This chapter may contain scenes not suitable for minors... ISANG napakalamig na balde ng tubig ang ibinuhos ni Astra kay Regor. Wala siyang pakialam sa maaaring maramdaman nito. Wala naman itong kaluluwa kaya nararapat lamang ito sa kaniya. Patas na ang laban ngayon. Dinala niya ang lalaki sa isang lumang gusali. Walang tao na pumupunta roon kaya malaya niya itong pahirapan hanggat gusto niya. Nakagapos siya sa isang haliging bakal. Naka-kadena ang mga kamay at paa habang walang malay. Dumudugo ang sugat niya sa binti pero hindi naman masyadong marami. Napa-ugong ito at napamulat. Napamura agad pagkadilat ng mga mata. Nabungaran ng mga mata niya si Astra habang nakangising may hawak na buntot-pagi. Masakit iyon kapag tumama sa balat. Masakit pa iyon sa latay na makukuha mo kapag krusad

