnan ang nakasalang sa kalan, gayung alam naman niyang kanina
pa luto ang mga iyon.
Dama niya ang mga titig ni Dmitri mula sa likuran.
Ilang na ilang na siya.
Nilingon niya itong muli and take a deep sigh.
"Okay. Walang tayo So walang dahilan para pagselosan ko siya. Hindi ko siya kailangang pagselosan kasi nga hindi naman tayo. Gets?" Giit ni Rose.
Ansabi?
Anong tayo?
Bakit ba siya nagpapaliwanag sa lalaki?
Ano na lamang ang iisipin nito na may gusto rin
siya dito?
Bakit, wala ba? Eh tinalo mo pa nga ang asawang makaputak eh, wagas. Aba ineng, you'd gone too far na.
Sa naisip ay para siyang nahiya sa sarili.
Hinintay niyang magkomento si Dmitri subalit nanatili lang ito sa kung saan nakatayo at pirmes ang titig sa kanya.
Napaniwala niya kaya ito?
"Wish ko lang, Oh Lord at labis na akong napapahiya," piping dalangin niya.
Mabilis na siyang tumalikod at inabalang muli ang sarili.
Naghain siya ng pagkain sa hapag medyo tensiyonada.
Sa nanginginig na kamay ay inayos niya ang mga plato at kubyertos.
Hindi na niya muli pang sinulyapan ang lalaki.
But in her peripheral vision ay alam niyang sinusundan nito ng tanaw ang bawat kilos niya.
Kaya naman mas lalong hindi siya mapakali.
"K...kumain na tayo," aya niya sa mababang tinig.
Nauna siyang dumulog at sumunod si Dmitri.
Tahimik siyang kumain ngunit nakikiramdam.
Pansin niya ay hindi kumikilos ang binata para kumain.
Walang paggalaw mula rito.
Napilitan tuloy siyang ibaling dito ang tingin.
And he meets her gaze.
He's looking deeply into her eyes na hindi niya magawang bawiin ang mata sa kaharap.
Ang awkwardness ay tinabunan niya ng kunwa'y iritasyon.
"What?" She asked scornfully.
"Gusto mo bang maging tayo?" Diretsang tanong ni Dmitri.
Nabitawan niya ang hawak na kubyertos sa pagkabigla.
Kumalansing iyon sa platong nasa harapan niya.
Ano raw?
"A...ano ba iyang s...sinasabi mo?" Tugon niya sa kabila ng pagkalito.
"Oo at hindi lang ang gusto kong marinig na sagot."
Napipi siya.
"Ano? Tayo na...gusto mo ba?" Ulit ni Dimitri.
Bumilis ang pintig ng puso niya.
Kasabay ng pagkabog ng dibdib ay ang nagsusumigaw na salitang "Oo".
Damn this man, seryoso ba ito? Imbes na ligawan muna siya ay kinukuha siya sa mabilisan.
Ganito ba ang paraan nito ng panliligaw?
Walang kaabog-abog. Gusto sagot agad.
Dinadaan siya sa pagka astig. Sa pagka arogante.
Naku naman daming arya,ang simple lang ng tanong ni Dimitri OO at Hndi lang pinahihirapan mo PA.
She took a deep deep breath. Akma na sana niyang sasagutin ang lalaki nang siya namang pagbalandra ng bulto ni Lita.
Kaakit-akit sa humahakab nitong kasuotan. Halos gusto nang kumuwala ng didbdib nito sa sobrang kabusugan.
Lihim na sinulyapan niya ang kanyang hinaharap para lang madismaya.
Mabilis na nakalapit si Lita. Sa kamay ay tangan ang isang tupperware na may pagkaing laman.
Tumayo si Dimitri upang estimahin ito.
Magandang gabi Dimi." magiliw na bati ni Lita.
"Nakita kong bukas ang pinto kaya diretso na akong pumasok." ngiting ngiti ang babe.
"Walang kaso iyon Lita, ikaw pa ba eh sanay ka naman dito sa bahay." sagot ni Dimitri na ikina hagikhik ni Lita.
Sa narinig ay parang mas lalong umusok ang bumbunan ni Rose. diyata't welcome na welcome pala ang hitad sa
sa bahay ni Dimitri.
Who knows kung saang parte pa ng bahay ito nakakaabot. Naningkit tuloy mata niya.
Inabot ni Lita ang dala kay Dimitri.
"Para sayo Dimi, paraan ko ng pasasalamat" wika ni Lita na hindi mawala ang mga ngiti.
"Wala iyon, nag abala kapa " si Dimitri.
"Ah iyon naman ang hindi maaari, isa pa pinaghirapan ko talaga iyan kasi alam kong paborito mo.
Para lang sa iyo iyan hah, ubusin mo." anang babae sa pinakamalambing na tono.
Tuluyang sumimangot si Rose, Alam niyang siya ang pinaringgan ni Lita.
As if naman pagkakaabalahan niya ang pagkain dala nito.
Kung alam Lang nito alibadbad na alibadbad na siya. Tama bang sa harap pa niya mag act ng way of appreciation ang dalawa.
Hindi mapigilan ng dalaga ang mapaismid.
"Rose?"
Narinig niyang tawag ni Dimitri. Nagtatakang napatingin siya sa mga ito.
"Sabi ni Lita ay aalis na raw siya."
Dumako ang mata niya sa babae. Tila ito anghel sa pagkakangiti sa kanya.
Na Para bang kanina ay hindi sila nagpalitan ng maaanghang na salita.
Napilitan siyang suklian ang ma fake na mga ngiti nito nang magpaalam.
Ang galing namang artista, bulong niya sa sarili.
Hinatid ito ni Dimitri hanggang pinto. May napansin siyang inabot ni Lita kay Dimitri kasama na ang isang telepono.
she made an eyebrow.
"Kain na tayo." Magilas na wika ni Dimitri. Mukhang masaya.
Hindi iyon ang gusto niyang marinig. Hinintay niyang ulitin nito ang tanong kanina bago dumating si Lita.
Sa malas ay napako na ang buong pansin nito sa pagkain.
At ang nakakainis ay inuna pa nitong kinain ang pagkaing dala ni Lita kaysa sa mga lutong pinaghirapan din naman niya.
Uminit tuloy ang ulo niya.
Padarag siyang tumayo. Tiningala siya ni Dimitri.
"Tapos kana?" Bumaba ang mata nito sa pagkain niyang ni hindi manlang nabawasan.
"Nakakawalang gana! Ikaw ang magligpit niyan. Bahala kang maghugas." she hissed..
Nagdadabog na tinungo niya ang silid ngunit bago pa tuluyang makapasok ay narinig niyang nagsalita ang lalaki.
"Hindi ka nagseselos hah?"
"Talagang hindi!''singhal niya bago malakas na isinara ang pinto.
Naiiling na binalikan ni Dimitri ang pagkain. Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito.
Itinuloy nito ang pagkain, Itinabi ang dala ni Lita at nilantakan ang luto ni Rose.