KABANATA 27

2281 Words
LAGLAG ang mga balikat ni Britney ng marinig ang sinabi sa kanya ng private investigator na kinuha niya. Katatawag lang nito sa kanya. Wala pa rin daw itong lead kung nasaan ang kanyang boyfriend. "Where are you, Dindo? Namimiss na kita, love nasaan ka na?" wika niya habang umiiyak. Masyado siyang nag-aalala sa kalagayan ng nubyo. Napaluhod na siya sa kanyang kinatatayuan kanina. Hindi niya akalain na mawawala ng ganito katagal ang boyfriend niya. Dumating naman ang kanyang manager na si Regina at kaagad naman itong napatakbo sa kinaroronan niya ng makita siyang napapaluhod na siya sa may sahig. "What happened to you Britney? Is there something wrong?"agad nitong tanong dahil masyado itong nag-aalala ng makita siyang umiiyak ng tudo. "I'm not fine Regina, still they don't find him. It's almost two months ago and until now Dindo is still missing, I'm so very worried about him," sagot niya sa kanyang manager. Hindi lang naman manager ang turingan nila sa isa't-isa kundi isa nang matalik na magkaibigan. Niyakap naman siya agad ng babae at hinagod sa likuran. Pilit siya nitong pinapatahan mula sa pag-iyak. "Don't lose hope Britney, God is good all the time. So don't worry. By the way, you already called Dindo's parents? Maybe they have also searching for him,so why not call them?" suhestiyon nito. English speaking talaga itong manager niya. Palibahasa matagal nang nanirahan sa States. "Okay, I'll do that. I need to be strong enough to face this problem. Tatawag ako doon mamaya na siguro. Di ba may press conference tayong pupuntahan ngayon?" "Yes. Kaya huwag ka nang umiyak diyan. Wala namang masamang naibabalita tungkol sa boyfriend mo kaya sigurado akong okay lang iyon. Sige na tumayo ka na diyan at mag-prepare. You have to face the cameras mamaya kaya dapat na maganda ang looks mo." "Huwag naman sana. Hindi pa naman ako nakakabawi kay Dindo. Mahal ko siya at kapag may mangyaring masama sa kanya ay talagang hindi ko makakaya." "Sige na, tayo na. Huwag ka nang umiyak diyan. You looks like a poor child." Tiningnan lang niya si Regina. "Sige na, tayo na. Ang eye bags mo girl baka mas malalaki pa iyan kompara sa mga makukuha mong papuri mamaya," pagbibiro ni Regina sa kanya. Natawa naman si Britney at kalaunan ay tumayo na rin mula sa pagkakaluhod. Nangawit din naman kasi ang mga tuhod at binti niya. Parang parusa ang ginawa niya sa kanyang sarili. Hindi naman talaga niya kailangan na umiyak nang umiyak kung gayun alam niyang may isang pinakamalaking press conference silang dadaluhan. Ito ay tungkol sa bago niyang project bilang isang modelo. May gaganapin kasing fashion show sa Brazil at isa siya sa mga napiling mag-represent. Maganda, sexy at mataas kaya swak na swak siya para sa project na iyon. Hilig na talaga niya ang modeling at fashion show mula pa pagkabata kaya nito lang na nagsisimula na siyang makilala sa larangan ng pagiging fashion model ay talagang itutudo na niya. Hindi pa rin naman niya pababayaan ang pagpapaimbestiga sa pagkawala ng kanyang boyfriend pero ngayon, she will going to pursue the great opportunity she had. KASALUKUYAN na silang naka-upo ni Regina sa may sofa at nag-uusap tungkol sa pag-alis nila para sa press conference nila today. "Regina, what time tayo aalis mamaya," tanong niya sa babae na abala sa pagsi-cellphone. "Actually, mga 4: 00 pm pa naman. So, kailangan mo munang magpahinga ng mga 3 oras pa. Sige na. Aalis na muna ako. Babalik na lang ako pag 3:30 pm na.Magpahinga ka muna para mamaya you look fresh girl," wika nito saka tumayo na at umalis. Napailing na lang si Britney. Sumandal na lang siya sa may malambot na kutson ng kanyang upuan kaya mabilis siyang nakaidlip. "Britney love, gising na," wika ni Dindo. "Love, nandito ka na? Nakabalik ka na?"tanong niya saka niyakap agad ang kasintahan. "Oo, hindi naman ako nawala ah. Nandito lang naman ako sa puso mo. Love, palagi mong pakatandaan na mahal na mahal kita," sagot nito sa kanya saka hinalikan siya nito sa pisngi. "I love you too, love. Pero tika lang saan ka pupunta? Huwag mo akong iwan, love—" naputol ang pagtawag niya kay Dindo. Nagising si Britney mula sa kanyang pagtulog. Panaginip lang pala. Humihingal siya kaya dali-dali siyang pumunta sa ref niya at kumuha ng malamig na at saka ininom. "Akala ko totoo na. Pero bakit ganuon ang naging panaginip ko. Bakit?" wika niya saka umupo sa may silya na nasa gilid ng kanyang ref. Parang totoo sa pakiramdam niya ang nangyari pero panaginip lang pala. Muntik na ulit siya maiyak pero ng makita niyang malapit nang mag 3:30 ay mabilis na siyang naligo at nag-ayos. She need to fixed herself to look presentable mamaya. Tiyak na magagalit sa kanya si Regina kapag makitang hindi pa siya nakapag-ayos. Mabilis pa sa alas kuwatro ang kilos niya. Naglagay agad siya ng make-up at nagspray ng pabango. Katatapos lang niyang mag-ayos ay dumating rin si Regina. At agad naman silang lumisan sa kanyang condo unit.Ganito sila ka busy. Kakaunting oras lang ang nilalaan nila sa pagtulog at pagpapahinga. Mabilis naman silang nakarating sa paroroonan nila. Buti na lang at walang traffic at abriya sa daan. Ang daming camera sa paligid. Tutok na tutok ito sa bawat dumadaang modelo. Lahat ng anggulo ay talagang kuha kaya ngumiti lang siya nang ngumiti. Wala siyang paki-alam kung mahahalata nila ang mga eye bags niya. Ito ang buhay na gusto niyang tahakin kaya bawal siyang mahiya o gumawa ng hindi maganda, bawal magkamali o matapilok. Tiyak na ikaw ang magiging usap-usapan ng mga netizens. Ang pagiging fashion model ay kagaya din ng mga artista na kunting sabit lang ay talagang pagpipiyestahan ng taga-media. "Miss Britney, look at the camera. Smile," sabi ng mga photographers o kahit na hindi basta may mga hawak na kamera.Kinuhanan siya ng mga ito mga litrato. Ngumiti na rin lang siya ng napakatamis para mas bongga. "Thank you Miss," pasasalamat ng mga ito pagkatapos makakuha ng mga litrato sa kanya. Ngumiti lang siya para tugon. Nagpatuloy na sila ng manager niyang maglakad papasok ng conference room. Mainit ang pagbati nang mga tao doon nang papalapit na sila. Sikat na talaga siya kompara dati na kung tingnan siya noon ay wala lang pero ngayon isa na siyang tinitingala ng lahat. Ngumiti lang siya sa mga ito. Agad namang kinuhaan siya ni Regina ng vacant seat para doon umupo. Hindi pa naman magsisimula ang press conference dahil may mga iilang modelo pa ang hindi nakakarating. Umupo lang sila at kapag may lumapit na magpa-picture ay tumatayo rin siya para magpa-picture sa kanila. Dagdag points iyon para mas makilala pa. After 10 minutes, ay nag-announced na sisimulan na ang press con. Nandodoon na ang mga kapwa niya modelo. Siya lang yata ang Fil-Am sa lahat but she is so proud to herself that she made it. Eh, ano kung Fil-Am siya? Kaya din naman niya makipagsabayan sa mga magagaling ah! "Good afternoon everyone, today is the biggest and most awaited press conference ever because we are going to announced,who's been the new fashion models that are going to represent our company.I'm going to introduce you to the list of our most beautiful and daring fashion models in this year to represent the new and biggest fashion show in Brazil this coming week.I'm going to call on their names and they will going up here in stage to introduce themselves. Please give them around of applause," ani ng emcee habang hawak ang card na naglalaman ng mga nasa lists. Maraming sari-saring tao ang nandoroon. Mga taga-media at iba. Naunang ipinakilala ang mga kasamahan niya at siya iyong panghuli. Kailangan niyang maghanda ng husto dahil kahit panghuli siyang ipapakilala ay dapat na makuha niya ang suporta ng madla.Habang hindi pa siya tinatawag ay ngumingiti lang siya na parang nag-eenjoy. "Girl, good luck! This is it. Tumayo ka na. Ikaw na ang tinatawag.Make everyone's proud of you. Sige na. Just do your very best Britney," wika ni Britney saka nginitian siya nito. Tumayo naman siya at nag-smile. "Of course, I will. Nandito na ako bakit ba hindi. Malapit ko nang makukuha ang gusto ko at ang pinapangarap ko kaya itutudo ko na 'to," buong puso niyang sagot sa manager niya saka naglakad na papuntang stage. Ngayon ay nasa harap na siya ng emcee. Ngumiti pa rin siya ng nakakapang-akit. She's so beautiful. "Hi, Miss Britney. How are you?" tanong sa kanya ng emcee. "Well, I'm very fine and great," sagot niya saka ngumiti ulit. Nagsipagpalakpan naman ang mga nanonood. "Wow, it nice to hear that from you. So now please introduce yourself to everyone. Anything you can say is allowed," ani ng emcee. "Hello everyone, I'm Britney Vallejo, a proud Fil-Am model and also a dreamer. Before I used to dreamed about this and now I'm so very happy that those dream of mine during my child hood is now becoming into a reality. I hope everyone would support me. I'm going to do my best to be the best. Thank you so much," wika niya na para bang sumasagot sa Q&A ng Miss universe. Maganda ang kahihinatnan ng pagsasalita niya dahil confident siya sa mga sinabi niya. Totoo lahat ng mga sinabi niya. Kung may unang taong proud sa kanya—iyon ay si Dindo. Naalala niya ito kaya itinudo na niya ang speech niya. Napatayo at napapalakpak ang lahat. Believe na believe sa kanya ang lahat. "Thank you Miss Britney. Wow, it's nice to hear that once a dream turns into a reality. Congratulations Miss, see you next week at Brazil's fashion show," anang emcee sa kanya. "You're welcome," sagot niya saka bumaba na ng stage. Pagkabalik niya sa kanilang upuan ay talagang napapatili si Regina sa subrang tuwa. Nagkaroon muna ng picture taking saka natapos na rin ang press conference. Umuwi na silang dalawa. At subrang pagod ang kanyang naramdaman. Sino ba naman ang hindi mangangalay ang mga binti sa seven inches na heels plus pa ang panga niya namanhid na rin dahil sa labis na pagngiti kanina. "OMG. My legs, my jaw and my heart are aching," wika niya nang makaupo sa couch. "Really?Take your time. Have a rest. Aalis na ako Britney. Wala naman tayong mga gimik this following days kaya next week na ulit tayo magkikita kapag araw na ng fashion show. Sige na babushhh!" wika ni Regina saka umalis na agad. Pareho din naman silang pagod. Kinuha muna niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Veronica ang mommy ni Dindo. Gusto niyang mangamusta. Tumunog agad ang cellphone ng mommy ni Dindo at agad siya nitong sinagot. "Hello, Tita how are you? I miss you," unang bati niya sa mommy ni Dindo. "I'm fine hija. I miss you too," sagot nito sa kanya. "Tita, I want to ask you. May lead na ba kayo sa paghahanap kay Dindo?" "Don't worry hija. May natanggap na kaming sulat galing sa kanya. Okay lang daw siya, hindi siya nila sinasaktan. Itinago lang daw siya ng mga kumuha sa kanya dahil nanganganib ang buhay niya. Sabi niya sakin na huwag na tayong mag-aalala at kapag ready na daw siyang harapin ang mga taong gusto siyang saktan ay uuwi na rin siya. Huwag ka nang mag-alala iyan din ang bilin niya sa'kin." "Talaga p Salamat naman kung ganun. Sana nga totoo ang mga sinabi niya." "Kamusta pala iyong pagmo-modelo mo,Hija?" "Successful po Tita. Kakagaling ko nga lang po sa press con at next week ay sasabak na ulit ako sa isang fashion show sa Brazil." "Wow, congrats hija. Sige, magpahinga ka na muna diyan. Tatawagan na lang kita diyan sa susunod na mga updates." "Sorry Tita, minsan hindi ko nasasagot ang mga tawag mo o text dahil subrang busy ako. Sige po. Thank you so much. Ingat po kayo. Bye." "Ingat ka rin, bye." Napangiti naman siya at napanatagang kalooba n kahit kunti. Mabuti na lang at okay na si Dindo kaya magiging maganda na rin ang araw niya hanggang sa susunod na linggo. SA KABILANG DAKO, gumaling na ang mga sugat ni Astra dahil araw-araw itong nililinisan ni Dindo. Ang ilang pa nitong kasamahan ay nagpapagaling pa rin at may iba ring magaling na. "Dindo, sa susunod na araw dapat na puspusan na ang pagsasanay na gagawin mo. Huwag kang magpalamya-lamya ha. Dapat na magaling ka na sa martial arts bago bumalik sina Sapphire at Jasmine rito." "Oo, na sige pagbubutihan ko. Huwag ka nang magalit. Siya nga pala ano ang plano niyo ngayon kay Regor?" "Si Trisha na ang bahala na magpahuli sa taong iyon. Siguro kahit mahuli iyon hindi naman makakasuhan sa dami lang ng mga galamay niya sa kulungan tiyak na makakalabas pa rin siya kung ipapakulong nila." "Edi patayin niyo na lang. Simple as that, hindi ba?" "Simple nga. Pero hindi pa pwede sa ngayon. Dapat na paglaruan muna namin siya. Hanggang sa mabaliw. Kapag papatayin namin siya agad hindi magiging sapat na kabayaran iyon sa kasamaan na ginawa niya. Mag-isip ka nga!" pasinghal na wika ni Astra kay Dindo. Natameme naman bigla si Dindo. Nakatakot siya sa sinabi ng babae. Umalis na lang siya sa silid nito saka lumabas. "Naku, grabi talaga itong si Astra. Nakakatakot, kung dati kay Britney lang ako takot ngayon pati na rin sa kanya. Speaking of Britney, kamusta na siguro siya, na miss ko na siya talaga ng subra," wika niya saka nalungkot bigla. "I miss you love," pasigaw niyang nasabi. Pinagtinginan naman siya ng mga kasamahan nila kaya patay malisya na lang siyang ngumiti at umalis. Nakakahiya ang nangyari pero ano naman ang paki-alam ng mga iyon sa kanya. Mali ba na mag-express ng feelings, ha? Mali ba? Kung kayo ang tatanungin mali ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD