CHAPTER 126: Tatlong oras ang ibinigay ni Samantha kay Jason para sa huling beses nitong matitikman ang kanyang katawan. Walang kaalam-alam ang mayor na ang pagkikita nilang iyon ang magiging huling sandali niya sa mundo na magiging masaya siya. Hindi naman kailangang gawin ni Samantha ang bagay na ito, ngunit dahil ilang oras na lang ang ilalagi nito sa mundo ay gusto niya itong pabaunan ng munting alaala. Ang orihinal na plano ng mag-ama ay bigyan lang ito ng kaunting sugat at palabasin na tauhan ni Zeldris ang may pakana nito bilang babala sa kanyang pangingialam sa mga plano ng binata. Sa ganitong paraan ay lalong magagalit si Jason kay Zeldris at gagawin niya nang personal ang pagharap sa mayor at mauuwi na ito sa gantihan hanggang sa p*****n. Sa nasabing orihinal na plano ay si Da

