Naalimpungatan ako noong marinig kong tumutunog ang aking telepono. Napatingin ako sa aking orasan sa tabi ng aking kama, ang sabi dito ay 5:45 am pa lang.
"Hello" sabi ko
"Lance?" mahinang tugon nung nasa kabilang linya.
Bigla akong kinabahan, napakabilis ng t***k ng aking puso para bang gustong makawala sa aking dibdib. Lumalabas na rin ang mga pawis ko sa noo at ilong. Alam kong may problema, hindi lang basta problema – malaking problema ito.
"Oh napatawag ka" lakas loob kong tugon dito kahit na nanggigilid na ang aking mga luha "Ivanne"
"I'm sorry" sabi nito sabay pindot ng end call.
Niredial ko ulit ang namber ni Ivanne pero cannot be reached na ito. Lalo akong kinabahan nung nakatanggap ako ng text messege mula kay Harry.
Classmate, pumunta kayo sa bahay nina Ivanne. ASAP!
Nagmadali na akong nagtungo sa banyo, naghilamos at nagsipilyo at nung matapos ko na ay nagmadali na akong lumabas ng bahay. At noong nasa tapat na ako ng gate ng bahay nina Ivanne ay makikita mo mula sa sasakyan ko na maraming tao. Tripling kaba ang hatid nito sa akin kaya nagmadali akong bumaba sa aking sasakyan at nagtungo dito.
Namilog ang aking mata nung naabutan kong lumuluha ang mga magulang ni Ivanne at ang aking mga kaklase.
"What happen?" sigaw ko habang nagbabadyan ang aking mga luha.
"Si Ivanne" sabi ni Clay "natagpuang naliligo sa sariling dugo sa kanyang banyo."
Kaninang pang pinipigilan kong luha ay tuluyan ng umagos nung marinig ko ang masamang balita.
"P-pa-papaano?" utal kong tugon sa mga ito habang ako ay naiyak "tumawag pa siya kanina sa akin"
"Anong oras?" tanong nung nanay ni Ivanne
"5:45 am po"
"imposible" sangat naman nung tatay ni Ivanne "mga 5:45 am ko siya natagpuan sa kanyang banyo"
Kinuha ko ang aking cellphone at pinakita dito ang aking call history.
Nakita kong namilog ang mga mata ng mga ito, halatang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.
"Naalimpungatan ako kanina" sabi nung tatay ni Ivanne "mga 5:40 am yun – nakita kong nakatayo si Ivanne sa paanan naming mag-asawa – tinanong ko pa siya kung bakit siya nandoon pero hindi ito sumagot bagkus ay lumabas ito ng kwarto. Bigla akong kinabahan kaya sinundan ko siya. Nagtungo ito sa kanyang kwarto at sinarado ang pinto. Nagmadali akong pumunta dito at binuksan ang pintuan at nung nandoon na ako ay hindi ko siya matagpuan wala siya sa kanyang kama, hinanap ko siya sa walking closet subalit wala siya. At nung napatinggin ako sa kanyang banyo ay meron akong nakitang anino. Nagmadali akong pumunta dito at binuksan ito at wala na akong nagawa kundi sumigaw ng tulong nung makita ang walang buhay na katawan ni Ivanne"
"in the past few days" sabi ng mama ni Ivanne "may sinasabi siya tungkol sa kanyang panaginip, meron daw sa kanyang papatay – hindi ko naman pinansin ito ang sabi ko nga sa kaniya ay bad dreams lang yun hindi magkakatotoo"
Bigla akong kinabahan na hindi ko alam, parang pamilyar ang nangyayari – parang nangyari na ito pero hindi ko maalala kung ano ito.
Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan naputol lang ito nung dumaiting na ang pulisya kasama ang ambulansya.
"sino dito si Mr. Arvin Franco" sabi ng pulis
"Ako po" sabi ng tatay ni Ivanne
"kailangan ko po kayong maka-usap kasama si Mrs. Lelieth Franco"
Nagtungo yung tatlo sa may kusina at doon nag-usap at naiwan kaming magkakaklase habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Ivanne.
"Anong nangyayari sa atin?" tanong ni Hiro