[4 years earlier] NANG matapos ang klase ay nag tungo agad si August sa locker nito. Ibang-iba ang atmosphere at pag tuturo sa kung saan niya kinagisnan. Ngunit hindi siya pwede sumuko agad lalo na siya naman ang may kagustuhan na mag aral sa ibang bansa. Mapapansin din sa lahat na mag kakakilala na ang mga karamihan. Sinara ni August ang pinto ng locker pagkatapos nito ipasok ang isang libro at kunin ang susunod na libro na gagamitin nila. "Hey." Lumingon si August sa lalaki na nag salita sa likuran niya. Nakilala niya agad ito. "Cole?" "Uh uh. I was just wondering if you want to have lunch with me?" Tanong nito sa kaniya. Nagulat naman si August sa tanong nito pero ngumiti rin siya rito at tumango lalo na wala pa naman siyang kakilala sa bago niyang paaralan. Ang paaralan

