The Story of the Blood Queen

2586 Words
Chapter 14 THE STORY OF THE BLOOD QUEEN Naramdaman ko ang pagpitlag ni Fashia nang dumiin ang pagkakahawak ko sa braso n'ya. I knew I was hurting her, pero hindi ko s'ya magawang bitiwan. Sa bawat sakit na nararamdaman ko, kailangan ko ng makakapitan para hindi maidaing ang sakit. It's unfortunate for Fashia that she was always besides me kaya nadadamay s'ya sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "f**k," mariin kong naibulong. Napaunat ako sa pagkakaupo. Pinigilan ko ang sarili kong harapin si Dr. Levesque para bigyan ng malakas na suntok sa mukha. He was treating my wound, my burned back. He said, he knew perfectly how to cure a wound like this, but after three days since that goddamned Coronation Day, the pain was still the same. Dr. Levesque was injecting something directly into the wound and said it was to maintain the symbol once it healed. "Miss Strawford, you are hurting her." Narinig kong sabi ni Dr. Levesque kasabay ang pansamantalang paghinto sa ginagawa. Bahagya naman akong kumalma nang mapatingin ako sa mukha ni Fashia. Naiiyak na s'ya while biting her lower lip. Marahil ay pinipigilan n'ya lamang ang kanyang sariling umiyak. Napailing ako nang makita ko ang pamumula ng braso n'ya nang bitiwan ko s'ya. Maputi siya kaya mabilis na nagmarka sa balat n'ya ang kaunting pisil. Or maybe, sadyang napadiin lang talaga nang sobra ang pagkakahawak ko sa kanya. Napahinga na lang ako nang marahas nang makita kong bahagya s'yang lumayo sa akin habang hinihimas ang sarili n'yang braso. "You owe her an apology," bulong ni Dr. Levesque. God! When was the last time I said that word? Nine years? Ten years? Yes, ten years. That night, I was so sorry that I couldn't protect her. That night, Tiarah started to hate me and I started to hate her. "Ouch! f**k you," hindi napigilang bulyaw ko nang maramdaman ang pangalawang karayom na tumusok sa sugat ko. "I'm sorry, Miss Strawford, but you know I have to do this, right?" ani Dr. Levesque. "You don't have to do that," I emphasized the word. "You are just scared to that goddamn Player kaya ginagawa mo ito." Dr. Levesque laughed. "Who is not scared? Even the Legendary Queen, who was the Player's match, had to accept this mark." Hindi na ako nagsalita. Wala na naman talaga akong magagawa kundi tanggapin ito sa ayaw o sa gusto ko. Sa ngayon ay wala pa akong laban sa Player. Wala pa... "It's done," bigla n'yang sabi pagkuwan. Walang imik na tumayo ako at inayos ang suot kong damit—kung damit nga bang matatawag ang kapirasong telang ito. I hated Fashia's fashion style. It was too sophisticated, which did not match her Hello Kitty eyeglasses. She was just like a modern conservative. Whatever it was called. Humakbang ako patungo sa pinto ng clinic at walang lingon na lumabas. Nakasunod sa akin si Fashia. "Mikki's mark was awesome," she said absentmindedly. She flinched when I looked at her. "I mean... I mean i-it was good and—" "Fashia, I want to know something." I grabbed her arm to stop her from talking. Nang hilahin ko siya ay hindi s'ya pumalag, ni hindi nagsalita. Nagpaubaya na lang s'ya kung saan ko s'ya dadalhin. Then after a minute of walking, she looked at me puzzled. "Why did you bring me here?" she asked. "Why? You don't like this place?" I asked back. Umiling s'ya at saka ngumiti. Pagkatapos ay marahan s'yang humakbang at isa-isang hinaplos ang mga munting pigurin na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. Pinagmasdan ko lang s'ya. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa bawat kilos n'ya. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Masyadong mabilis kaysa sa inaasahan ko. Dumako ang mga kamay n'ya sa isang picture frame. Huminto nang matagal doon. Alam kong tinititigan n'ya ang picture kagaya rin ng ginagawa ko. I admit that woman in the picture was gorgeous. She was wearing a black cocktail dress. She was a picture of a modern goddess. No doubt, lahat ay maaakit sa ganda n'ya. "I miss her so much," mahinang sabi ni Fashia. She was trying to control her voice, but she failed. I knew how she missed her best friend Mikki. Maybe Mikki really means something to her kaya ganito s'ya naapektuhan sa pagkawala ng itinuturing n'yang matalik na kaibigan. "How did you know this place?" she asked again. "Lagi akong nasa kwartong ito dati... tuwing gabi, Mikki and I. We were always here talking random things. Minsan, madaling araw na akong bumabalik sa kwarto ko sa dorm para matulog. I loved spending time with her. How I wish she is still here." I didn't speak. Hinayaan ko lang s'yang ilabas kung ano mang kadramahan ang nararamdaman n'ya. I wanted to know something at alam kong malalaman ko lang 'yon kung magsisimula ako sa ganito: ang dalhin s'ya sa kwarto ng best friend n'ya. Nadiskubre ko ang kwartong ito kagabi lang. Hindi sinasadya. I was looking for somewhere na makakapagrelaks ang utak at katawan ko, 'yong lugar na maganda ang view. Sa loob ng Rapsodhee High, iisa lang ang lugar na alam kong ganoon: ang Green House. Then I saw Heina coming out from here. I was confused, but I didn't pay attention at all as this room caught my attention. It was private and secret, I guessed. Nasa loob kasi ito ng Green House and the door and wall from the outside were covered with a thick bunch of flowers na aakalain ng lahat na kasama lang sa magandang pagkakaayos ng mga bulaklak. If it was not secret, bakit kailangan pa nilang takpan ang pinto at mga dingding nito? At bakit kailangan pa nilang isikreto ito? At first ay inisip kong kasama ito sa underground activities ng eskwelahang ito kaya naisipan kong maghalughog. But I saw nothing bukod sa mga personal na gamit: lady's accessories, dresses, shoes, pictures, at kung ano-ano pa. Then I realized that this room was owned by the previous queen named Mikki Seyfred. "Mikki loved this place so much. S'ya ang nag-aalaga ng mga bulaklak dito noon. She even ditched on her classes para lang tumambay dito. Paraiso ang tawag n'ya sa lugar na ito," tila nagkukwentong sabi ni Fashia habang pinagmamasdan ang picture ni Mikki. "For her, she owned this place. No one was allowed to step their feet even at the entrance of this place." Maybe Eduard and Mikki were friends then. Kung hindi, bakit si Eduard and nag-aalaga ng lugar na ito ngayon? "Dalawa lang ang pinapayagan n'yang pumasok dito. Ako at ang boyfriend n'ya, si Creed." Okay. Let's pretend I didn't hear that one. s**t! Bakit parang sumikip ang dibdib ko pagkarinig ng pangalan ng uwak na 'yon? "How did she die?" mabilis at Walang ano mang tanong ko. Natigilan si Fashia at napatitig sa akin. Parang hindi n'ya inasahan na lalabas sa bibig ko ang tanong na 'yon. "Iyan ba ang dahilan kaya dinala mo ako rito? You want to know everything about Mikki?" tanong n'ya. "Yes," walang gatol na sagot ko. "Why?" mahina n'yang tanong. Bago pa ako makapagsalita ay nag-angat na s'ya ng mukha at may kislap ng galit sa mga mata n'ya na ngayon ko lang nakita. "Tell me, Temple. Why? Tahimik na si Mikki kung saan man s'ya naroon ngayon. Nakatakas na s'ya sa magulong school na ito. Bakit ngayon ay gusto mo pang alamin ang pinagdaanan n'ya? May magagawa ka pa ba para matulungan s'ya? Maiiligtas mo pa ba s'ya? Maibabalik mo pa ba ang buhay n'ya?" I stood frozen for a little while. Ikinagulat ko ang pagsigaw n'ya na dati ay hindi n'ya ginagawa. So, ganito ba talaga kaimportante sa kanya ang Mikki na 'yon para lumabas kung ano man ang itinatago n'ya? Well, it's good then. At least hindi na s'ya