Ilang araw na din lumipas simula nung nangyari kay Luis. Pero galit parin sa akin si Ethan at si Mika naman nag e-explain pero sarado talaga ako isip ng kuya nya. At ngayun nasa pool kami tulala. Yes tulala kaming apat bored na bored kami dahil yung pesteng lalaki na yun nainis sa amin ayun pinalabas kami bawal kami pumasok.
"I'm so bored na talaga!" Sigaw Lawrence sapat na ata yun para marinig nung kuya nya. Kaya kami napapatawa dahil nagpapansin si Lawrence. "Sasayaw ako ng May tatlong bebi sasama ka ba Luis?!" Sigaw na naman ito mga grade one palang sila pero tingnan ang tatalino na nila unlike me siguro kong age ko yan nuon nasa puno ako ng mangga umaakyat.
"Ate Cassandra! Ngumingiti may bago na syang boy!" Sigaw naman ni Luis kaya ako natigilan nanlaki mata ko hindi dahil sa sinabi nya dahil sa sigaw nya. Kahit si Mika ganun din hindi ito nagsasalita pero sumigaw ngayun. "Ate Cassandra inlove sa ibang lalaki at hindi si Kuya Ethan yun!" Napangiti ako kasi pinaparinggan nila si Ethan. Napaligon kami sa loob at nakatitig ito na naman sa akin.
"Oke let's go inside na." Aya ni Mika. Kaya naglakad kami kung asan si Ethan matitig na akala mo wala nang bukas.
"Problema mo?" Tanung ko dito nang malapit na kami.
"Nothing." Tipid nito lang sabi sa akin aahh kaya pala? "About sa sinabi ni Luis totoo ba yun?" Malamig na tanung nito sa akin. Lalamigin na ba ako yan?
"Ah yun ba? Hehehe siguro." Kaya imbes na maging mabait ito sa akin nagtaas ito ng kilay. "Problema mo?!" Tanung ko dito at hindi ko inaasahan napataas ang aking tono.
Pero hindi ko inaasahan hinalikan nya ako. The F*uck?! Hindi ko alam irereak ko basta ang alam ko. Dumampi ang malambot yang labi sa aking labi. Unti unti syang gumalaw pero ako natuod dahil hindi ko alam kung pano sya sasabayan hindi ito ang una kong nahalikan pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako virgin. Virgin pa ako! Naramdaman ko na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayun natitig ako sa mga nya. At alam kong namumula ng ang muka ko.
"So-sorry." Nauutal nya pang sabihin. Eh kahit ako ano sasabihin ko hinalikan na lang nya ako basta basta? Bwesit na lalaki na yan! Pero imbes na magsalita ako tinalikuran ko sya at naglakad ako palayo sa lalaki na yun.
Ramdam ko din ang bilis ng t***k ng puso ko kaya hinawakan ko ang dibdib ko. "Cassandra okey lang yan hindi mo aya first kiss ah." Sambit nito sa sarili. Nagmuni muni muna ako kasi hindi pa ako ready sa makikita ko sya muli. Kaya ako ito ngayun natulala na lang.
Pero may narinig akong nabasag kaya agad akong lumabas para echeck kung ano ang nangyari sa labas. At yun nga ang dalawang mag asawa. Basag ako flowers vase sa sala. At napansin ko nanginginig sa takot ang kambal.
"Bakit ba ang malas ko sa buhay?!" Sigaw ng kanilang Ama. Kahit itong asawa na ito walang magawa kahit nagwawala na si Sir. Kumapit ako kay Manang Loming para magtanung pero hindi ko ginawa yun. Napansin ko din si Ethan matalim makatigin sa Ama nya. Ano bang nangyayari sa pamilya nila?
"Ikaw Lawrence?" Tawag ng Ama nila kaya napaligon ako pero napansin ko napamura na lang si Ethan kahit ganun din si Mika. "Anak Lawrence?" Agad naman tumakbo si Lawrence Ama nila nakangiti pero. "At sa tigin mo bang anak kita?! HA-HA anak ka sa ibang lalaki ng Ina nyo!" Sigaw ng Ama nila at tinulak ito.
Kahit ako nagulat sa ginawa nya nakangiti si Lawrence lumapit sa ama dahil?
"Dad first time kong marinig na tinawag mo akong Anak kahit ang kapalit nun masakit na sakita agad." Nakatungo sabat ni Lawrence sa Ama nila.
Sa totoo lang kahit grade 1 palang ito makikita mo na talagang matalino itong bata na ito kahit pasaway sa akin pero mahal ko ito dahil alaga ko ito. Kahit one week palang ako dito masasabi kong mahirap talaga buhay nila dito. Hindi ko alam kaya nila tiisin ang ganun.
"Wala akong pake umalis ka sa harapan ko basura!" Sigaw na naman nung Ama nila. Alam ko hindi na din makatiis si Ethan kaya lumapit ako dito kasi alam ko may balak ito halata naman kapag ngumisi ito.
"Wag mong ituloy ikaw lang din ang mali." Mahina man iyun pero sapat na yun para sya lang makarinig.
"Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko ngayun." Galit nitong tugon sa sinabi ko sa kanya. Ramdam ko galit talaga sya kasi sa tono palang nya.
"Wag please..." Sana sa ganun wag syang magkakamaling sumali sa away ng magulang nya. Eh kahit ako gusto ko na pero pinipigilan ko lang. Kasi kita ko kung pano umiyak ang dalawang bata sa gilid nung Ama nila. Grabe na talaga.
"I Said! Ayukong maingay!" Sigaw ng ama nila kaya agad akong napaligon ang bilis nang pangyayari at hindi ko iyon inaasahan.
Pak!
Hinawakan ko ang namumulang pisnge ko. Pinipigilan kong hindi maluha kahit ramdam kong madadala talaga ang kaluluwa ko sa lakas ng sampal na natamo ko. Yeah ako sumangga ng sampal para kay Luis. Halos lahat ng tao hindi inaakala na makikisali ako sa away na hindi naman talaga dapat ako Belong.
"Subukan mong lumapit Ethan!" Madilim at madiin na sambit nitong Ama nila.
"Stive?!" Sigaw ng Mommy nila. Ngayun nakapagsalita na ito siguro natauhan na sya.
"So sya ang bagong maid nila?! Napakabastos ng ugali!" Ama na naman nila. Hindi na ako magtataka kung isang araw paos ito. Pero hindi na makapag salita ang Mommy nila.
May napangiti ako sa kawalan kahit masakit itong pisnge ko."Wag na po ang mga bata ako na lang po." Sambit ko dito kaya lalong nainis ito.
"Brave HA-HA.." at pumalakpak pa ito. "Cassandra? Akala mo hindi ko alam pinag gagawa mo sa bahay ko?!" Unti unti itong lumapit sa akin."Wala kang karapatan sabihan ako yan!"
Pak!
Nasampal na naman ako. Kaya ko pa kaya pa ng panga ko. Grabe itong lalaki na ito. Alam kong namumula ako na ang pisnge ko pero hindi ko iyun pinansin.
"Dad! Stop!" Sigaw ni Mika.
"Gusto mo ikaw rin masampal? Baka nakakalimutan mo lahat ng kung ano ano binibili mo ay galing sa pera ko?" Ngumisi ang Ama nila kahit si Ethan walang magawa.
"Yan lang po ba kaya nyo? Ang manakit?" Alam kong mali ang sasabihin ko pero napuno ako. Wala kaming magawa kundi sa sasabihin ng Ama nila. Kahit ako minsan nasaktan ni Dad pero kami humahantong sa ganito. "Ama ka nila pero bakit hindi ka sa responsible? I'm sorry to say that but maid lang nila ako pero parang ako na tumayong magulang nila. Kayo po? Minsan po ba nasabihan na kayo ng. Dad I love you? Hindi po diba? Or My husband i love you so much! Hindi po diba? Kasi alam nyu kung bakit? Kasi hindi po nila dama ang papagiging ama nyu. Hindi po nila ramdam ang pagmamahal galing sainyo. Opo sapat na yung sampal mapunta sa akin kasi ako ang shield nila. Kasi mahal ko sila! Aakuin ko lahat kahit masakit. Sa isang linggo ko dito ang masasabi ko. Kawawa po ikaw! Naawa po ako sayo. Kasi hindi mo mararamdaman ang pagmamahal ng isang buong pamilya kung ganyan ang ugali mo." Inayus ko ang dalawang bata. Pero hindi ko manlang makita ang emosyon ng Ama nila. Napakadilim na akala mo lalamunin na sya ng dilim. Umakyat kami ng dalawang bata sa kuwarto nila.
Nang maipasok ko sila nakatigin parin sila sa akin.
"I love you ate cass." Sambit ni Lawrence sa akin. Napangiti ako kahit masakit itong pisnge ko basta ang mahalaga hindi sila nasaktan.
"I love you." Nahihiyang sambit ni Luis. "Sorry po." Pahabol nya.
"I love you too mga baby boy ko pa hug nga!" At nagyakapan kami. Masaya ako kasi unti unti ko nang nakukuha ang loob nila.
Bigla naman bumukas ang pinto na akala mo may magnanakaw na dumating sa lakas ng pagbukas nito. Agad ito lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko. Sa gulat ko hindi ako nakapagsalita. Plus niyakap pa ako nito.
"I'm sorry kung wala akong nagawa." Ramdam ko ang lungkot sa sinabi nya. Galit ako sa lalaki na ito. Pero mukang natutunaw na napangiti ako kahit hindi nya kita. Humiwalay ako sa yakap pero sobrang lapit ng muka nya sa muka ko akala mo na hahalikan ako.
"Okey lang ako." Ngiti kong sambit kay Ethan.
"Masakit parin ba iyan? Namumula oh." Ethan
Hindi ko alam ang dahilan napangiti ako sa kanya.
"Kuya Ethan love ate Cassandra." Sambit ni Luis ito talaga bata na to.