"HELLO, Amore. Kamusta ka na? Masaya ka bang makausap ako?" Pagkarinig niya ng boses ng isang lalaki. Alam na niyang si Regor ang nasa kabilang linya. "Regor? Huwag mong saktan ang kaibigan ko. Sabihin mo ang gusto mo. Ibibigay ko kapalit ng kalayaan ni Dindo." "Amore, huwag. Huwag kang maniwala sa demonyong iyan. Huwag," singit ni Dindo. Nilapitan siya ni Regor at hinawakan siya buhok niya. Napahiyaw siya sa sobrang sakit. "Dindo, gagawa ako ng paraan. Huwag kang mag-alala. Magiging ligtas ka." "Oops, haha. Tama na ang usapan. Magkita na lang tayo bukas Amore. Iti-text ko ang mga gagawin mo. Bye!" "Hayop ka Regor. Huwag mong saktan ang kaibigan ko!" bulyaw niya. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit. "Sorry, sawa na ako lang ang pinaglalaruan ninyo. Ngayon ako naman ang bab

