Chapter 12 Haunted Memories

1118 Words
"Nasaan na ba si Harry" reklamo ko sa aking sarili "kanina pa ako dito e" Nasa terminal na ako ng bus, at hinihintay si Harry. Halos kalahating oras na akong naghihintay dito, at uugatan na ako sa aking kinatatayuan. Lumipas pa ang limang minuto ay dumating na ito. "Sorry" sabi ni Harry habang nagpupunas ng pawis "Tara na" sabi ko dito Sumakay na kami sa bus patungong San Francisco, Quezon. Mahigit apat na oras din ang byahe. Sumasakit ang aking pwet sa kakaupo, para akong pumuntang Manila sa layo. "Nandito na tayo" sabi ni Harry "Welcome Home Sir" dagdag nito habang nakangiti ito. "Sir?" "Ah sorry nalimutan ko palang sabihin sayo na, katiwala ninyo kami dito" sabi ni Harry na nakangiti "kami yung nagbabantay ng bahay ninyo dito" "Talaga?" matipid kong tugon dito "Yes, magkakabata tayo" sabi nito "sabay tayong lumaki, nagkahiwalay lang tayo nung lumipat na kayo ng bahay sa Lucena" "Okay, Home Sweet Home" bulong ko sabay buntong hininga. "Tara na" paanyaya nito sa akin. ~ Narating namin ang isang bunggalong bahay sa tabi ng dagat na kulay berde ang pader at merong malaking bangka sa tabi nito. Pinagmasdan ko ito at namilog ang aking mata nung makita ko ang aking pangalan na nakaukit ito. "Bakit may pangalan ako dito?" sabi ko dito habang ako ay lumalapit sa bangka "Ah, binigay mo yan kay tatay" sabi nito "bilang regalo sa kanyang kaarawan" "Bakit may pangalan ko?" "Pampasalamat daw yan sabi ni Tatay" sabi nito "ipinangalan niya ang bangka sa nagbigay" "Okay" sabi ko dito sabay ngiti Nakita ko ng pumasok si Harry sa bahay, at lumipas pa ang ilang sandali ay lumabas din ito kasama ang dalawang matanda, siguro ang edad nito ay nasa early fifties. "Sir Lance" sabi nito "This is my parents, Nestor and Esther" "Hello po, kamusta po ka – " naputol ang aking sasabihin nung niyapos ako ng mga ito. Mahigpit ito na para bang sabik na sabik sila. "Salamat sa Diyos" sabi ni Manang Esther habang naluha. "Sir Lance, mabuti po naka-uwi na kayo dito sa atin" sabi ni Mang Nestor. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil wala akong matandaan sa kanila. Kaya ang nasagot ko na lang ay "Sige po, salamat" sabi ko "papunta pa po kami sa bahay" Nakita ko ang reaksyon ng dalawang matanda at muka silang natatakot. "Ah sir hindi pa po namin nalilinis ang bahay" sabi ni Manag Esther sabay tingin sa kanyang asawa "Oo nga sir, dito na lang muna kayo sa atin" sangat ni Mang Nestor "At pagluluto ko po kayo ng inyong paboritong pagkain" "Salamat po" sabi ko sabay tingin kay Harry "limitado lang po ang aming oras kaya kailangan na po naming umalis ni Harry" Nakita kong nagkatitigan ang mag-anak, ang mga titig nila ay may halong kahulugan pero hindi ko mawari kung ano ang pinag-uusapan nila. "Tara na Harry" paanyaya ko kay Harry "para makauwi agad tayo ng Lucena" "Nay Tay" sabi ni Harry "aalis na po kami at tsaka po pala pahirap ng iyong bangka" "Sige ingat kayo" sabi ni Mang Nestor na mukhang napipilitan Dinala na namin ang bangka sa may dalampasigan at nagsimula na kaming maglakbay sa dagat patungong bahay. Lumipas ang halos 45 minutes ay natanaw na namin ang isla kung nasaan ang bahay namin. "Lance" tawag sa akin ni Harry "Welcome Home" "Amin ito?" tanong ko dito "Yes" nakangiting sabi ni Harry Sumadsad na ang aming bangka sa dalampasigan. At tuluyan na kaming bumaba ng bangka. "Tara na, Lance" pag-anyaya nito sa akin "mahigit sampung minuto pa ang lalakarin natin bago marating ang bahay." Lumipas ang sampung minuto na paglalakad ay naabot na namin ang aming destinasyon. Napakalaki ng bahay na ito, meron itong apat na palapag at masyado nang luma ang pangharap nitong itsura kaya kapag nakikita mo siya ay parang haunted house sa isang horror movie. "Scary" bulong ko kay Harry "Diyan nga kayo lumaki e" nakangiti nitong sabi sa akin "tara na sa loob" dagdag nito. Pumasok na kami sa loob. Bigla akong namangha nung makita ko ang loob nito. Hindi katulad ng labas ang loob nito ay may pagkamoderno na. Maaliwalas ang loob nito at meron ito magaraang salas. At pagpasok mo sa bahay ay makikita mo agad ang malaking hagdanan. "Parang palasyo" sabi ko sa aking sarili "tara" pag-aanyaya nito sa akin "Igagala kita" Una naming pinuntahan ay ang kusina, kumpleto ang kagamitan dito at ang itsura nito ay parang mag-amerika ang style nito. May mini bar sa loob at meron itong malaki at mahabang lamesa. Pagkatapos namin sa kusina ay pumunta kami sa pangalawang palapag. Umakyat na kami sa magarang hagdanan, ngayon sa pangalawang palapag na kami. Ang pangalawang palapag ay meron mga kwarto at ganoon din ang pangatlong palapag. "Tara na" sabi ni Harry "pababa" "Bakit?" tanong ko "may isa pang palapag oh" "ah" sabi nito "bawal kami diyan e" "bakit?" "rules ng bahay yun e" sabi nito "only the Cortez can go there" "sige ako na lang ang pupunta" sabi ko dito "intayin mo na lang ako sa sala" Nagsimula na akong umakyat sa pang-apat na palapag. Bigla akong kinabahan at namumuo rin ang aking pawis sa aking ilong. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking nararamdaman para bang gustong lumabas ng aking puso sa aking dibdib. Nandito na ako sa huling baytang ng hagdanan ng pang-apat na palapag. At ang sumalubong agad sa akin ay isang malaking pinto. Pinihit ko ang doorknob at bumukas naman ito. Tuluyang ko na itong binuksan. Namangha ako sa aking nakita sa loob ng kwarto. Puro antigo at mukhang mamahalin ang equivalent nito. Aalis na sana ako nung may napansin ako akong kakaibang pinto sa dulo ng kwarto. Hindi katulad ng unang pinto na luma at lampas tao ang laki, itong pinto ito ay maliit lang at kulay pula. Nagmadali akong pumunta dito, at laking saya ko nung pinihit ko ang doorknob ay nagbukas ito. Nung tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ay bigla akong napahawak sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi ko alam kung bakit meron ganito sa bahay. "iyan ang sekreto ng pamilya ninyo" sabi nung tao sa aking likod Nilingun ko ito at laking gulat ko na makilala ko ito. Ito yung tao sa litrato kasama ang boung class masayahin, kung hindi ako nagkakamali siya ang presidente namin. "hindi maaari" sigaw ko dito "ito ang katotohan, Lance" sabi nito "HINDI" sigaw ko Nakita kong nagbabago ang ang itsura nito, ang itsura nito ngayon ay isang purong itim, mata at bibig lang ang kita dito. Ito yung anino na nakikita ko lagi. "Sino ka ba?" "We're friends" "....." "Welcome home brother" sabi nito sa akin sabay yapos sa akin. Wala na akong nagawa kundi sumigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD