KABANATA 9

1987 Words
NASA Alpha Mouhiere Empire si Regor, sa lugar kung saan itinuturing niyang palasyo. Simula ng mangyari ang pagtugis nila kina Amore at Liam ay palagi na siyang dumirito. Wala naman siyang gaanong tinatrabaho na personal dahil marami naman siyang tauhan. Hanggang ngayon galit na galit pa rin siya kay Amore, tintraidor siya ng babaeng akala niya habambuhay na niyang hawak sa leeg. Di niya inakala na matatauhan ito mula sa pagiging sunod-sunuran nito sa loob ng sampung taon. May tawag siyang natanggap mula sa kanyang private investigator na may dumukot kay Dindo at hindi iyon isa sa mga tauhan niya. Galit na galit si Regor dahil sa kanyang nabalitaang may nakaunang kumidnap dito. Galit siya dahil ito lang nag-iisang alas niya laban kay Amore. Gagamitin niya si Dindo para mahuli sina Amore at Liam. Gusto niyang patayin ang dalawa dahil wala na silang silbi sa buhay niya. Gusto niyang mawala si Liam para masulo niya lahat ng mga ari-ariang ipinamana ng mga magulang nito. Kasalanan din naman ni Liam dahil umuwi siya at nakipagkita sa half-brother niya. Akala nya makipagbati na ito sa kanya pero talagang traidor ito at nakuha siyang ipapatay sa mga tauhan nito. Pumasok ang kanyang right hand na si Ezekiel. Ito ang kanyang pinagkakatiwalaan ng husto. Hindi pa ito kumakalas sa kanya, siguro wala pang balak dahil may mga kapatid pang pinapa-aral sa kolehiyo. "Boss, may maganda po akong balita. Nakapasok na po sa China at sa iba pang karatig-bansa ang mga produkto natin. Matagumpay na nakapuslit ang ating mga kasamahan doon. Malaki namang pera ang makikita natin,"balita nito. "Magaling. May ipapatrabaho ulit ako sayo. Alamin mo kung sino ang mga dumukot kay Dindo Ruiz. At kung malaman mo sabihin mo kaagad sa'kin. Malalaman talaga nila ang kanilang kalalagyan dahil binangga nila ang isang katulad ko. Ako lang ang hari ng mga hari at walang ninumang makakatalo sa akin,"wika nito saka humalakhak.Kahit nagalit ito kanina nabawi rin iyon ng magandang balita ni Ezekiel. "Copy Boss. Mauna na po ako,"wika nito saka yumuko. "Sige. Pagkalabas mo ay tawagin mo si Scarlett, gusto ko siyang makausap," utos pa nito. "Copy Boss." Kararating lang ni Scarlett nang makita siya ni Ezekiel. Ang lalaking ito ay may crush sa kanya. Madalas silang tinutukso nang mga kasamahan nila. Palagi raw itong nakatitig sa kaniya. Pero wala siyang paki-alam dahil trabaho lang ang inaatupag niya. "Hi Scarlett, good morning, pinapatawag ka ni Regor. Dumiretso ka na doon. See you later,"wika nito sabay wink. Feeling gwapo naman ito kung umasta, siguro nagpapa-cute lang sa kanya. Wala naman itong dating sa kanya kahit na guwapo naman talaga ang lalaki. "Thanks. Don't you dare to see me again. Na-a-allergy ako sa iyo, pwede ba?"sarkastikong sagot nito saka umalis na. Pumasok kaagad siya sa loob ng silid na itinuturing ni Regor na trono niya sa loob ng Alpha Mouhiere Empire. Napakalaki ng kuwarto na ito kaya tama lang na ariin nito at ituring na palasyo. Nasisiraan na rin siguro ito ng bait kung kayat tinawag na rin niya ang kanyang sarili na king of all kings. Nakaupo ito sa kanyang upuan ng madatnan ni Scarlett. Matalim ang mga mata nito nang tingnan siya. Nakakuyom ang mga palad na pilit kinakalma ang kanyang sarili. "Mabuti at dumating ka na Scarlett, anong kapalpakan na naman ang nagawa mo? Papaanong may nakaunang kumidnap kay Dindo? Ha?"Galit na sigaw nito sa kanya. Hindi siya kumibo, 'di naman siya pakikinggan nito. "Bakit? Sagutin mo ako. Huwag kang tumahimik lang. Letsimas ka Scarlett!"Sunod naman nitong bulyaw sa kanya. "Hindi ko alam kung sino ang mga kumidnap sa kanya. Pasensiya ka na hindi ko agad nagawa ang mga ipinapagawa mo dahil nagkasakit ang ina ko at kinakailangan ko siyang ipagamot. Pa-pasensiya talaga Boss,"pagsisingungaling niya. Hindi niya alam kung naniniwala ito sa mga alibi niya. "Letsimas! Edi sana ipina-alam mo sa'kin na nagkasakit ang ina mo at hindi mo magagawa ang ipinatatrabaho ko sa'yo. Sana ipinagawa ko iyon sa iba,"sigaw nito ulit. Parang ikabingi ni Scarlett ang subrang lakas ng mga sigaw nito sa kaniya. Nagmukha siyang basang sisiw. "Pa-pasensiya na Boss. Naging malubha masyado ang pakiramdam ng nanay ko kaya hindi ko na naisipang magpa-alam pa. At isa pa wala naman sa hinagap ko na may ibang pwedeng dumukot sa kanya bukod sa personal mong kaaaway maliban kay Amore, dahil una wala naman siya rito." "Tiyakin mo lang na nagsasabi ka nang totoo Scarlett dahil tulad ng sinabi ko sayo kaya kitang ipapatay ng walang may nakakaalam. Kung si Amore na naging tuta ko sa loob ng sampung taon ay nagawa akong traidurin how much more ikaw na walong taon ka palang nagtatrabaho dito at wala ka namang masyadong silbi kaya sa di oras pwede kitang despatchahin!"Pagbabanta nito sa kanya. Ikinuyom ni Scarlett ang kanyang mga palad. Tumayo siya ng matuwid at hinarap si Regor. "Ibahin mo ako sa mga nakilala mo na. Bawat tao ay may iba't-ibang sekreto at may kakaibang ugali. Huwag mo akong itulad sa kanila dahil iba ako. Kapag sinabi ko, iyon ang totoo. Ano naman ang mapapala ko kung magsisinungaling ako. Ikaw lang naman ang amo ko kaya pagpasensiyahan mo na ako. Hindi na mauulit Boss,"katwiran niya. Sinungaling na kung sinungaling wala siyang dapat pagsisihan, di naman siya tatamaan ng kidlat dahil doon. Wala siyang paki-alam kung naniniwala ito sa kanya. Ang sinisigaw ng puso niya ngayon ay ang ipaghigante ang kaibigan kahit buhay pa niya ang kapalit. Bumaba sa kinauupan niya si Regor at nilapitan si Scarlett. "Tiyakin mo lang na sa akin pa ang simpatya mo. At kung binibilog mo lang ang utak ko Scarlett diyan ka nagkakamali, hindi ako nakarating sa ganitong sitwasyon at posisyon kung hindi ako mautak at tuso, kaya huwag na huwag mo akong utakan." Umismid siya. "Bakit ba? Bakit mo pa kailangang hanapin si Amore? Nagpakalayo-layo na nga siya at siguro hindi na siya babalik pa. Dahil kilala naman natin si Amore hindi niya hinahayaang maipagpabukas ang ngayon." "Letsimas! Huwag mo akong pangunahan sa gusto ko, Scarlett. Isa ka lang hamak na alalay or what we say mamamatay tao ka lang, hindi ba? Kaya huwag mo na akong pagsabihan kung ano ang gusto kong mangyari,"galit na wika ni Regor saka hinawakan siya nito sa pisngi. Masyadong madiin at malakas ang pagkahawak nito sa kanya kaya nasasaktan siya. "Bitiwan mo ako. Kung gayun huwag mo na rin akong utusan ng kahit anong tungkol kay Amore. Ngayong araw magre-resign na ako!"nakuha pa talaga niyang sumagot ng ganun kahit na alam niya na pwede niya itong ikamatay. Wala siyang paki-alam, nakalimutan niya ang ina niya, ano mang oras ay pwede siyang mamatay dahil sa pagsasagot niya kay Regor. Ayaw na ayaw niyang nasusupil ang ego niya. Napaka-egocentric ni Regor, ni walang pinapalampas kahit isang maliit na bagay. "Letsimas! Tunta!" wika nito saka sinampal si Scarlett. Sinapo niya ang mukha niyang parang malalaglag sa subrang sakit. "Mag-resign ka at bukas isa ka nang malamig na bangkay. Iyan ba ang gusto mo?"Pagbabanta nito ulit. "The hell I care, Regor! pPatayin mo ako hanggang gusto mo. Kung diyan ka masaya, edi gawin mo,"hindi na siya nakapagtimpi at sumagot na naman siya. Tumawa lang si Regor sa mga sinabi niya. "Dahil kahit saang impyerno ka pa magtago Regor, hahanapin pa rin kita at ang kaluluwa ko'y siyang babalik at maghahasik ng lagim para makuha lang ang minimithi kung hustisya. Masyado ka nang walang kwentang tao Regor, kahit kailan hindi ka mananatili sa pwesto mo. At balang araw may tao talaga na maniningil sa kasamaan mo. Tandaan mo iyan,"baling niya sa lalaking nanlilisik ang mga mata sa subrang galit. "Tunta!"Isang sampal ulit ang pinakawalan ni Regor. Ang kulang dark brown nitong mga mata ay tila naging kulay kidlat sa subrang galit. Natumba sa sahig si Scarlett dahil sa lakas ng pagkasampal sa kaniya ng lalaki. Binunot nito ang kanyang baril at itinutok iyon kay Scarlett. Walang takot na rumehistro sa mukha niya. Hindi siya natatakot mamatay. "Sige. Iputok mo na. Huwag mo na akong buhayin pa dahil sa oras na mabubuhay pa ako. Maniningil ako sayo. Maniningil ako para sa pagpatay mo sa mga inosenteng tao at sa ginawa mo kay Amore. Sana kunin ka na ni satanas,"galit na baling ni Scarlett kay Regor. Hindi na sumagot pa si Regor. Sunod-sunod na putok ng baril na lang ang sunod na maririnig. Wala na ang bangayan. "Ha...hayop ka Regor, mamamatay man a...ako, maninigil pa rin ako ka...kahit saan ka pang -imperyo," naghihingalong wika ni Scarlett bago malagutan ng buhay. Nilapitan ni Regor si Scarlett at pinulsuhan. Wala na itong pulso kaya inutusan na niyang ipatapon si Scarlett. "Itapon niyo sa ilog ang traydor na babaeng iyan. Ipakain ninyo sa buwaya nang may makain man lang ang mga gutom na mga buwaya para may silbi rin siya,"tukoy nito kay Scarlett. "Copy Boss. Pero bakit ninyo siya pinatay? Anong kasalanan niya sa inyo?" usisa ng tauhan niya. "Ayokong may nangingi-alam at tumatraydor sa'kin kaya kayo," tinuro niya ang mga tauhan. "Huwag ninyo akong subukan na traydurin dahil mas malala pa ang sasapitin ninyo sa sinapit ni Scarlett,"pagbabanta nito sa mga tauhan niya. Natakot naman ang mga iyon kaya hindi na nagtanong pa. Para kay Regor wala nang silbi si Scarlett at napundi siya sa mga sinabi nito sa kanya. At para sa kanya hindi kawalan ang kaniyang tauhan kung may isa man lang na malagas, marami pa siyang tauhan na maaaring masuhulan ng pera. Labis ang galit na naramdaman ni Ezekiel ng mga panahong iyon pero wala siyang magawa. Hindi niya magawang kalabanin si Regor. Parang gusto niyang sumabog sa subrang galit. Parang gusto na rin niyang mamatay na lang, patay na ang babaeng lihim niyang minamahal. "Saan ninyo dadalhin ang bangkay ni Scarlett?"tanong ni Ezekiel. "Itatapon na sa ilog. Iyan ang napapala ng mga taong traydor." "Ako na ang magtatapon sa kanya. O pwede ring ilibing ko na lang siya sa tagong lugar. Maaari ba? Huwag niyo na lang sabihin kay Boss Regor. Simpleng bagay lang naman ito. Ito ang picture ni Dindo kayo muna ang mghanap sa lalaking ito." "Sige, mas mabuti naman. Ayokong magtapon ng bangkay at baka multuhin ako niyan. Hindi pa ako makakatulog sa gabi. Ay nakakatakot!" sagot ng kasamahan niya. Mamatay tao pero takot sa multo, kakaiba rin. Natawa si Ezekiel. "Ulol. Sige na. Masyado kayong paniwala sa mga multo, di totoo iyon. Alis na. Ako na ang bahala dito,"wika ni Ezekiel. Kanina pa pinipigil ang mga luhang gustong pumatak. Nang umalis na ang mga kasamahan niya ay agad niyang pinaharorot ang kanyang sasakyan. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng iniirog niya ay patay na ngayon. Nakarating na siya sa may gubat. Dito niya naisipang ilibing ang babae para mapuntahan niya at madalaw palagi ang puntod nito. Binuksan niya ang back compartment ng sasakyan. Tumambad sa paningin niya ang duguan at walang buhay na katawan ng babae. "Scarlett, I'm sorry. Hindi kita na protektahan laban kay Regor. Di ko man lang nasabi sayo ang tunay kong nararamdaman, totoong mahal kita Scarlett,"wika niya saka umiyak. "Bakit ka kasi sumagot-sagot sa kanya? Sana sinabi mo ang lahat sa'kin, di sana tinulugan kita sa mga plano mo?" Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang patay na si Scarlett. Pinahid ang mga luha saka ikinuyom ang mga palad. Mataman muna niya itong pinagmasdan muli saka nagsimula nang maghukay ng paglilibingan sa babae. Masakit ito sa kanya pero wala siyang magagawa. Hindi niya pwedeng kalabanin si Regor dahil madadamay ang mga kapatid niya. Nakatapos na siya ng paghuhukay at kinuha na ang katawan ni Scarlett mula sa back compartment ng sasakay at marahang inilagay sa hukay. Napa-iyak siya muli. "Scarlett, I love you. Maghihigante ako sa tamang panahon.Paalam..." Hindi niya namalayan na may nagmamanman pala sa ginagawa niya. May pumukol sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay. Kinuha nito si Scarlett saka dinala. Naiwang walang malay si Ezekiel. Nang magising siya ay labis ang pagtataka niyang wala na ang bangkay ni Scarlett. Sino ang kumuha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD