LUMABAS na ng kuwarto si Doctor Samuel matapos e-check ang kalagayan ng babae. Tulog pa rin ito. Hindi pa ulit nagigising mula kahapun. "She's fine. Maya-maya ay magigising na rin siya," sabi nito saka inilagay sa bag niyang dalang stethoscope. "Okay doc. Salamat." "Sa labas muna ako. Pupunta ako kay Tatang. May ibibigay daw siyang native chicken sa'kin at mga gulay. Kukunin ko muna at ilalagay sa kotse." "Sige. Babantayan ko muna siya. Tatawagin na lang kita kapag nagising na siya Doc." "Sige." Lumabas na rin ang Doctor. Umupo siya sa upuan na nasa tabi nito. Maputla ang mukha nito dahil sa mahabang pagkakatulog. Hindi naman marami ang dugong nawala sa kanya dahil nakita at nagamot agad siya. Nakita niyang unti-unting gumagalaw ang mga daliri nito. Napangiti siya ng makita ang u

