Chapter 4

2324 Words
"Cass? Tulugan mo nga ako linisan ang pool." Si kim na katabi ko na. Three days na ako andito three days na din ako pinupuyat nung lalaki na yun. Iisipin ko na talaga may gusto yun sa akin. Tanghaling tapat at naglilinis kami ngayun. Masyadong bored ang buhay ko. About sa family na ito. Ang dami ko na alam tungkol sa kanila. Pero ang dalawang kambal ayaw parin ako pansinin akala mo famous. Close na kami ni Mika. My side syang mabait minsan maarte.Yung kuya nila malapit ko nang ibaon sa lupa. Bakit daw kailagan sabay sila kumain. Malamang kailagan yun sa isang buong pamilya. Ang dami nilang tanung sa akin na hindi ko masagot. "Gaano kalalim iniisip mo?" Tanung ni Kim sa akin. "Gaano ba kalalim iyong pool na to?" Tanung ko din sa kanya. "Hindi ko din alam eh HEHEHE." Kim "Ilang taon ka na dito? Bakit nagkasambahay?" Pag-iba ko ng usapan namin. "Ano ka ba Cass kailagan sa buhay ang mag trabaho syaka para matulugan ko si Inay. 1 year na ako sa isang taon ko dito ang daming nangyari. Yang mga bata na yan suplado at suplada hindi ko bakit nakakausap mo sila ng matino. Ang swerte nila sa buhay pero ang malas parin nila dahil napunta sila sa maling pamilya." Mahabang paliwanag ni kim alam ko naman yung minsan lang umuwi ang magulang nila. "Pero mukang may gusto sayo si Señorito Cass." "Isang malamang Ha-Ha-Ha." Sagot ko sa kanya. Kasi naman akala mo makatigin parang may ginawa akong kasalanan. "Mata mo tutusukin ko yan!" Pero ngumisi lang ito sa akin. "Akala mo naman gwapo pero hindi naman talaga." Naglinis kami ng pool medyu masakit na din ang balat namin dahil sa araw pupunta daw bukas ang mga kaibigan ni Señorito dahil ewan ko. Buhay naman nila yun wala na akong pake. "Saan ka pupunta?" Harang ng lalaki na naman ito. "May iuutos ka?" Tanung ko dito. "Kung wala pagod ako please baka sakalin kita." Banta ko dito. "Linisin mo kuwarto ko." Tipid yang sabi sa akin. Kakalinis ko lang nun ah? "Señorito malinis na yun." Sagot ko dito imbes ma good mood sya ayun matalim na naman ako tingin nya sa akin. "Señorito kung ngumiti ka kaya kahit minsan ang gwapo mong tingnan hindi yung pinagbagsakan ka ng langit at lupa." "So gwapo ako?" Tanung nya. "Oo" Proud ko pang sambit sa kanya. "Po?" Nang ma realize ko. Gwapo ako? Oo? "Señorito tawag na ako ni Mika hehehehe." Tatakbo na sana ako kaso humarang sya gamit ng kamay nya corner ako ngayun at kasalanan ko yun bakit kasi nasa dulo ako?"Iisipin ko na talagang may gusto ka sa akin." Sambit ko dito na nahihiya. "E di isipin mo." Ngumisi ito at tinalikuran ako. Ano ba Ethan! Ano ba Cassandra?!"Whoy lalaki?! Kapal mo din eh! Ikaw?!" Nang-gigil kong sambit dito. "Oh bakit?" Taas kilay nito sa akin. Sarap mong sakalin. "Kapag inisip ko masyado naman makapal muka ko? So ganun? Ethan! Kapal!" Ganito lagi mang aaway kami magsasabatan kami. Parang sa magulang nya pero syemre nakaaliw din kausapin si Ethan mapang asar sya kapag kaming dalawa lang. Pero kung kasama namin ko sina Kim at Hera hindi sya namamansin. Ganun din kapag kasama ko kapatid nya. Lalagpasan ko na sana sya kaso nadulas ako. Tumama sa sahig ang puwet ko hindi manlang ako sinalo. Naiiyak na ako sa sakit pero itong lalaki tuloy tuloy maglakad hindi manlang lumigon. "A-aray." Mahina kong sabi unti unti akong gumalaw masakit talaga. Bakit kasi basa dito sa gilid? Naramdaman ko na lang may bumuhat sa akin. Ramdam ko yun kahit nakapikit mata ko. Ganito ako pumipikit ako saglit para hindi mag react ng sobra like OA. "Hindi ka na bata para madulas Cassandra." May diin yang sambit. So ano ako tanga? Kasalanan ko pa? "O-opo." Mahina kong sambit. Binaba nya ako sa couch sa sala. Hindi ko sya pinansin kahit nakatitig na sya sa akin. Alam ko maganda aki wag mo ipahalata."Salamat." Basag kong tahimikan sa kanya. "Ayuko ng lampa." May diin sa bawat sinabi nya. Bakit ginusto ko bang madulas? Hindi naman diba. Ngumuso ako kase hindi ko alam trip lang. "Ate Cass?" Tawag ni Mika mula sa hagdan papalapit sa akin. "Anong nangyari sayo? At muka mo nakanguso?" Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ko. "Nadulas lang." Mahina kong sambit pero sapat na yun para marinig nila. "Lampa kase." Bulong ni Ethan. Na agad naman sumabat si Mika. "Kuya?!" Mika "I'm just saying the truth kung hindi sya lampa hindi mangyayari sa kanya." Walang emosyun paliwanag kay Mika. "Okey fine anong oras dating ng kaibigan mo?" Pag iba ng usapan ni Mika. Helo? Andito pa po ako. "3.." Tipid na sagot ni Ethan. "Pakilala mo si ate Cassandra ah para makapili sya ng jojowain diba ate." Sabay ligon sa akin. Nadamay ako? Pinagsasabi nitong babae na to? "Kase kwento ni Ate Cassandra isa palang ex nya kaya dapat makahanap na sya ng forever nya diba ate Cassandra?" Napaligon ako kaya Ethan na ngayun ang dilim na ng pagkakatitig na akala mo kakainin na ako ng buhay. "Aahh gwapo ba sila Señorito?" Syemre aba baka gwapo e di pipili talaga ako. Pero imbes na good mood si Señorito. "Hindi ka lalabas ng bahay simula ngayun." Madiin at nakakatakot pakinggan ang pagsalita na. Wala akong kalasanan pero bakit paparusahan ako? "O MY Gosh! Kuya Ethan mauunahan ka yari ka." Tumawa ng malakas si Mika. Kaya ko naman siguro tumayo pero ramdam ko pa masakit pero kaya ko na. "Mika." May diin iyun akala mo kakain si Mika ng buhay eh. Dahil masakit naramdam ko na lang may humawak sa bewang ko. Sa pagligon ko nanlaki mga bata ko at dinig ko ang pagbalis ng pintig ng puso ko. Gosh! Anong nangyayari sa akin? "Alam ko gwapo ako wag mong masyadong ipahalata." Bulong nya sa akin kaya ang mga balahibo ko nag sitayuan na. "Kuya Ethan hindi mo naman sinabi may side kang ganyan." Pang aasar ni Mika pero hindi iyun pinansin ni Ethan. Tinulugan nya ako makarating sa kuwarto ko. "Salamat, kahit ang hagin mo." "Yan ba ang way ng pagpapasalamat mo?" Taas kilay yang sambit sa akin. Eh totoo naman kasi ang yabang na nga ang hagin pa. Yan ba dapat mapapangasawa ko? Pero ngumiti na lang ako siguro magpapahinga na lang ako. Tama magpapahinga na lang. Hindi ko namalayan ang oras basta ang alam ko nakatulog ako narinig ko ang ingay sa labas na nagsisigawan na akala mo walang bukas. "Bro cheers!!!" Sigawan ng mga lalaking boses hindi na masakit ang pwet kahit ang balakang ko. Pumunta ako sa kusina ng maid quarters para uminom ng tubig. Pero iba ang naabutan ko dahil sina Hera at Kim nagsasayahan umiinom din at soju yun. "Gising na pala ang prinsesa." Ngiting bati sa akin ni Kim sa totoo may pagkasuplada talaga si Hera. "Hi..." Bati ko sa kanila ganun din naman silang dalawa. "Anong meron?" Tanung ko sa dalawa. "Alam mo magsaya tayong tatlo dito. May mga gwapo kasing lalaki dun sa labas." Kim "Sobrang ingay nila." Sabat ni Hera. Agree ako dun kasi ang ingay talaga nila. Kahit dito sa maid quarters dinig ko ang sigawan nila. "Bantayan mo ang mga bata Cassandra baka gusto nila maligo." Biglang dating ni Manang. Ay oo nga pala hindi pala ako dito dun pala ako dapat. Nakasimangot ako bigla kasi gusto ko pa naman makipag kwentuhan sa kanila. "Opo Manang... Next time kwentuhan tayo at bonding ahh sorry super busy ko talaga." Paalam ko sa kanila. Kase totoo naman minsan sa kuwarto ako ni Mika nakatambay o di kaya sa dalawang kambal never ako tatambay sa kuwarto na lalaki na yun bukod baka may gawin syang masama sa akin you know na girl ako and he also a boy kaya NEVER. Umakyat ako para puntahan muna si Mika. Kumatok ako at hindi naman lock iyun. "Bakit hindi mo nalock ang pinto mo?" Tanung ko ito mukang kakagising lang nito. "Ate Mika sabi ni Kuya wag ilock eh." Nakasimangot nyang sambit. "Sige pag sasabihan ko yang kuya mo. Pano kung pupunta jowa mo dito tapos di mo na ilock? Yari ka sa dun sa tukmol na yun." Paliwanag ko sa bata na to. "Ate Cass naman!" "Umiiyak ka ba?" Sabay lapit sa bata na to. Hindi pala natulog umiiyak namumula ang mata eh."Nag away kayo?" Tanung ko kaya napaayus sya ng upo. "I don't know." Sabay bugtong hininga. I feel you kasi ganyan ako nung kaedad pa kita. Ngumiti ako bago lumapit inayus ang buhok nya. "Alam mo normal lang yan. Dadating ang araw gabi mag aaway talaga kayo. Pero mas piliin mong ayusin kisa masira. Pero bata ka pa para masaktan. Kaya wag mo muna syang iyakan hayaan mo muna ngayun bukas or mamaya kausapin mo sya makipag ayus ka. Pag usapan ang dapat pag usapan pakinggan mo sya sa explain nya parang maging okey kayo. Ganda ng alaga ko tapos papaiyakin lang yan? Hays yung jake ba yun? Halika sasakalin ko." Sa huli napangiti ko sya. Nangyari din naman sa akin yan nuon. Pero ngayun hindi na syemre nag move on na ako like duh. "Ate Thank You nang dahil sayo ang daming nagbago. Wala ka pang isang linggo pero parang nabuhay muli kami. Akala ko wala na talagang pag-asa. Thank You ate Cassandra. I like you na." At niyakap ako nito. Wala naman sa topic ang sinabi nitong babae na to. Hays ewan na lang. Pumunta na ako sa kuwarto nung kambal at yun tuwang tuwa kasi ngayun na lang sila liligo sa pool. Nagulat naman ako may pool dito tapos hindi sila naliligo? Hayss buhay nga naman. Sabay sabay kaming bumaba at tuwang tuwa ang mga hindi ko pa nakukuha ang loob nila pero medyu mabait na sila sa akin oo medyu palang mga suplado kasi eh. Napangiti na lang ako na sumigaw si Lawrence. "Yehey! Ethan!!!!" Sigaw ni Lawrence. Kahit talaga oo walang galang. "Kuya anong Ethan lang?!" Sigaw ko kasi hindi ko pa tanaw si Ethan. "Yow! Ethan!" Sigaw na naman ni Lawrence. Lakas talaga ng trip ohh. Kaya madali kong tong kinurot medyu mahina naman yun. "Kuya hindi Ethan lang." Madiin kong sambit sa bata na to. "K-ku-ku-ku-ya E-ethan H-hi." Ngiwi ni Lawrence. Napangiwi ako kasi pilit ito namang isa kumaway lang kaya napaligon na sa kanila. So anim silang lahat? Mas lalo akong napangiwi dahil sa malalapad ang ngiti ng mga kaibigan nya. "So bro?! Si Cassandra ba ito?" Lapad na ngisi nitong isang naka orange. Sa tutuosin gwapo silang lahat pero mukang chickboy. "H-hi?" Bati ko pero parang bat ako nauutal? "Jake." Agad itong lumapit sa akin sabay abot ng kamay na agad kumunot nuo. Sa ganitong paraan ng pagkilala ng tao ayuko ng ganto. Pero mukang no choice ah. Kaya tinanggap ko ang kamay nito. "Kian!" Sabay kaway nito sa akin kaya kumaway din ako. "Cole!" At nagsaludo nito sa akin. Ano bang trip nila bakit ganito sila? "Leo... Axel..." Sabay pa sila kaya natawa ako ng kunti. Nabaling ang tigin ko sa isa na ngayun ang dilim ng tigin na akala mo naman may nagawa akong mali. "Easy Ethan di namin aagawin yan." Ngumisi si Jake ata yun oo tama Jake yun. Pero imbes mag react ako sa sinabi nya tinarayan ko ito. "Owww bro mukang under ka nito." Sabay nag tawanan sila. Hindi ko na sila pinansin pero ramdam ko nakatitig yung isa. At pasulyap sulyap yung kaibigan nya sa akin. Alam ko maganda ako wag nyu naman ipahalata haysss... "Ate Cass!" Sigaw ni Mika at mukang okey na to. Agad ito tumaloy da tubig kaya nabasa ako tuluyan nakaupo kasi ako sa gilid na pool may salbabida naman yung dalawa pero bantay sarado sila sa akin. Syaka kung makukunod man sila ajan yung anim kaya na nila yun. "Ayaw maligo ate Cass?" Tanung nito sa akin kaya ramdam ko na naman ang titig nila. "Hehehe hindi na Mika syaka amo ko kayo tapos yaya ko na lang ako bakit ako maliligo sa pool ng amo ko?" Sabay simangot totoo naman pero wala namang mali dun diba. Nung nasa mansion pa ako kapag wala pa parents ko dahil andun na naman kay sissy bodyguard ko yaya ko nag pa-party kami sa bahay na akala mo wala nang bukas. Pero buti na lang sumabasabay sila sa akin. Parang pamilya ko na din sila mali pamilya ko sila as in. Nag mumuni ako pero agad ako hinila ni Mika kaya hindi na ako napag react. Gooddddd hindi ako marunong lumangoy!!! "Mika?! Hakdihskoahxhhahbxk tuuu.......long...... jaubskxiahjaix." Hindi ko na alam ang gagawin kasi naman bakit 5'1 lang ako? Unti unti nang pumipikit ang mata ko pero agad ako hinila at kumapit ito sa bewang ko at tinaas ako. Napakapit ako sa balikat nya sa totoo lang may muscle sya. Huminga ako ng malalim para habulin ang hininga ko dahil kapos na yun. Napatitig ako sa mga mata nya na akala mo nag-aalala talaga sya pero hindi naman ata talaga. Nag bago ang emotion ko na parang naagawan ng candy. "Hindi ako marunong lumangoy." Mahina kong sambit sa kanya na akala mo nag susumbong ako sa tatay ko pero hindi ko ito Ama si Ethan ito ang Señorito ko. "Tapos mag kikiss ba yan?!" Basag katahimikan ni Jake. Alam ko na boses nun halata naman. Agad ako natauhan at napabitaw kaya naman lumubog ako ulit pero tinaas na naman nya ako. "Ang kulit mo." Mahina man yun pero sapat ko na para marinig yun. Kaya tumango ako kasi tama sya wag ako gagalaw. "Don't ever do that again Mika." May diin sa sinabi kaya matatakot talaga si Mika. "I'm sorry kuya at ate cass hindi ko alam." Mika "Okey lang promise." At ngumiti ako dahil hindi naman ako gagalaw kaya parang buhat nya papunta sa gilid."Salamat." Sambit ko dito. At ang mga kaibigan nya akala mo nakakita ng multo gulat na gulat. Pero thank you buhay parin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD