Chapter 16 Sweetest Balikan

777 Words
"Welcome Back Brothers 1st years" masayang bati ng aming Beadle Nagpalakpakan ang lahat. Pero mahahalata mo sa mga ito na nalulungkot dahil sa pagkamatay ni Ivanne. Si Ivanne ay isa sa pinaka masayahing seminarista. Isa siya sa clown at Mr. Friendship ng seminaryo, siya ang nagpapasaya sa brothers kapag may ganitong events. "For the eternal repose of the souls of Sems. Ivanne, Drake, Sam, Lander and Ron" sabi nung prayer leader nung nagdadasal na kami ng aming complines. At nung natapos na ang aming night prayers ay isa-isa na kami umalis sa loob ng chapel. Nung palabas na ako ng chapel nung may napansin akong pamilyar na bagay sa aking breavery. "bakit meron akong litrato ng aming klase" tanong ko sa aking sarili. Alam kong hindi ako naglalagay ng litrato sa aking prayer book. Pinagmasdan ko ang aming class picture nung may napansin akong kakaiba sa litrato. Malalabo ang mga mukha nina Drake, Sam, Lander, Ron, at Ivanne – bigla akong kinabahan dahil magkakatabi silang lima sa larawan ang katabi ni Ivanne ay si Clay. Ang ibig sabihin nito na si Clay na ang kasunod? Hinanap ko ang aking sarili sa litrato at nandoon ako sa may dulo sa may kanang bahagi katabi ko si Harry na napakalaki ng ngiti. Bigla akong nanlumo nung mapansin ko na merong dalawang mata sa aming likod ni Harry at may napansin din akong mga kamay na nakahawak sa aking balikat. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking katawan. Bigla akong napasigaw nung may naramdaman akong humawak sa aking balikat. "OA" sabi ni Clay na merong ngiti sa kanyang mga labi "Anong hawak mo?" "Litrato" "Patingin nga?" Kinuha niya ang hawak kong litrato at nagwikang "Pinagloloko mo naman ako e" "Bakit?" "Hindi naman litrato ito e" "Ha?" "Papel lang ito e" sabi ni Clay "na walang nakasulat" "Litrato nga yan" sabi ko "class picture pa nga natin yan e" "Bahala ka dyan" sabi nito habang inaabot sa akin ang papel Nung naibigay na nito sa akin ang papel na hawak nito ay umalis na ito habang tumatawa. Tinitigan ko ang papel na hawak ko at doon ko narealize na papel nga ito. Narinig ko na ang buzzer, hudyat na kailangan na naming matulog. Nung matapos na ako sa aking personal grooming ay naghanda na akong matulog. Wala pang limang minuto ay nakatulog na agad ako. Nasa hallway ako ngayon ng third floor kung nasaan ang St. Augustine Dormitory, at kung saan nakatira sina Harry, Hiro, Clay at iba pang seminarista. Isa-isa kong binuksan ang kwarto nina Harry, Hiro at Clay. Sa kwarto nina Harry at Hiro ay wala akong nakita kundi kadiliman lang at nung nabuksan ko na ang kwarto ni Clay bigla akong natakot dahil nandoon sina Drake, Sam, Ron, Lander at Ivanne at kasama ng mga ito ang anino habang tinatakpan ng unan ang mukha ni Clay. Nakita kong nagsstruggle si Clay, nagpupumiglas ito subalit malakas yung anino, gusto kong pigilan ito subalit parang may nagpipigil sa akin, may nakakapit sa aking mga paa at braso. Nakita kong humihina na ang galaw ni Clay at nung hindi na gumagalaw si Clay ay nakita kong binuhat nung lima kong kaklase si Clay papuntang veranda kung nasaan yung anino na may hawak na lubid. Tinali nung anino sa leeg ni Clay yung hawak nitong lubid at hinagis pababa. Napabalikwas ako ng gising, habang tumutulo ang aking mga pawis sa buong katawan kasabay ang pagtulo ng aking mga luha. Napatingin ako sa aking orasan 5:15 am. Nagmadali na akong tumayo at pumunta sa third floor. At nung malapit na ako sa third floor habang binabagtas ang center staircase ay naririnig ko na ang mga sigawan mula sa pangatlong palapag. Lalo akong napaiyak habang nagmamadali pumunta dito. At nung nandoon na ako ay bigla akong nanlumo nung makita ko na hinihila ng mga seminarista si Clay habang nakasabit ito sa veranda. "excuse me" sigaw ng aming Rector kasama ang lahat ng paring taga-hubog "anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisiga – " naputol yung sasabihin nito nung makita nito si Clay "Oh my God" sabi ng aming Rector "Anong nangyari?" tanong nito habang naghehesterya. "Ako po ang nakakita" sabi ni Conan "nagising po ako bandang 5:10 at lumabas sa veranda para stretching nung mapansin kong may pares na paa na nakalutang sa taas ko at doon ko nakita si Clay na nakabigti" "ANONG GINAGAWA NINYO PA" sigaw ng aming Vice-Rector "TUMAWAG NA KAYO NG AMBULANSYA" "tumawag na po kami" sabi ng aming Beadle habang nakayuko ito. At lumipas pa ang limang minuto ay dumating na ang pulisya at ambulansya. At lumipas pa ang halos kalahating oras ay dumating din ang magulang ni Clay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD