MASAKIT ang ulo ni Regor ng magising ito. Puno rin ng kalat ang silid nito. Napatingin ulit siya sa ulong nasa sahig. Isang ulo ng Maniquin lang naman pala ito. Dala ng matindi niyang kalasingan kaya siya natakot ng ganuon.
Pinagsisipa niya ang ulo na iyon. May napulot siyang maliit na papel na may nakasulat. Dinampot niya at binasa. "I'll hunt you where ever you hide. I'll take revenge no matter what," nanlaki ang mga mata niya.
"G'd damit! How could she scared me like this? Kung si Scarlett ito? Walang patay ang magmumulto. Such a bullsh*t. Kung sino kaman I'm not afraid of you," naka-igting ang mga panga nito sa galit.
Kinuha niya ang cellphone saka tiningnan. Maraming missed calls ang nakita niya. Tumawag sa kanya si Mariposa. May mahigit tatlumpong missed calls.
Nag-alala tuloy siya sa babae. Tinawagan niya ito at buti na lang sumagot ito. Gusto niyang mag-explain sa babae.
"Darling, I'm really sorry. I will explain later. Magkita tayo sa mall. Okay?"
"Sige. See you."
Mabilis na naligo at nag-ayos si Regor. Nagpabango at nagpa-guwapo. Guwapo rin ito gaya ng kapatid pero ibang-iba sila ng ugali. Mas gentleman iyon kaysa sa kanya. They are totally opposite with each other.
Napagkasunduan nilang dalawa na magkita sa mall at mag-shopping.
Nasa mall na sina Mariposa at Regor. Niyaya niya itong lumabas para maisakatuparan na ang kanilang plano. May isa pa silang plano bukod sa pagpapakita ni Scarlett bilang multo para natakot siya pero hindi na ngayon kakitaan ng takot ang lalaki.
Nagtungo muna sila sa kainan para kumain bago mag-shopping. Si Regor na ang um-order at si Mariposa ay Nagpaalam munang mag-si-CR.
Pagbalik nito sa mesa nila ay nakahain na ang pagkain. Naupo na lang siya sa upuan saka nagsimula nang kumain.
Nakatingin lang sa kanya si Regor. Hindi pa ito kumakain.
"Darling, I will explain about last night. Ang nakita mo kagabi ay hindi totoo. Tinulungan ko lang ang babaeng iyon. Iyon lang, saka na misunderstood mo," pagsisimula nito. Ramdam naman sa boses nito na seryoso ito sa kanyang sinasabi. Nakaka-guilty kung soft-hearted ka. Ang ganda lang kasi ng pagkakasabi niya ng mga katagang iyon with feelings.
Hinawakan ni Mariposa ang kamay ng lalaki. "Nah, it's okay. I'm the one to apologize. Ako ang naghinala ng subra kaya I'm really sorry," kunwaring paghingi nito ng tawad. Asa ka pa Regor?
Hinawakan din ng lalaki ang kamay niya. "Thank you. You know how much I love you. I don't need to cheat because everything I need is found in you. "
"Thank you" saka kinurot pa nito ang pisngi ng lalaki. Kinilig naman si Regor. "Let's eat. Tama na ang drama. I'm hungry."
Matapos kumain ay niyaya niya ito na manood ng sine. "Ano ba ang panoorin natin?" tanong nito kay Mariposa.
"Uhmm. Iyong bagong movie. Ang "The Hidden Identity," suhestiyon niya. Maganda ang palabas kahit na sa trailer pa lang niya napanood.
"Sure,"tipid nitong sagot.
Bumili muna sila ng ticket saka popcorn pagkatapos pumila papasok ng sinehan. VIP tickets ang kinuha ng lalaki. Marami pa rin itong pera.
Kailangan niya itong libangin para matuloy ang plano nila. Naiinip na siyang makasama ang lalaking itinuturing niyang mortal na kaaway.
Subrang namimiss na niya si Liam. Parang gusto niyang umuwi sa Sulo para makita ang lalaki pero hindi pwede. Nakokonsensya na rin siyang hindi na niya ito tinatawagan. Nagtaka na rin siyang hindi rin nagtext o tumawag ang lalaki. Dati kada-linggo tumatawag ito sa kanya pero ngayon hindi na.
Nasa VIP seats na sila. Naghintay na lang na magsimula ang palabas.
"Liam malapit na. Konti na lang at magkakasama na tayo. I missed you so much," bulong ng isipan niya na muntik naman niyang ipaluha. Pinigil niya ang emosyon saka kumain ng popcorn. Kahit na umiyak siya hindi naman iyon makikita dahil sa madilim pero hindi siya dapat magdamdam lalo na't kaaway ang kasama niya. Kailangan pa rin niyang magpanggap.
"Wow. Magsisimula na ang movie," wika niya saka nanonood na. Gandang-ganda siya sa palabas.
Sa kabilang dako, handa na ang mga kasamahan nina Scarlett at Astra. Sa bahay ngayon si Dindo dahil wala itong trabaho kaya hindi makakasama ang babae.
Nandoon na rin si Trisha at Brianna. Kasama na nila ang mga pulis. Sampung lokasyon ng mga illegal na negosyo ni Regor ang i-re-raid nila. Saka iyong iba ay ang mga Omare corps members na ang bahala.
Mabilis nilang napasok ang mga ito. May mga nanlaban kaya napilitan silang makipag barilan.
Walang binatbat ang mga ito. Timbog lahat ng mga tauhan ni Regor.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Scarlett kay Astra dahil muntik na itong mapuruhan buti na lang at nakita ni Scarlett ang lalaking babaril sana sa kanya.
"I'm fine. Thanks. May daplis ako pero hindi malalim. Buti na lang. May bullet proof naman akong suot sa katawan pero siyempre na nadaplisan pa rin sa balikat."
Nilagyan ito ni Scarlett ng tela na tinali niya para mapahinto ang pagdugo. "Next time be careful, okay?"
"Thanks! Medyo minalas lang ako ng kaunti ngayon. Don't worry it won't happen again."
Nakipagbarilan ulit silang dalawa sa mga kaaway.
Matapos ang isang oras na raid at bakbakan sa mga tauhan ni Regor ay timbog na ang lahat.
Ang mga nahuli ay pinapakanta kung sino ang pinaka pinuno ng Mafia nila pero hindi kumanta ang ni-isa sa kanila kahit na pinahihirapan na ito ng mga pulis.
Pagkatapos ng pangyayari ay bumalik na ang mga Omare corps members sa hideout. Buti na lang at walang nasawi at nasugatan maliban kay Astra na nadaplisan.
Sina Trisha at Brianna na ang bahala na magpakanta sa mga nahuli at kapag may dapat na ebidensya ay tiyak na makukulong na ang lalaki.
NASA hideout na sila. Nanlaki ang mga mata ni Astra nang makita si Dindo na papalapit sa kanya.
"Are you okay? What? May tama ka? Gagamutin ko yan. Bilis," concerned nitong wika saka inalalayan siya nitong maupo. Hindi siya makapaniwala na concern ang lalaki sa kanya.
"Wait. Bakit ka nandito? Sabi mo sa bahay ka lang ninyo. Huwag ka ngang maging concern sakin. Nakakapanibago," pagrereklamo niya.
Ngumiti lang ito. "Well, concern ako sayo dahil bodyguard kita. At pag mawala ka sa buhay ko paano na lang ako? Ayaw kong may magtatangkang pumatay sakin at saka walang tutulong sa akin. Kaya huwag ka nang mag protesta, sige ka."
Umirap siya. "Tse. Kaya ko namang gamutin to. Daplis lang ito kaya don't act that I'm dying. Nakakainis ka." Pagtataray nito saka pumasok na ng hideout nila.
Naiwan si Dindo na nakatayo sa may gate pero nakangiti pa rin ito.
"Hey, Doc? Hmm. Sundan mo na. Gamutin mo ang sugat niya ha. Sige," wika ni Scarlett saka nakangiting umalis na papasok ng hideout.
Napailing itong pumasok na sa hideout.
Pumasok siya sa kuwarto ni Astra. Hindi na siya kumatok pa dahil bukas ang pinto. "Woah!" saka tinakpan ang bibig. Buti na lang at nakatalikod si Astra. Hinubad nito ang pang-itaas na damit. Marami na kasing dugo. Nakalabas ang ibabang katawan nito pero likod lang naman ang nakita niya.
Lalabas sana siya dahil baka makita siya ng babae pero huli na dahil napalingon ito. "Hoy, Anong ginagawa mo dito? Bastos ka!" Sigaw nito sabay takip sa dibdib niya.
Nagpanic naman si Dindo. "I'm sorry hindi ko sinasadya. Pumasok ako na hindi kumatok." Parang nabuhayan ang katawang tao niya sa nakita niya ng hindi niya malaman kung bakit. Uminit ang pisngi niya.
"Sana man lang kumatok ka. Wala ka bang nakita kanina? Maliban sa likod ko?"usisa nito.
Tumango siya. Pero ang totoo nakita niya ang dibdib nito ng paharap na ito bago nito takpan ang dibdib nito.
"Okay. Sandali magbibihis muna ako. Paki-tulong ng paggamot ng balikat ko. Hindi ko masyadong makita dahil nasa bandang likuran pala ang tama."
"Okay," napalunok siya. Hindi niya iyon inaasahan na mangyayari. Hindi niya pa nakita ang kabuuan ng nubya kahit malapit na silang ikasal pero kay Astra ay nakita na niya. Ni-respeto niya si Britney ng husto sa katunayan ay hindi pa sila nagkaroon ng p********k mula pa noon kahit minsan ay natutukso rin siya pero pinipigil niya. Never siyang nag-dear na gawin iyon.
Lumabas na mula sa banyo ang babae. Nakabihis na ito. Nakasuot ng sando saka naka-shorts. "Sige na. Gamutin mo na. Diba ayaw mo akong mawala dahil bodyguard mo ako?" Nakangiting sabi nito.
"Yeah, exactly. Sige, tumalikod ka na. Dito ka na maupo sa silya. Sa kama ako mauupo para hindi ako mahirapan."
"Unfair, ako dapat nandiyan. Ikaw sa silya," reklamo nito.
"Hindi pwede mahirap. I think dumapa ka na lang sa kama if gusto mo. Bilis na. Dumudugo ang sugat mo."
"Okay lang iyan. Hindi naman iyan malalim saka malayo sa bituka. Di ako mamamatay niyan. Don't worry. I think I have an excuse para hindi mag-duty bukas until next week," seryoso nitong wika.
"What? Hindi pwede. Sige na dapa na. Ano kung hindi malalim? Pero marami na ang dugo na nawala."
Dumapa na ito. "Sige na nga. Gamutin muna," sabi nito. "Aray!!! Ang sakit!!!" sigaw nito ng lagyan ni Dindo ng betadine ang sugat niya.
Napahalakhak ang lalaki. "Ang tapang mong tao hindi ba? Tapos bitadine lang katapat mo?"
"Tse. Tumahimik ka diyan. Masakit kaya. Di mo nilagyan ng anesthesia."
"Okay. Tin-try ko lang kung kaya mo ang sakit. So far kaya mo lang naman pala. I'm sorry pala ha," wika nito na may tunong pang-aasar.
Bumalikwas si Astra. "Ganun ba? Nakakainis ka. Argh. Sige lang. Magreresign na ako ngayon. Okay lang ba?"
"No. Hindi ako papayag. Sige, I'm sorry. Okay na yan. Nilagyan ko na rin ng binda. Huwag ka nang magresign. I'll give you 1 week leave."
Pagtingin niya sa dalaga ay nakatulog na ito. Napagod siguro ito at nanghihina dahil sa mga dugong nawala sa kanya.
Lumabas na lang siya saka nagpaalam na kay Scarlett. "Please tell her, I'm giving her one week leave." Umalis na rin ito pagkatapos.
Naiwang nakangiti si Scarlett. Duda siya sa ipinapakitang kabaitan ng lalaki sa kaibigan niya. Sunod tiningnan niya ang babae sa kuwarto nito. Mahimbing itong natutulog habang nakadapa.
Hindi niya muna iti-next si Amore baka magkasama pa sila ni Regor. At least matagumpay ang ikalawang plano. Ilang push na lang at mawawala na si Regor sa sarili nito.
"Di ba ang ganda ng movie? Pero tapos na. Next time papanoorin ko 'to ulit," wika niya. Mas maganda ang nangyari ngayon sa kanya pero kamalasan naman ng lalaki. Wala itong kaalam-alam.
"Okay, let's go out. May gusto ka pa bang gawin natin Darling? You know what, I want you to be my wife. You're fun to with," wika saka akmang hahalikan ang babae. Hindi ito natuloy dahil pinakain niya ng popcorn ang lalaki.
"I'll be your wife. Don't be in a hurry. I enjoyed the day. Thank you so much. You can send me home."
"Ang daya mo! Okay."
Lumabas na sila ng sinehan. Masaya ang lalaki pero kapag nalaman nito ang mga nangyari ngayong araw ay sasabog talaga ito sa galit.
"Di baling magagalit ka mamaya at at least you enjoy b***h," usal ni Mariposa saka ngumiti ng mapait.
Hinatid siya ng lalaki. Umuwi na rin ito kaagad matapos mabasa ang text ni Ezekiel.Tumawag din si Scarlett para ipaalam sa kanya ang mga nangyari kanina.
"Simula pa lang iyan at sa susunod mas malala pa ang gagawin namin sa isang tulad mo Regor. Hindi ka dapat kaawaan," wika niya saka humalakhak. Tuwang-tuwa ito dahil successful ang plano.