Chapter 11 Class Masayahin

1216 Words
"Happy Home Visit sa inyo" announce ng aming Rector noong matapos ang kanyang Talk. "Classmate, good news" sabi ni Harry "What is it?" halos sabay-sabay naming tugon dito "Extended ang Home Visit natin ng dalawang araw" sabi nito na merong ngiti sa kanyang mga labi "Secret lang daw ito" dagdag nito. "Wow, five days na nasa labas, ano kaya ang gagawin ko?" wika ni Clay "Ako, magrerelax lang ako" sabi ni Ivanne "Nakakstress dito e" "Ako, matutulog lang ako siguro sa bahay" nakangiting sangat ni Hiro "Classmate, I have plans" sabi ni Harry "Anong plano?" tanong ni Conan "MagGroup Intensive Activity kaya tao" sabi nito na may ngiti sa kanyang mga labi "GIA?" sabi ni Yves "I think, Good idea yan" "Classmate, hindi ako makakasama" sabi ko "Bakit?" tanong ni Conan "May pupuntahan ako" "Lance, kung ano man ang nasa isip mo ay h'wag mo na kaya ituloy" sabi ni Harry "But I need to remember everything" "Wait?" singit ni Hiro "Remember what?" "Anong hindi namin alam ha" sabi ni Yves "Tell us!" "Classmate, I ha – " naputol yung sasabihin ko nung nagsalita si Harry. "NO!" sabi ni Harry na medyo napalakas ang boses nito "It's not time" "WHY?!" sabi ni Yves "Confidential" "Guys" sabi ni Clay "Bayaan na muna natin sila" dagdag nito "Okay, thank you" sabi ni Harry "Okay Lance, sasamahan kita" ~ Nandito na kami ni Harry sa harapan ng isang eskwelahan. Kung hindi ako nagkakamali ay halong 25 years palang itong school na ito. "Bakit dito?" tanong ko kay Harry "Dito talaga dapat magsimula" "Anong meron dito?" sabi ko dito "akala ko sa San Francisco tayo pupunta?" "Pero dito nagsimula ang lahat" sabi ni Harry "Dito mo nakilala ang iyung mga kaklase" Pumasok na kami sa loob ng eskwelahan. Sa bawat nakakasalubong kong estudyante ay nakatitig sa akin na para bang nakakita ng multo. "Si Lance ba yan?" tanong nung estudyanting babae sa kausap nitong babae rin "Yes, absolutely" "Gwapo pala siya" "Sheesh" pagputol nito. Nung nakalayo na kami sa mga estudyante ay biglang nagsalita si Harry. "Famous ka pala dito e" "Sira" putol ko dito habang nakangiti "Wala nga ako maalala sa aking nak –" naputol ang aking sasabihin nung may narinig akong pagtawag sa aming likod "Mr. Cortez" Nilingon ko ito at doon ko nakita ang isang mid-thirties na babaing nakasuot na uniform pang teacher. "Po?" "Oh my god" sabi nito na may luha sa kanyang mga mata "kamusta ka na?" "Ayos lang po" sabi ko dito na may pagtataka sa aking tono "Sorry, Who are you?" "Oh" sabi nito na medyo nagulat "So totoo pala na wala kang maalala by the way tuloy muna kayo sa aking office" Nung nakarating na kami sa kanyang office ay namangha ako sa loob nito. Meron ito kulay cream na pader at maraming litrato sa kanyang kabinet at maraming rosas na kulay pula. "Sit down" sabi nito sa amin Umupo na kami ni Harry na nakaharap sa kanya. Bigla akong kinabahan nung sumakit bigla ang aking ulo pero hindi ko na sinabi sa mga ito para hindi na sila mag-alala. "By the way I'm Lei Lannister" sabi nito "Class adviser of 4th year Sapphire" "I'm Lance Cortez" "Yeah, I know" sabi ni Ma'am Lei "Naging estudyante kita" Nagkatinginan kami ni Harry na may galak para bang sinasabi ay 3 points. Nakuha na namin ang aming kailangan. "How about you mister" dagdag ni Ma'am Lei habang nakatingin kay Harry "Sorry ma'am I'm Harry Valdez" sabi nito "Classmate ni Lance sa Seminary" "Oh I see" sabi nito "Nasa seminaryo ka na pala, So anong sadya ninyo dito" "I need to know the truth about my past" sabi ko dito Dumaan ang