CHAPTER 82: May ideya si Shaika na may kinalaman kay Samantha kung bakit ganoon na lang ang tingin sa kanya ng binata. Idagdag pa na ipinagtanggol siya nito kanina sa dalaga. Alam niyang ni minsan ay hindi siya ganoon kausapin ni Zeldris . At mas lalong kahit kaulan ay hindi nito sinabi na kailangan niya si Shaika. Ang totoo pa nga niyan ay inakala pa niyang itatakwil na siya nito matapos ng kanilang pag-uusap kanina. Dahil nga walang masyadong alam si Shaika tungkol kay Zeldris, naiisip din niyang maaring magkakilala na si Samantha at Zeldris noon pa. At malamang kaya sinabi sa kanya ng binata na huwag siyang nakikipag-usap kung kanino ay dahil iniiwasan niyang may masabi si Shaika kay Samantha na maaring ikahiya o ikasira lalo ng pangalan niya. Hindi tiyak ni Shaika kung paano ba siy

