CHAPTER 31 “Hey, Are you okay?” Nilingon ko si Zaydel na nagmamaneho ng sasakyan niya. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa labas ng bintana. “Tahimik ka?” puna niya sa ‘kin. I gave him a small smile. “I’m fine, may iniisip lang,” I assured him that. Ang kaliwang kamay niya ay bumaba mula sa pagkakahawak sa steering wheel patungo sa kamay ko at pinagsalikop sa kanya. Lumawak ang ngiti ko sa gesture niya. “Ikaw, ha! Where did you learn such gestures? Simula nang umuwi ka ibang-iba ka na. Nagka-girlfriend ka ba sa ibang bansa, ha?” I tease him. Kasi looking back, sobrang cold ng Zaydel Cruz na nakilala ko but not he’s totally extra sweet. Maturity ba? But he’s always mature. “Sweet na ‘to sa ‘yo?” Tumaas ang kilay niya, pati ang kamay naming magkahawak ay itinaas niya rin. “

