Chapter 13: Live together
LEVI’s POV
AFTER our conversation ay nagsimula na rin ako sa paghahanap ng bagong lilipatan ang mag-iina ko. Napangiti pa ako nang maisip na may mag-iina na pala ako.
Dàmn! Ang sarap sa pakiramdam. Parang dinuduyan ako sa alapaap.
“Hey, Levi!” Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Si Rey.
“Hey, Rey!” Kinawayan ko pa siya.
“I found a new condo, puwede mo nang dalhin dito ang mag-iina mo Bro. But the prize is...”
“I know. Rey, can you hide the real prize and tell her a new one?” pakiusap ko sa kanya . Alam kong aayawan na naman si Tharisma dahil masyadong mahal ang presyo ng condo na napili ko. Gusto ko kasi na malaki siya at maging komportable naman silang tatlo.
Kaya ko namang i-afford ang expenses nila at hindi ako magtitipid dahil lang doon.
“You want me to---Oh God...you’re in trouble again,” sabi niya at tumingin sa likuran ko. Mabilis din akong lumingon sa likod ko at kumuyom lang ang kamao ko sa nakita.
“Levi!” tawag sa kanya ni Enrique.
“Fvck...” mahinang mura ko at nang-aasar na tumawa pa si Rey.
***
AIRA THARISMA’S POV
Kasalukuyan na akong nag-aayos ulit ng mga gamit namin. Alam kong ayaw talaga ni Levi na umalis kami sa poder niya pero kailangan kong magdesisyon nang maayos. Para rin naman ito sa kanya, eh. Masisira ang kanyang reputasyon. Kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa akin. Ayokong mangyari iyon sa kanya.
“Mama, bakit po tayo aalis ulit?” Napatigil ako sa tanong ng anak kong si Deno. Malungkot kasi ang boses niya, eh.
“Deno, kailangan nating umalis dito, anak, eh,” sagot ko.
“Hindi po ba ang sabi ni Papa ay bahay na rin natin ito, Mama?” malungkot na saad ng anak ko. Gusto niya yatang manatili rito dahil mas komportable siya.
“Mama, ayaw mo po bang makasama si Papa? Hindi po ba, ’Ma...m-matagal ninyo na siyang hinihintay? U-Umiiyak nga pa ho kayo no’n saka Mama... madalas mong sinasambit ang pangalan ni Papa, kapag natutulog na kayo, ’di ba?” segundo ng anak kong si Dena.
Hindi ako makapagsalita dahil totoo naman iyon. Totoo na madalas kong napapanaginipan si Levi at naiisip ko rin siya. Sino ba ang hindi?
Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa na nakaupo lang sa kama. Lumuhod ako sa tapat nila at hinawakan ang mga kamay nila.
“G-Gusto ko namang makasama ang Papa ninyo, anak. Kaya lang, ayokong masira ang reputasyon ng Papa ninyo ng dahil lang sa atin, kasi... baka...” I took a deep breath at mariin na napapikit pa ako.
“Papa won’t let that happen, he promised to protect us po, Mama. Can you please let our Papa to be with us? G-Gustong-gusto ko pong kasama si Papa, eh.” Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Dena. Umaagos na rin ang luha niya sa kanyang pisngi, eh.
Levi, pinapahanga mo ako, eh. Parang kailan lang na nakasama mo ang anak natin ay nakuha mo na agad ang mga loob nila.
Iba talaga kapag kapamilya mo, kahit sa una ay estranghero pa sa ’yo ang isang tao ay kung kamag-anak mo ito ay makukuha mo agad ang loob nila at ayaw na nilang mawala ka pa sa piling nila.
“Opo, Mama, g-gusto ko rin pong makasama ang Papa ko. Mayakap at halikan niya ako rito sa noo ko, oh.” Natawa ako nang binigyan pa ng action ni Deno ang mga sinabi niya.
“Mama, kapag kasama natin si Papa ay makakahinga na po ako nang maayos. Hindi na po kayo magtatrabaho at hindi ninyo na po kami iiwan ni Dena,” malungkot na saad naman ni Deno.
“Hindi na po kami mag-aalala sa inyo Mama. Hindi na po kayo maghahanap pa ng pera para sa amin ni Kuya. Sabi ninyo po ay mayaman si Papa. Mama, bakit kailangan pa po nating umalis?”
Sumikip ang dibdib ko dahil sa pagbigat nito at bumuhos na ang mga luha ko. Sa mga oras pala na iniiwan ko sila para sa trabaho ko ay nag-aalala pala sila sa akin. Ako ang inaalala nila sa halip na ang mga sarili nila.
Kaya ba madalas, naaabutan ko silang gising kapag umuuwi na ako sa gabi?
***
LEVI’S POV
Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at umalis na ako roon sa condominium. Sa tuwing nakikita ko sila ni Mommy ay nagagalit lang ako dahil sa ginawa nila kay Tharisma.
Nagtitimpi lang naman ako kay Enrique, eh. Kung maaari lang ay huwag ko na sana siyang makita pa. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
“Levi! Wait Levi!” Hindi ko siya pinansin at mabilis na sumakay ako sa elevation. Mabuti na lamang ay hindi siya nakaabot. God... Ayokong makita ang pagmumukha niya.
Pagdating ko sa parking space ay mabilis din akong sumakay sa kotse ko. Isinara ko ito agad ang pintuan ng kotse ko at namimilog pa ang mga mata ko nang maabutan ko pa siya. Haist...
“Fvck, fvck!” I cursed at mabilis na binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at pinaharurot ko na ito.
Goddàmn it. Kailangan ko na namang maghanap ng bagong condo. Paano kung bigla-biglang sugurin ni Enrique ang mag-iina ko? Dahil alam kong babalikan niya ang lugar na ito. Ayokong mangyari iyon.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na ako sa mansion ko kung saan nandito sila. Bumaba agad ako. Hindi man lang naglaho ang galit ko sa babaeng iyon.
Nadatnan ko ang mga anak ko sa living room at nakaupo sila sa couch nang magkatabi habang nanonood sila ng TV.
Naglaho bigla ang galit na nararamdaman ko at napalitan iyon ng kasiyahan and at the same time kumirot ang puso ko nang makitang nakikinig lang ang anak kong si Deno.
“Pagkatapos, Dena? Ano na ang nangyari sa bidang babae?” tanong ng Deno sa kakambal niya.
“Aalis siya, aalis siya kasama ang baby niya sa loob ng tummy niya. Pagkatapos hahanapin siya ng bidang lalaki,” paliwanag nito sa kanya.
Napangiti ako, ang anak kong si Dena ang nagsisilbing story teller ng kapatid niya.
Humilig ako sa nakasarang pintuan at pinanood ko lang silang dalawa. Sila ang magandang tanawin na hinding-hindi ako magsasawa na gawin ito kahit araw-araw pa.
Pero naalala ko na aalis na pala sila rito at hindi ko na sila makakasama sa gabi ay parang sinasaksak ng patalim ang dibdib ko.
Kung magbago pa sana ang desisyon ni Tharisma. Gusto ko silang makita araw-araw at gabi-gabi.
Iyong tipong pagkagising ko pa lamang ay ang mga anak ko ang una kong makikita.
At kahit papaano ay mababawasan ang konsensya ko at mapupunan ko na ang mga pagkukulang ko sa kanilang tatlo.
Pero kontento naman na ako. Kontento na ako kahit hindi mangyayari ang inaasam-asam ko na mas makakasama ko pa sila ng mas matagal.
Maybe not now, but soon.
Napatingin naman ako sa pintuan ng kusina dahil nararamdaman ko na may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Medyo nagulat pa ako nang makita ko na nakasandal din si Tharisma.
Nginitian pa niya at dahilan na bumilis ang pagtibok ng puso ko. I smiled at her back.
Parang ang saya lang, makita lang ang babaeng pinakamamahal ko ay parang nawawala na agad ang mabibigat kong dinadala sa dibdib.
Makita ko lang ang ngiti niya ay ayos na ayos na asa akin. Bakit ko nga ba siya nakalimutan noon? At hindi ko siya agad nakilala?
“Papa? Papa, bakit hindi po kayo lumapit? Bakit hindi po kayo lumapit ni Mama?” Natigilan ako at napatingin kay Deno.
Wow, it seems naramdaman niya nga presensya namin ng Mama niya. Bumaling ako kay Tharisma at ngumiti muna ako sa kanya bago ko sila nilapitan.
“Hey, son and my beautiful daughter,” I said. Hinalikan ko sila sa mga noo nila at umupo sa gitna ng mga anak ko. Inakbayan ko pa sila at yumakap naman sila sa akin. “Paano mo iyon, nalaman?” tanong ko kay Deno.
“I just feel your presence lang po, Papa. Naaamoy ko rin po ang pabango ninyo,” sagot niya at sininghot pa niya ang dibdib ko.
Mahinang natawa ako sa ginawa niya. Talagang malakas makiramdam ang mga katulad nila.
“Pinapahanga mo si Papa, anak ko,” komento ko.
***
AIRA THARISMA’s POV
Umupo ako sa tabi ni Deno at tiningnan si Levi. Heto na naman ang pakiramdam, kakaibang na pakiramdam kung makikita mo ang ngiti ng...lalaking mahal mo. Haist. Ang tagal ng lumipas ang panahon na iyon ay iyon pa rin talaga ang nararamdaman ko.
“How’s your day, Tharisma?” nakangiting tanong niya sa akin.
“Maayos naman, ikaw? Ang aga mo namang umuwi,” sabi ko.
“Hmm, hindi eh at oo, sinadya kong umuwi nang mas maaga,” sabi niya.
“Oo nga pala, Levi...” pagsisimula ko. May sasabihin kasi ako sa kanya, eh.
“Hmm? May sasabihin ka sa akin?”
“H-Huwag ka na palang maghanap ng apartment para sa amin,” sabi ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Natigilan naman siya at salubong ang kanyang kilay na tiningnan ako. “Why?”
“Hindi na...kami aalis,” sambit ko.
“Ha? What do you mean by that?” naguguluhang tanong niya sa akin at ngumiti na lamang ako para kumalma naman ang t***k ng puso ko.
“Hindi na kami aalis, Levi. Manirahan na lamang tayo katulad ng isang masayang pamilya. Puwede mo nang makasama ang mga anak natin sa kahit ano’ng oras na gusto mo,” sabi ko.
“Ha?” Hala naman, parang loading pa siya, eh.
Napailing na lamang ako sa reaction niya. Parang hindi nag-process sa utak niya na mag-stay na nga kami sa bahay niya, eh.
“Ang sabi ko ay puwede na tayong manirahan na apat. Dito na lang kami ng mga anak mo, kasama mo,” paglilinaw ko.
“R-Really? Final decision na ba ’yan, Tharisma? Walang halong biro?” namamanghang tanong niya sa akin at tumango na lang ako bilang sagot ko. “Yes!” masayang bulalas pa niya.
Tumayo pa siya at hinila ako para lang yakapin at napatawa na lang ang anak namin sa naging reaction niya.