KABANATA 25

3215 Words
KINABUKASAN ay maagang umalis si Amore para pumunta ng bayan. Mamimili daw siya ng mga bagong kagamitan na kakailanganin sa pagluluto. Mas lumalaki na kasi ang kanilang karenderya kaya gusto niyang bumili ng mga bagong gamit at mga lulutuin. Tutal si Liam ngayon ang magluluto dahil nga natalo siya kahapon kaya nakahanap na siya ng tiyempo na pumunta sa bayan at saka gusto rin niyang mangusyuso na rin ng mga balita. Maraming signal sa bayan kaya naisipan niyang tawagan si Astra para kamustahin si Scarlett. Sumakay siya sa kanyang yate. Dinala niya ito dahil balak na muna niya itong iwanan sa may kabilang pampang. Malapit ng matapos ang tatlong buwan na palugit niya para bumalik ulit ng Maynila. Kaya kailangan na niyang maghanda para sa kanyang pag-alis. Pero siguro mahihirapan siyang maka-alis dahil hindi siya papayagan ng kanyang Tiyo Gusting. Nakarating na siya sa kabilang pampang at iniwan nga niya ang kanyang yate sa isa niyang sekretong katiwala. Pagkatapos ay pumanhik na siya papuntang bayan. Ngayon kasalukuyan na siyang namimili ng mga gamit. Tulad ng pan-disguise niya ay nakasuot na naman siya ng makapal na salamin para mag-iba ng kaunti ang kanyang mukha. Una siyang pumasok sa isang department store at doon na bumili ng mga kitchen utensils dahil mayroon naman palang complete set ng mga kagamitan. Pagkatapos niyang namili ay pumunta na siya sa may supermarket. Malawak ang palengke pero dahil maraming mamimili ay talagang masikip ang mga daanan kaya kapag dumaan siya ay hindi maiiwasang may nakakabangga siyang kapwa mamimili. Hindi naman nagagalit iyong mababangga niya dahil siguro sanay naman sila sa ganuong sitwasyon. Naghanap na lang siya ng hindi gaanong mataong lugar para hindi siya ma-suffocate. Sa kanyang paglalakad ay hindi niya pa rin naiwasang makabangga ng babae yata iyon hindi siya sigurado dahil nakasuot ito ng jacket na may hood kaya hindi siya sure sa kasarian nuon. Napakunot bigla ang noo niya saka binalingan ang babaeng naglalakad papalayo. "She looked familiar," wika niya saka dali-daling hinabol ang babae. Natagalan pa siyang ma-corner iyon dahil sa maraming tao at hindi siya pwedeng tumakbo. "Hey, miss kilala ba kita? Miss," tanong niya habang hinihingal pa. Napahawak pa nga siya sa kanyang dibdib dahil sa matinding hapo. Nakayuko lang ang babae at hindi umimik. Parang pinag-aaralan nito ang kanyang ginagawa at maging ang kanyang boses. "Miss. Tinatanong lang naman kita. Pamilyar ka kase sa'kin parang nakita na kita dati. Please, can you take off your hoodie?" wika niya saka mataman na pinagmamasdan ang susunod na gagawin ng babae. "Bakit? Anong kailangan mo?" wika nito. Sa wakas nagsalita na nga ito at totoong babae nga siya. "Kasi, familiar ka nga sa'kin. Sige na. Baka kilala kita. I'm just curious lang naman. Siguro kung kilala mo ako kahit sa boses ko tiyak na hindi mo ako makakalimuta," sunod pang pahayag ni Amore. "So, huwag mong sabihin na ikaw si— Amore?" tanong ng babae. Nagulat bigla si Amore sa kanyang narinig. Papaanong nakikilala siya nito sa totoo niyang pangalan. At dito pa mismo sa Cebu. Walang ni isang nakaka-alam sa totoo niyang pagkatao maliban kay Scarlett. Kahit nag-aalinlangan siya ay sinagot niya ang tanong babae. "Yes, I am," tipid niyang sagot. Nagulat din ang babae kaya itinaas nito ang ulo niyang nakayuko at sinimulang ibaba ang hood ng kanyang jacket. Dahan-dahan ang pagbaba niya nito. Napaka-suspense naman ng mga pangyayari. Nag-abalang din siya. Nang mai-alis na ng babae ang kanyang hood ay pareho silang pinanlakihan ng mga mata. Hindi nila maisip na talagang magkakilala nga sila. Look who's this girl. She's Scarlett, Amore's friend. "Amore, ikaw nga," wika nito na halos ibinulong lang ni Scarlett. "Scarlett," sambit din ni Amore. "Shhh. Huwag ka nang magsalita baka may makapansin satin," pagbabala niya sa kaibigan. Baka maipakita pa sila sa TV kung gagawa sila ng eksena, ayon tuloy mabibigyan pa nila ng chance na matunton sila ng kaaway. Pinigilan muna nilang maiyak dahil tiyak na kapag gumawa sila ng eksena ay maraming dudumog sa kanila. Kaya para iwas sa anumang kapahamakan ay nagpasya silang humanap ng safe na lugar para makapag-usap. Sa isang park sila nakarating. Di naman matao ang lugar. Pagkarating nila roon ay agad silang nagkayakapan. Hindi nila inaasahan na muli silang magkikita. Hindi nila alam pareho na magkakalapit lang pala sila sa Cebu. Sa Maynila lang naman sila nagkakilala at naging magkaibigan. "Kamusta ka na Scarlett? Magaling na ba ang mga sugat mo? Are you totally fine?" agad na usisa ni Amore sa kaibigan. "Okay na ako. Huwag kang mag-aalala. Eh, ikaw kamusta ka? Hindi ko inaasahan na magkikita tayo," sagot nito sa kanya. Gusto naman talaga niyang hanapin si Amore pero di niya alam ang island tinitirahan nito. "It's a small world. May tiyuhin akong nakatira sa isla kaya dito ko naisipang magtago muna pansamantala." "Talaga ba? Saan nga 'yon. I tried to find you pero hindi kita makontak eh, Wala kang signal." "Oo, mainam doon dahil malayo sa kabihasnan kaya hindi ako makikilala. At speaking of signal, mahinang-mahina." "Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon iyong tinulugan mong lalaki? Di ba siya ang rason kung bakit naipit ka na naman sa gulo?" "Oo, magkasama kami. Siguro tadhana na ang may pakana nun. Dati pa naman talaga ako nagmamanman sa kilos ni Regor, alam mo namang siya ang hinihinalaan kong suspect sa pagkamatay ng Daddy ko." "Ang sama niya talaga. Humanda talaga siya sa'kin, Amore. Tutulungan kitang maghigante pangako. Malaki na rin ang kasalanan niya sa akin,"naikuyom niya ang mga palad. "Saka na natin isipin 'yon." Nagkayakapan ulit sila. Dinama nila ang isa't-isa. Pero nang magsimula ulit si Scarlett na magsalita ay naging emosyonal na ito. "Akala ko nga hindi na kita ulit makikita Amore, akala ko noong binaril ako ni Regor ay tuluyan na akong mamamatay. Pero isang himala ang nangyari. I'm still alive and kicking. Alam mo kahit ganun ang nangyari sa'kin ikaw pa rin ang inaalala ko nung mga panahon na iyon," humihikbing pahayag ni Scarlett. "Scarlett naman oh. Huwag na nating pag-usapan 'yan. Naalala ko rin tuloy na halos hindi ako kumain buong araw noong nalaman ko na may nangyaring masama sa'yo at kagagawan ni Regor. Mas lalo pa niyang pinagtibay ang loob ko para maghigante ng lubasan sa lahat ng mga ginawa niya. Sige na tahan na. Gusto ko makita ang matapang na Scarlett na kaibigan ko," wika niya saka hinahaplos ang likod ng kaibigan. "I'm so sorry, dahil sa ginawa ko naapektuhan ka tuloy. Pero tulad nga ng mga sinabi mo Amore, hmm. Maghihigante tayo sa paraang tayo lang ang may-alam. Ngayon sina Astra na raw ang bahala doon. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya at sa lahat ng mga kasamahan natin. Kaya don't worry," masigla na nitong pahayag. Tumahan na kasi ito pagtapos ng sinabi ni Amore sa kanya. "Mabuti naman kung ganun. At mas mabuti rin dahil nandito ka ngayon. Hmm. Payakap nga ulit Scarlett." "Mabuting naglaylo ka muna at hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito. Wala naman tayong napag-usapan dati na tungkol sa ibang personal na bagay maliban sa trabaho.Ang liit talaga ng mundo ano?" wika ni Amore saka ngumiti na rin kahit papaano. "May kaunti akong alam na taga-Cebu ka pero di ko alam kong saan, ang lawak ng Cebu Amore. Iisang lugar lang naman pala tayo." "Talaga? Mabuti ka pa, ako walang kaalam-alam. Di ko naman pinagka-abalahan pa. Besides taga-Maynila talaga ako. Tiyuhin ko lang ang taga-rito." "Oo nga, ang importante nagkita tayo." "It's true." "Siguro kailangan ko nang umuwi sa'min. Tiyak hinihintay na ako ng nanay ko. Heto ang phone number ko incase na gusto mo akong tawagan o e text. Wala na ang dati kong cellphone. Sinira na nila Astra iyon para raw hindi na magamit ng kaaway laban sa akin. At heto rin ang address ko. Puntahan mo nalang ako 'pag may free time ka." "Heto rin ang number ko. At malayo ang tirahan ko rito sa bayan. Sa isang isla kami nakatira. Pero kapag sinabi mong isla Paglaum ay alam iyan ng lahat. Sikat kaya ang isla ng Tiyo ko." "Okay, aalis na ako. Namili lang din naman ako ng mga iluluto namin ngayon. I miss you so much Amore, kaso kulang ako sa time. Baka nag-aalala na ang nanay alam mo namang sakitin iyon." "Sige. Alis na. Talagang kanina kapa nun hinihintay. I miss you too. Sige sa susunod na pagkikita. Mga plano naman ang pag-uusapan natin."Tuanayo na sila at naglakad. "By the way, by the end of this month I am planning to go back in Manila. Siguro kailangan na ako na talaga ang humarap sa mga kaaway." "Hoy. Huwag muna. Pabayaan mo munang pilayan nina Astra ang pakpak ni Regor para kapag nagtuos muli kayo ay hindi na balanse ang paglipad niya dahil pilay na siya at nawawalan na ng mga galamay," nakangising wika ni Scarlett. "Pag-iisipan ko kung itutuloy ko na ang pagbabalik sa Maynila. Ako naman ay babalik pa sa may palengke at mamimili pa.Just text me na lang. Huwag na ang tawag walang ka signal-signal doon sa amin." "Sige. Bye," tugon ni Scarlett saka kumaway. Sumakay kaagad ito sa tricycle nang madaanan siya. Kumaway din si Amore sa kanya saka ngumiti. "Now, I'm relieved to see that Scarlett is finally okay. Ang tapang mo rin Scarlett at diyan ako believe sayo," usal niya saka pumara ng tricycle. Bumalik siya sa may palengke at namili. Pagkatapos ay dinaanan na niya ang mga binili niya sa may department store saka nagpahatid sa tricycle driver sa may pampang. Mag-aarkila na ulit siya ng bangka dahil nga iiwan na muna niya ang kanyang yate sa pampang para kung aalis na siya ay hindi masyadong mahahalata ng kanyang Tiyo. Ang dami na naman niyang pinamili. Umuwi siyang masaya. Pagkarating niya sa kanilang pampang ay nandoroon na pala si Liam nakaabang sa pagdating niya. "Oh, bakit nandito ka na nag-aabang sakin? Paano na ang karenderya doon ha? Baka walang bumibili dahil ikaw ang nagluto," pabirong wika ni Amore kay Liam. "Siyempre marami ang bumibili. Si Lita na ang nag-aasikaso roon. Si Tiyo Gusting ang nag-utos sakin na abangan ka rito dahil nga sabi niya marami ka namang bibilhin at tama nga siya. Subrang dami nga," pabirong sagot ni Liam sa kanya. "Hmm, I smell something fishy, aba ang saya mo yata ngayon ha. Parang nanalo ka sa loto,"agdag pa nito. "Of course. Nagkita kasi kami ni Scarlett sa bayan. Siya iyong sinasabi kung kaibigan na minsan na sinubukang patayin ng kapatid mo." "Ah. Ganun ba. Talagang napakaliit lang ng mundo. Mabuti naman at okay na siya. Sige na. Uwi na tayo. Ako na ang magdadala ng mga pinamili mo." "Oh. Ang bibigat kaya. Anong gagawin mo para makaya mo lahat 'tong dalhin?" "Secret.Ako na ang bahala rito. Sige na. Mauna ka na. I think you're already hungry kaya dalian mo nang umuwi ng bahay at nang makakain na." "Okay. Ikaw ang bahala. Alam ko na ang gagawin mo. May sinuhulan ka nang magbubuhat ng mga pinamili ko no? Kaya tara na. Tawagin mo na lang sila para maisabay ko na rin sa pagkain." "Aba. At nalaman pa agad. Sige na nga." wika niya saka napakamot ng kanyang batok. "Psssst. Hali na kayo mga bata. Tulungan na ninyo ako," tawag niya sa mga batang naglalaro sa may dalampasigan. Agad namang nagsipaglapit ang mga ito at tumulong sa kanya sa pagbubuhat ng mga pinamili ni Amore. Nagsipagbuhat sila ng mga makakaya nilang bitbitin at nagpaunahan papunta sa bahay nina Amore. Ang mga natitira ay si Liam na ang nagbuhat. Hindi naman talaga iyon makakayang bitbitin lahat ni Liam ng mag-isa kaya inutusan niya ang mga bata na tulungan siyang magbuhat pagkarating ni Amore. Pagkarating sa bahay nila ay pinakain naman sila ng libre ni Amore para ganti sa kabutihang ginawa ng mga ito saka pagkatapos nilang kumain ay binigyan sila ni Amore ng kaunting salapi. Tuwang- tuwa naman ang mga bata. Pagkatanggap nila ng pera ay nagpasalamat na ang mga iyon at umalis na rin. Naiwan sina Amore at Liam sa may kusina. Timing naman na pumasok sina Tiyo Gusting at Lita kaya ito na ang oras ng matinding akteng nila. "Mahal eh, sila lang ba ang may reward? How about me?" Malambing na wika ni Liam sa kanya dahil nandiyan sina Tiyo Gusting at Lita. " Mahal, alam mo na ang premyo mo at mamaya ko na lang iyon ibibigay," malambing din na sagot ni Amore sa lalaki saka kinurot ito sa pisngi. Napatikhim naman si Tiyo Gusting. Iba na siguro ang iniisip niya. Sinenyasan din nito si Lita na lumabas na dahil na OP na silang dalawa. Agad namang lumabas ang dalawa. Naiwang nakangisi naman sina Amore at Liam "Ang galing mo Mahal, akalain mong napaniwala mo agad sila," pabirong wika ni Liam sa kanya. "Tse. Asa ka rin siguro na may reward ka ano? Sorry wala kang reward. Sige na, pakiligpit na nga mga pinagkainanan namin." "Hmm. Ang ganda mo talaga Am, sa tuwing magtataray ka. I'm deeply in lo—with you," pabirong wika ni Liam sa kanya. "What? Anong pinagsasabi mong, I'm deeply in lo— with you? Huwag kang magbiro sa'kin Liam dahil hindi ko nagugustuhan ang mga iyan. Diyan ka na nga!" wika nito saka dali-daling pumasok ng kuwarto. Napangiti naman si Liam nang di sa oras. Akalain mo iyon nakita niyang namula ang pisngi ni Amore sa sinabi niya. "I think you are now falling for me Am, don't deny it," usal niya saka niligpit na ang mga pinagkainanan nina Amore at nang mga bata. Samantalang si Amore naman ay talagang napahawak sa dibdib niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nararamdaman niyang umiinit ang mukha niya at tiyak na nakita iyon ni Liam na pinamulahan siya ng pisngi. "Loko ka Liam, hmm. Naisahan mo na naman ako ha, pero nagkakamali ka. Hindi naman ako magpapahalata ng feelings ko sayo. Pipigilan ko ito hanggang sa kaya ko. I don't want to put you in danger. Ayaw kong pati ikaw ay masaktan ulit ni Regor, kaya sana mapigilan ko to!" nababaliw na naman siya at kinakausap na naman niya ang kanyang sarili. Nagbihis na nga lang siya at pagkatapos ay lumabas na lang ng bahay at tumungo sa may karenderya nila. Nakipag-usap siya kina Lita at Tiyo Gusting para makalimutan ang nangyari kanina. "Uhmm. Lita kamusta na pala ang pagkuha mo ng College Admission Test, nakapasa ka ba?" tanong niya sa dalaga. "Opo. Ibabalita ko nga sana eh, naunahan niyo lang ako ng pagtatanong." "Wow. Congratulations. Kailan ba ang pasukan ninyo?" "Sa August pa naman po. May isang buwan pa po akong bakasyon. At kahit na mag-aaral na po ako sa bayan. Kada sabado at linggo tutulong pa rin po ako. Siguro kapag wala ako sa lunes hanggang biyernes si Nanay muna ang tutulong dito. Di ba okay lang iyon?" "Sure. Good idea naman. Basta mag-aral ka lang ng mabuti ha. Para din naman iyan sa kinabukasan mo at sa pamilya mo" "Salamat Ate Amie, ang bait mo talaga." "No problem,masaya naman akong makatulong sa mga nangangailangan. Sa susunod na taon ay maglulunsad ako ng programa para sa mga mahihirap. Siguro scholarship program para makapag-aral na lahat ng mga kabataan dito lalo na ang mga kababaihan, hindi lang sila basta-basta na lang mag-asawa agad, dapat na may pinag-aralan din sila." "Tama iyan. Magaling na plano iyan Amie pero saan ka kukuha ng pundo, tiyak na malaki ang perang gagastusin mo para diyan, Hindi ba?" sabat ni Tiyo Gusting. "Tiyo, marami akong kakilala. Hihingi ako ng tulong at mga sponsors, si Yam tutulong din naman sa mga plano kong iyan. Kaya huwag po kayo mag-aalala." Marami kaya siyang pera, para saan pa ang iyon kundi itulong na lang niya sa mga nangangailangan. "Aba, mabuti kung ganun. Kung matutuloy iyan ay maituturing ka ng mga taga-rito na isang bayani. Akalain mo iyon, ang gobyerno nga hindi gumagawa ng aksiyon eh, ikaw pa na simpleng mamamayan ka lang. Proud ako sa iyo,Amie." "Kaya nga ako na ang gagawa ng paraan, alam niyo naman kapag sa tulong ng gobyerno pa tayo aasa ay mamatay na lang tayo di pa natin matatanggap ang kunting abuloy na galing sa kanila," sagot niya. She's right, wala talaga. "Tama ka talaga Ate, hindi naman sa paghuhusga pero totoo iyong mga sinabi mo," pagsang-ayon din ni Lita sa sinabi ni Amore. "Tama na ngang usapan 'to.Sige, kayo na ang bahala rito. Iidlip lang muna ako. Inaantok ako Amie,pasok na ako sa loob ng bahay," paalam ni Tiyo Gusting na panay hikab at takip ng kamay sa bibig niya. "Ate, ako na ang bahala rito. Alam kong pagod ka rin dahil sa pagpunta mo sa bayan kanina. Sige na magpahinga ka na rin sa loob. Ako na ang magbabantay rito," nakangiting pahayag ni Lita. "Sige, mabuti pa nga. Medyo inaantok na rin kasi ako. Take care of here." Pumasok na rin siya sa bahay at tinungo ang kuwarto. Gusto rin niyang umidlip kahit sandali lang at nang makabawi ng sapat na lakas. Napapahikab na siya pero nawala bigla iyon ng makitang topless si Liam, nakasuot lang ito ng boxer habang natutulog sa kama nila. "Goddamn it Liam, why you're so hot even you are lying and sleeping in bed," usal niya at talagang napamura siya sa kanyang nakita. Matutulog pa ba siya o hindi na? Nawala na naman ang antok niya dahil sa nakita niya. Umupo na lang siya sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang lalaking natutulog. Ang guwapo nito at manly tingnan kahit tulog. Kung talagang marupok lang siya ay talagang matagal na niya isinuko ang bataan niya kay Liam. "Hey, why are you staring at me? Staring at me is rude.May masama kang binabalak sa'kin mahal?" wika ni Liam saka nakangisi ito. Nagising na pala ito ng hindi niya namamalayan. "What? Me—duhh! Wala naman tiningnan lang kita kung totoong natutulog ka. Bakit ba kasi kung matutulog ka eh, nakatopless ka. At talagang boxer lang ang suot mo? Anong nangyari sa'yo? May electric fan naman ah, kaya hindi mainit!" "Wala lang. Para sa tulad kong hot ay hindi sapat ang hangin galing sa electric fan para tanggalin ang maaliwalas na pakiramdam na dulot ng hotness ko," pabirong wika niya dahil gusto lang niyang asarin si Amore. Umismid lang ito sa kanya. "Tss. Ano ka'mu? Hotness mo muka mo! Hindi kaya nakakadiri nga eh, magsuot ka nga ng sando mo, nakakainis. Hot lang ang panahon pero ikaw hindi!" mataray niyang sagot sa lalaki. Mas lalo lang napangisi ng husto si Liam sa pagtataray na ginawa niya. "Am, sabihin mo na lang kasi na gustong-gusto mo makitang naka-topless ako, dati nga napapakagat-labi ka pa ng makita mo akong nagsisibak na topless eh, ngayon mandidiri ka na? Ikaw ha," wika nito at talagang inaasar niya si Amore. "Ew, hindi no. Diyan ka nga!" wika nito saka lumabas ng kuwarto. Binalibag pa nito ang pinto. Hindi talaga siya magpapahuli ng buhay. "Hmmm... Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa'kin Amore na gusto mo 'tong makita?" nakangising wika ni Liam saka bumalik na ulit sa pagtulog. Si Amore naman ay doon na nalang sa sa may couch nila natulog. Pagkagising niya ay nagulat siyang nasa kuwarto na siya nakahiga. Siguro binuhat siya ni Liam at doon na pinatulog. Naawa ito siguro sa kanya na halos mabaluktot na ang kanyang likod doon sa couch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD