LUMABAS mula sa loob si Liam, nakita niya si Amore na may malalim na iniisip. Nilapitan niya ito at naupo sa kanyang tabi. "What's bothering you? Any problem, Mahal?" tanong nito sa kanya saka inakbayan ang nubya. Pilit siyang ngumiti. Bumuntong hininga . Napuna iyon ni Liam. Nararamdaman nito na may problema siya. Kilala na niya si Amore, ganito siya umasta kapag may problema siya. "Mahal, is there any problem?"tanong niya ulit kay Amore. Hindi rin siya sanay na balisa ito at nahahalata niya ito base sa mukha ng babae. "Yeah, I have a problem. First, Dindo escape here last night. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon nag-aalala ako, second, ang mga bagay na hindi ko pa rin nabibigyan ng mga solusyon." "Don't worry. May kilala akong magaling na pulis. Gusto mo bang tawagan ko siya."