napakahabang katahimikan ang dumaan bago ito nagsalita. "Matagal tagal na rin na hindi pinag-uusapan ang topic na yan pero masakit pa rin para sa akin ang nangyari sa inyo" sabi ni Ma'am Lei habang tumayo ito at pumunta sa isang kabinet na puro picture. May nakita ako kinuha itong isang larawan. Medyo malaki ang size nito kesa sa ibang litrato na naroon. "Masyado kong minahal ang inyong klase kaya siguro sariwa pa rin ang sugat ng nakaraan" sabi nito habang inaabot sa akin ang litrato. Kinuha ko ito sa kanya at pinagmasdan. Namilog ang aking mga mata nung makita ang mga mukha ng mga ito. parang pamilyar sila. Parang nakita ko na sila nitong nakaraang araw. Hindi ako pweding magkamali sila yung nakikita ko na nag-uusap usap sa harapan ng aking kwarto. "Class Masayahin" sabi ni Ma'am "Po?" sabi ko "Your class name" sabi nito "masyado kasi kayong masayahin kaya nabansagan kayo ng mga guro dito" "What happen ma'am?" sabi ni Harry "bakit sila namatay?" "We don't know" sabi ni Ma'am Lei "Every summer kasi lagi silang nagbabakasyon na isang klase, iba kasi ang kanilang samahan para silang magkakapatid. So nagtataka kami kung bakit nangyari sa kanila ito. merong kakaibang nangyari sa Rest house ni Lance sa San Francisco, Quezon" "Rest House? San Francisco?" sabi ko "So totoo nga yung nabasa ko sa internet" "Ma'am, hindi ninyo po ba alam kung ano ang nangyari talaga sa kanila" sabi ni Harry "Sorry, wala talaga" sabi ni Ma'am Lei "maybe pumunta kayo sa San Francisco, maybe makakakuha kayo ng impormasyon doon" Pinagmasdan ko ulit ang larawan na hawak hawak ko. Lalo akong nagulat nung mapansin ko na may anino sa aking katabi. "Oh my God" sabi ko "Why?" sabi ni Harry "Look" sabi ko "Yung anino" Tumingin si Harry sa larawan pero wala siyang nakita. Tiningnan ko ito pero wala akong makitang pagsisinungaling sa kanyang mga mata. Bakit ako lang ang nakakakita sa anino. Magsasalita sana ako nung tumunog ang telepono ni Ma'am Lei. "Hello" sabi nito "Excuse me" "Sige po paalam" sabi ni Harry "Aalis na rin kami" Nakita kong bumukas ang bibig ni Ma'am pero wala na itong sinalita pa kundi tumango na lang ito. ~ "Sige Lance" sabi ni Harry "Bukas ng umaga na lang tayo magkita para punta sa San Francisco" "Sige" matipid kong tugon dito Nakauwi na ako ng bahay, meron akong nararamdam na hindi ko mapaliwanag. Walang tao ngayon sa aming bahay dahil nasa eskwelahan pa ang aking dalawang kapatid, at si mama naman ay nasa trabaho pa. Dumiterso na agad ako sa aking kwarto para matulog. Wala pang limang minuto na paghiga ko ay nakatulog na agad ako. Napabalikwas agad ako ng gising nung may narinig ako kaluskus sa ibaba ng bahay. Nagmadali akong pumunta sa baba para makita kung sino o kung ano ito subalit wala akong nakita kundi bukas na telebesyon "Ma?" sigaw ko Pero walang sumagot sa aking tawag kundi katahimikan lang. Lumapit ako sa TV para patayin ito subalit nung malapit na ako ay bigla itong namatay at kasabay nito ang mga tawa sa kusina. Nilingon ko ito, at nagmadaling pumunta doon. Nung nandoon na ako, namilog ang aking mata nung makita ko kung sino ang tao sa loob ng kusina, sila yung nasa larawan, at sila ang kasama ko sa rest house namin. Tatakbo sana ako nung may yumapos sa aking likod, nilingon ko ito at nakita ko ang anino na nakatawa sa akin. Biglang nagdilim ang aking paligid pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakirinig ko itong nag salita. "They are waiting" sabi nito "your classmates, Class Masayahin" ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD