KABANATA 12

2052 Words
HINDI pa rin maalis sa isip ni Amore ang kanyang narinig noon na inuusal ni Liam habang nananaginip ito. "Maliit na pulang sisidlan? Parang pamilyar sa'kin pero parang hindi ko naman alam ang tungkol dito. Siguro guni-guni lang niya iyon. Ano ba naman ang meron doon? Maiba na nga lang ako ng iisipin," usal niya. Parang baliw na naman siyang nag-iisip ng kung anu-ano na hindi naman totoo. Wala namang nagkakatotoong panaginip kaya ayaw niyang maniwala doon. Kadalasan ay kabaliktaran ang nangyayari. Wala sa loob ng bahay sina Tiyo Gusting at Liam ng hanapin niya ang mga ito. Alas-otso na ng umaga siyang nagising dahil masyado siyang napagod kahapon. Ang daming trabaho kahapon. Nagpasya siyang lumabas na rin para makasighap ng sariwang hangin. Umunat-unat siya saka nag-kick ng paa sa hangin. Inulit niya ng sampung beses. Gusto niyang ma-energized. Miss na rin niya ang mag-gym, sunod kapag makabalik na siya ng Maynila. Dito banat naman siya sa trabaho sa karenderya kaya okay lang na hindi makapag-gym. Nakita niya si Liam na nagsisibak ng kahoy. Half-body naked.Kitang-kita niya ang malapad nitong likod, six-pack abs and na-he's damn hot. He had a good masculine body, he's physique is well built. Kahit pawisan ang mukha at katawan ay hunk pa rin. He is so manly while his muscles are flexing naturally. She held her breathe for a second. Ang guwapo niya,mala-adonis ang kagwapuhan, makalaglag panga. Bakit ngayon lang niya napansin ang ganuong katangian ng lalaki, humahanga na ba siya rito? Epekto ba ito ng pagod? It's obvious na may nararamdaman na siyang kakaiba basi sa ikinikilos niya.Para siyang timang sa kinatatayuan niya. Matagal-tagal na rin naman silang magkasama pero kakaiba ang nakikita niya ngayon. Nababaliw na siya. She felt her knees soften, her mouth watered. She gasps and shook her head to erase what she's fantasizing about Liam but she couldn't resist. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang katawan ng lalaki. Napakagat-labi pa nga siya habang pinagmamasdan ito. Tila isa itong hunk na model sa paningin niya. Ouch, nagha-hallucinate na ba siya? Humahanga lang naman siya sa kaguwapuhang taglay ng binata na ngayon pa lang niya napuna mula pa noong una silang magkita. Bawal ba? "Di naman alam ni Liam kaya okay lang." Iyon ang nasa isip niya. Sinapo niya ang kanyang dibdib, may kakaiba itong t***k, di niya naiintindihan. Bakit ngayon lang? Kahit na hindi na siya mag-aalmusal pa ay okay na dahil busog na busog naman ang mga mata niya sa kanyang nakikita. May free live show sa harapan niya. Hindi siya siguro nakita o nahalata ni Liam na nakatingin siya sa lalaki dahil patuloy lang ito sa pagsisibak ng mga kahoy. Ipapanggatong niya iyon sa pagluluto. Naupo siya sa nakita niyang pwedeng upuan at nangalumbaba habang pinagmamasdan pa rin si Liam. "Argh. He's damn hot and handsome. Bakit ngayon ko lang ito napupuna?" kinastigo ang sarili pero saglit lang. "Ang sarap sigurong maging unan ang malapad na dibdib ni Liam habang natutulog ako, no? Tss. Walang kuwentang pag-iisip 'to. Tumigil ka nga ang harot mo, Amore." Pinipilit niyang iwaglit ang kaharutan sa isip niya. "Pero sana ma try man lang na- makayakap ko siya. G*ga na isip 'to." usal niya ulit.Wala na baliw na siya. Epekto ba ito ng pagod o kahibangan niya?Mixed! Napakagat siya muli sa kanyang ibabang labi.Pinagmasdan ulit si Liam. Hindi ba talaga siya nito nakikita, o sadyang hindi lang siya nito pinapansin? Umandar ba naman ang kaharutan ni Amore. First time kaya niya iyon na feel. Ang tindi talaga ng nasa isip niya, at talagang pinagka-abalahan pa niyang gawin iyon. Ganun ba talaga kapag walang nubyo, nagpapantasya nalang? Ouch! Napapangiti siya at parang gusto niyang tumili pero pinipigil niya ang sarili dahil baka makita siya ni Liam, tiyak na tutuksuhin na naman siya nito.Ayaw niyang ma-guilty,naalala niya ang kasunduan nilang dalawa. "Right. Bawal ma-in- love sa isat-isa.Tss!"usal niya. Nainis siya bigla. Muntik pa ba niya makalimutan iyon. Ang tanga niya naman sa pagkakataong iyon. "Amie, nasaan ka na ba? Halika rito tulungan mo ako rito sa pagluluto, kulang na ang mga ulam. Maya-maya pa ay aalis ako may importante akong bibilhin sa bayan," tawag sa kanya ni Tiyo Gusting. Natauhan din siya sa wakas. "Opo. Sandali lang Tiyo Gusting, nandiyan na po ako," sagot niya. Narinig ni Liam ang pagtawag ni Tiyo Gusting kay Amore. Napadako ang mga mata ni Liam sa kinaroronan niya, nakita siya nito at ngumiti lang naman ito ng napakaguwapo. Wala siguro itong ka alam-alam sa panonood niya kanina. Normal naman ang mukha nitong nakangiti. Ang guwapo nito na kahit sino mang makakakita ay talagang mai-inlove rito, or shall we say makalaglag ng panty. Parang malalaglag ang panga niya ng mga sandaling iyon, patay siya dahil nahuli siya nito. Talagang may hindi itong magandang gagawin mamaya. Expect the worst, Amore. Napakagat siya ng kanyang kuko ng di sa oras.Pilit siyang ngumiti pero ramdam niyang uminit ang mukha niya. Namumula siya, alam niya iyon. Mula sa matinding pagkahiya ay kumaripas na lang siya ng takbo papasok sa kusina para tulungan ang tiyuhin sa pagluluto. Tinulungan niya ang Tiyo Gusting sa paghahanda ng mga ingredients sa menu nito ngayong umaga. Nagmamadali rin itong umalis. May importante daw itong pupuntahan kaya siya na muna ang bahalang umasikaso sa kanilang karenderya. Kaunti lang ang nailuto ng Tiyo Gusting kaya naisipan niyang magluto muli, di na kakasya ang mga tira-tira para sa tanghalian. Nakapagluto na siya ng paunang ulam kaya nagluto ulit siya ng panibago. Mabenta at marami ang mga customer kaya sa loob ng 3 linggo ay malaki-laki na ang kanilang naipon na pera. Wala naman talaga siyang balak na magkarenderya pero dahil ito ang gusto ng tiyuhin niya edi sinang-ayunan na lang niya ito. Gusto niyang makitang maging masaya ang Tiyo Gusting kaya napipilitan siyang sundin ang kagustuhan nito. Magaling naman siyang magluto kaya simantala na talaga niya ito. Siguro pwede na nga siyang maging Chef pagkatapos niyang maghigante kay Regor at sa mga pumatay sa ama niya. Mabuti na ito kaysa tumunganga siya at maghihintay sa wala. Marami pa namang oras at mga araw para sa mga plano niya laban kay Regor. Bibigyan na niya muna ito ng mahabang break saka sisimulang pababagsakin ulit. Nakatapos na rin sa pagsisibak ng mga kahoy si Liam kaya pumasok na ito sa loob ng bahay. Pasan nito ang mga nasibak niyang kahoy, ganun pa rin ito guwapo kahit pawisan. Lihim na nasulyap na naman siya ulit sa katawan nitong pawisan.Napasinghap siya, tila nanuyo ang mga laway niya. Nakangiti lang ang lalaki habang nagsasalansan ng mga kahoy sa may kalapit na papag ng kusina. Pakunwari siyang hindi niya ito napansin pero ang mga mata niya ay palihim na sumisilip. Bakit ba niya iyon ginagawa, mala-ninja ang 'da moves niya. Nakatapos na ito sa pagsasalansan ng mga kahoy. Pagkunwa'y nakatayo na ito sa gilid niya habang siya ay nagluluto. Naiilang siya sa paglapit nito sa kanya. "Mahal, hindi mo ba ako ikukuha ng tuwalya at pupunasan ang aking mga tagaktak na pawis? Di mo ba ako nakikita na kanina pa ako pawisan?" may pagbibirong wika nito. Napasinghap siya sa narinig, kakaiba ang pakiramdam niya na tinawag siyang Mahal. Heto na naman siya nag-e-ilusyon. "Ah... Eh..." sagot niya saka napalunok muna ng kanyang laway. "Are you okay," puna nito ng nagsta-stammer siya. Kinalma niya ang mga bumabara sa kanyang lalamunan. "Wait lang Liam at ikukuha kita. Paki-bantayan ng niluluto ko. Saglit lang naman ako," dagdag pa niya saka kumaripas ng takbo papasok ng kwarto at kumuha ng tuwalya. Napailing at napapangiti si Liam ng di inaasahan. Mabilis siyang nakabalik. Inabot niya kaagad ang tuwalya kay Liam pero tumawa lang ito. Naasar tuloy siya dahil dito. "Heto na kunin mo na. Magpunas ka na, may niluluto pa ako. Baka masunog iyon. Sige alis naku," alibi niya lang para di makalapit kay Liam. Ayaw niyang umabot sila sa tuksuhan. "Hey, tika lang. Punasan mo na ang pawis ko, Mahal. Sige na please." Tiningnan siya ni Amore ng masama. Pinagti-tripan ba siya ni Liam ng ganito, parusa siguro niya dahil sa pagpantasya rito kanina habang nagsisibak siya ng kahoy. "Bakit ayaw mo, ano ang nangyayari sayo?" tanong nito saka hindi naman sinasadyang mahawakan ni Liam ang kanyang kamay at nagdulot iyon ng kakaibang init. Parang nakuryente siya. Ito na siguro ang tinatawag nilang spark. Di sandara spark ha. "Arghh. Ano nga ba ang nangyayari sa'kin? Bakit ako nagiging ganito? Ano ba Amore, baliw ka na ba? Don't you dear to fall in love with Liam, pagpapanggap lang ito kaya please tama na. Baliw ka na talaga," kastigo niya sa kanyang isipan. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman. Dati wala namang epekto ang lalaki sa kanya pero ngayon ay napa-praning na siya rito. "Ahh..eh...Wala naman," sagot niya habang nakayuko. Nahihiya siya sa lalaki dahil parang praning na siyang umasta. Nanginginig pa ang mga kamay niya. Pinapawisan na rin ang mga kamay niya. Kasalanan niya e, panay nakaw tingin niya kanina tapos heto siya ngayon- siya pa mismo ang nahihiya. It's her karma for staring him while fantasizing him. Ayon binuhay ang katawang lupa niya, ang curiosity niya. "Tumingin ka nga sa'kin, Amore. May problema ba?" wika nito saka ini-angat nito ang mukha niya.Napasinghap siya. "Li... Liam?" tanging nasambit niya. Nagkatitigan silang dalawa at parang malulusaw siya sa mga titig ng binata. Bumilis din ang t***k ng puso niya. Pilit niya itong pinipigil dahil baka pagtawanan siya nito kapag marinig iyon ng lalaki. Pakiramdam niya biglang tumigil ang mundo. Naging slow motion ang lahat ng mga bagay na gumagalaw sa paligid niya. Mga ilang segundo din silang nagkatitigan. Ano rin ba kasi ang pumasok sa utak ni Liam kung bakit niya sinasabayan ang kapraningan ng dalaga? "Are you really okay, Am? Hey...Hoy!" wika nito saka tinapik ang babae sa noo. "Ah...Of course. I'm so sorry. Ang niluluto ko pala baka nasunog na. OMG!" sigaw niya ng matauhan ulit siya. Tinawanan lang siya ni Liam. Nagmukha siyang tatanga-tanga s harap niya. Pinamulahan naman siya ng mukha dahil ramdam niya ang pang-iinit ng kanyang mukha. Para hindi nito makita ang pamumula niya yumuko na lang siya. "Don't worry. Kanina ko pa pinatay ang apoy. Luto na ito. May sakit ka ba? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon? May problema ka ba? Sabihin mo lang sa'kin. Gagamutin kita o makikinig ako sayo." "Wala. Ikaw iyong may problema at hindi ako. Sige, lalabas na ako. May bumibili ng ulam aasikasuhin ko muna. Ay siya nga pala Liam, wala ngayon si Tiyo Gusting. Umalis siya kanina habang nagsisibak ka nang kahoy saka sabi niya huwag ka na lang daw isturbuhin. Sa akin na lang siya nagpaalam. Kaya huwag mo na akong tawaging Mahal, okay ba?" pagdadahilan niya para maiwasan si Liam. Alam naman ni Liam na umalis si Tiyo Gusting dahil nakita niya itong umalis, nakasuot pa ito ng bagong damit. "Ah. Ganun ba? Okay, take your time. Ako na ang bahala rito." "O...okay." Tumalikod na siya kaagad. "Teka lang Amore, pwede ba ako makaidlip? Nakaramdam ako ng pagod at antok kase ng mga nagdaang araw wala akong regular na tulog," wika nito saka naghikab. At bakit hindi siya masayado makatulog? May problema na naman ba aside sa nanaginip siya ng masama? "Pero, tanghali pa lang e." Humarap siya saka tinitigan ng nangungusisa. "Di ba pwede, aking Mahal?"nagpakurap-kurap pa ito ng mga mata. May naramdaman siya ulit na kakaiba kaya gusto na talaga niyang magwalk-out. Paano ba kasi, nagpapa-cute na naman ang lalaki sa kanya."Sige na nga. Matulog ka na lang. Sige bye." Lumabas na si Amore. Mabuti na lang at may bumibili nagkaroon siya ng pagkakataon na makaiwas sa binata dahil kung matatagalan pa siya sa ganuong sitwasyon baka tuluyan na siyang masisiraan ng bait. SAMANTALANG napapangiti si Liam habang nakahiga sa kama. Nakita niya si Amore kanina.Gusto pa nga niyang sigawan ang babae habang parang tulo-laway siyang tinititigan pero di niya ginawa.Ayaw niyang makaramdam ito ng hiya. Besides, ginanahan pa siyang magsibak habang mangha itong nakatingin s kanya. Ang cute ni Amore habang nangangalumbaba. He enjoyed watching her from afar, even him admired her so much. At di niya masabi ang exact na porsyento. Baka 101 %. "Amore, you're so beautiful." Usal niya saka pumikit ng mga mata. Pagod siya, dahil paulit-ulit siyang binabagabag ng panaginip niya. He needs a nap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD