CHAPTER 103: Sanay na si Samantha sa madaming trabaho, araw-araw ay tambak ang papel sa kanyang mesa na nangangailangan ng pirma niya o hindi kaya ay kailangan niya itong aralin o basahin. Hindi madali ang maging isang gobernador, ngunit pilit niyang ginagampanan ang tungkuling sinumpaan niya para sa hangarin at sa mga pangarap. Tuwing nasa opisina ang dalaga, mas gusto niya ang nag-iisa at walang kahit na sino ang dapat na mang-istorbo sa kanya kung hindi naman importante. Ngunit hindi naman siya ganoon kasungit sa mga empleyado niya, tumatanggap naman siya ng tawag mula sa kanyang sekretarya kapag may kailangan itong sabihin o itanong sa kanya gamit ang intercom. Kapag nasa opisina siya, hindi siya iniistorbo ni Maestro. Dito ay dama niya na sarili niya ang apat na sulok ng kwarto na