nagpapanggap ngayon na para bang okay lang ang lahat. "Simple lang naman kaming estudyante noon, eh," muli n'yang sabi, but this time ay mahina na ang boses n'ya na may bahagya pang nginig. Trying to control her emotions, I guessed. "She was just a beautiful young lady na walang ibang alam gawin kundi ang pumunta sa gym at maglaro ng volleyball. She liked to spend her vacant time sa cafeteria while playing games on her mobile phone. Ganoon lang ang buhay n'ya dati. But everything changed nang ipagtanggol n'ya ako mula sa mga myembro ng Dark Empire. Doon nakita ng Player ang husay n'ya as a fighter. Then boom! All of a sudden, pwersahan s'yang inilaban sa Underground. Tinalo n'ya ang kalaban n'ya. Doon na nagsimula. Isinalang siya sa Underground nang tatlong beses at lahat ng kalaban ay tinalo n'ya. They even called her Blood Queen dahil tinapos n'ya lahat ng laban sa madugong paraan." Blood Queen. Really? Ganoon ba talaga kabaduy magbigay ng pangalan ang mga tao rito? Legendary Queen. Blood Queen. Scarlet Queen. Lame. "I thought she was the strongest. I thought no one could beat her. But... but I was wrong. Now she's dead at walang kahit sino ang nakakaalala sa kanya. Nakalimutan ng lahat na sa loob ng ilang taon dito sa Rapsodhee High ay may Blood Queen na lumaban para sa kanila." Lumakas ang boses ni Fashia, pero hindi ko pinansin 'yon. Naka-focus ako sa mga sinasabi n'ya. "How did she die?" Hindi ko pinigilan ang sarili ko na isatinig ang gusto kong malaman. Of course, I wanted to know kung sino ang nakatalo sa kanya. "She was assassinated in the middle of her fight against Tom Craden of Mary Kane College." "What?" Umawang ang mga labi ko sa gulat. Ang nasa isip ko kasi ay napatay si Mikki sa laban sa Underground, pero 'yong binaril, that was too far from what I was expecting. "It was a horrible scene. She almost won the fight against Tom Craden that time. Suddenly, we heard gunshots. Hindi ko mabilang kung ilang putok. Then I saw Mikki, nakahandusay at duguan." Nakatungo si Fashia nang muling magsalita. Para bang nakita n'ya ulit ang eksenang nangyari noon. Well, ganoon rin ang naramdaman ko. Sa isip ko ay nakita ko ang nangyari. "Everyone said Mikki was a spy. 'Yon ang iniisip kong dahilan kaya pinatay s'ya. Ang hindi ko alam, sino ang gumawa noon? Rapsodhee High and Mary Kane College, both schools wanted her dead." "Naguguluhan ako. Bakit gugustuhin ng Rapsodhee High na patayin ang sarili nilang queen?" "Do you remember that intruder? The guy at the first day you came here they prisoned in the detention room?" tanong ni Fashia na tinanguan ko. How could I forget that intruder gayong nakita ko kung paano s'ya binugbog ni Creed? "Someone saw that intruder with Mikki once. They were kissing." "What? Wait a second. You said, boyfriend ni Mikki si Creed. Why the hell—" "Listen first, will you?" putol ni Fashia sa sinasabi ko. "That's the reason why everyone thought she was a spy from Mary Kane College. Kumalat sa buong Rapsodhee High ang picture nila while kissing each other. That time, alam ng lahat na officially on sila ni Creed. May isang estudyanteng naglagay sa bulletin board na isang espiya si Mikki. Espiyang gustong guluhin ang mga pyesa ng Rapsodhee High. Isang espiya na inakit ang knight para guluhin ang emosyon nito. Isang espiya na sisira sa lahat ng magandang record ng eskwelahang ito. Pinaniwalaan ng lahat ang konklusyon na 'yon dahilan para magbago ang pakikitungo nila kay Mikki. Everyone hated her including Creed." Ito ba ang sinasabi ni Heina dati na traydor ang dating queen. Wala akong nakikitang dahilan para maipagtanggol ni Mikki ang sarili n'ya. Dalawa ang boyfriend n'ya at nanggaling sa magkalabang schools. Ano'ng iisipin ng lahat? "Dahil doon, naramdaman ni Mikki ang matinding galit ng Player. I know, Mikki did the wrong thing, but still, she's my best friend. God knows how much I wanted to help her noong parusahan s'ya ng Player. Iginapos s'ya, walang kalaban-laban habang binubugbog ng mga bodyguard ng Player, pinapanood ng lahat ng estudyante at teachers ng Rapsodhee High." Napasandal ako sa dingding nang hindi sinasadya. Parang nawala sa isip ko ang sakit dulot ng paso sa likuran ko. I felt weak hearing those horrible things. That's too much. I could imagine how Mikki suffered from the punishment given by that fuckin' Player. "So, you think it was the Player who's behind the assassination?" naitanong ko. I knew that repeating this story hurts Fashia more, pero nasimulan ko na. Ayoko nang huminto dahil lang nakita kong umiiyak s'ya. "I don't think so. Yeah, the Player hated Mikki, pero hindi ako sigurado kung s'ya talaga ang nagpapatay because like I said, Mary Kane College wanted the same thing." Fashia took a deep breath bago nagpatuloy. "No one can prove na isa ngang espiya si Mikki, pero ipinagpalagay nilang kung totoo nga 'yon, marahil ay hindi rin ikinatuwa ng Mary Kane ang ginawang pagseseryoso ni Mikki sa relasyon n'ya kay Creed. Marahil ay inisip nilang nagtraydor sa kanila ang kanilang espiya dahilan para gustuhin rin nila ang kamatayan ni Mikki. You see, everything was just a conclusion. No one could even show a single proof of Mikki's betrayal." "You were her best friend. Don't you know anything?" naitanong ko. "Masikretong tao si Mikki. Hindi mo kayang basahin ang nararamdaman n'ya. Wala kang maririnig na kwento mula sa kanya. She was just like you." Umiiling n'yang sagot habang nakatungo. Hindi ako nagsalita. Malaya kong pinagana ang utak ko. Well, may katwiran si Fashia. Walang ngang nakakaalam ng totoong nangyari. Tanging si Mikki lang ang makakapagsabi ng totoo. So sad, she could not do it anymore. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang naging takbo ng pag-uusap nina Creed at ng intruder noong araw na 'yon sa loob ng detention room. Naiintindihan ko na ang mga nangyayari. Those two guys were into something deeper than this game. Their hearts were involved. "Mikki is now resting in peace, I know. Palagi n'yang sinasabi noon na gusto n'ya nang itigil ang lahat," Fashia suddenly said. Ngayon ay bumalik na ang ngiti n'ya. Marahil ay matagal n'ya nang kinikimkim ang bigat dulot ng pagkawala ng best friend n'ya at ngayon ay gumaan 'yon nang mailabas n'ya lahat. "One more question. Kailan nangyari ang assassination?" That was the last thing I wanted to know. "Three weeks bago ka dumating dito sa Rapsodhee High." Three weeks? Kailan lang pala nangyari 'yon. Naalala ko tuloy noong una kong nakita sa bar si Creed. Marahil ay naroon s'ya dahil sariwa pa sa kanya ang nangyari sa kanyang kasintahan. Napabuntong-hininga ako. Ang gusto ko lang naman ay malaman kung ano'ng ikinamatay ni Mikki. Bukod doon ay wala na akong pakialam. But now, my mind keeps on telling me na may mas malalim pang sikreto na kailangan kong malaman. "I have to go." Umalis ako mula sa pagkakasandal sa pader at humakbang patungo sa pinto, pero bago ako tuluyang lumabas, seryoso kong nilingon si Fashia. "You love your best friend, don't you? I will do everything to avenge her death. Aalamin ko kung sino ang pumatay sa kanya, but before that, promise me you will never cry again." Nanlaki ang mga mata ni Fashia. Marahil ay hindi n'ya inasahan na sasabihin ko 'yon. Bumuka ang bibig n'ya para magsalita, pero hindi ko binigyan ng chance na may tinig na lumabas mula roon. Mabilis ko na s'yang tinalikuran. I will find out who was behind your death, Mikki. I don't really know you, but I will do it for your best friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD