Missing Knight

3031 Words
Chapter 9 MISSING KNIGHT Kahit sino'ng makakita ay mag-iisip na mga simpleng estudyante lang kami na nakasakay sa school bus at tutungo sa isang field trip. Sino'ng mag-aakala na patungo pala sa impyerno ang school bus na ito? Patungo sa lugar na sinasabi nilang pinagdarausan ng underground fights ng mga pyesa ng laro. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagbibyahe, pero hindi pa rin kami nakakarating sa aming destinasyon. Maybe it was already dark outside. I wanted to peek over the blindfold—yes, we were wearing blindfolds. Pakiramdam ko tuloy ay mga bihag kami at ilang sandali na lang ay sasapitin na namin ang aming katapusan. The student beside me was crying. I didn't know who she was, but I was certain na baguhan din lang siya sa larong ito. Kanina kasi'y pinapasok muna kami sa bus bago pinagsuot ng blindfold at napansin kong takot na takot ang bata. She was crying since we left Rapsodhee High. Miss Meira called her name, it was Jenna, and told her to cry silently. Cry silently, yes, that's what Miss Meira said. Ilang saglit at naramdaman ko ang pagtigil ng bus. I heard everyone gasped. Dahil siguro alam nila na nakarating na kami sa aming destinasyon. I had no idea where we were. I wanted to take the blindfold off and look outside, but someone shouted and said don't. Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos. Tahimik ang lahat. Bukod sa manakang pagsinghap ng mga estudyante ay tunog lang mula sa makina ng bus ang naririnig ko. Kalauna'y malakas na nagsalita si Miss Meira. She told us to stand up and fall in line while getting out of the bus. It was hard to move when you were blinded by darkness, but I couldn't complain. I didn't like people giving me orders. I usually do whatever I want, without anyone's consent. However, I wasn't reckless. I knew my limitation, I knew where to stand to keep myself out of danger. Ang Rapsodhee at ang lahat ng taong narito, kailangan kong mag-ingat sa kanila. Hanggat hindi ko nalalaman ang kaliit-liitang misteryo nila, dapat akong mag-ingat. Hindi ako gagawa ng aksyong ikakapahamak ko. Makalipas ang mabagal na paglabas mula sa bus ay naramdaman ko ang lamig na dulot ng panggabing hangin. Nakasuot pa rin kami ng blindfold at hindi ko alam kung nakalinya pa rin kami habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano'ng lugar ito, pero dama ko ang kakaibang ambiance ng paligid. Sumunod ako sa agos ng mga estudyanteng kasama ko. I felt someone held my shoulder, probably trying to find anyone to guide him or her. I shove the hand away. Ilang sandali pa at mula sa lamig dulot ng panggabing hangin ay naging mainit ang paligid. Kahit may suot na blindfold, alam kong pumasok kami sa isang building at walang aircon dito. Nagsimula na ring maging maingay ang paligid, mga bulungan na umuugong sa pandinig ko. "Take the blindfold off. Now," someone from behind barked. I hurriedly followed the command. My vision was dark as I was wearing the blindfold for many hours. I had to blink several times bago nagkaroon ng kulay ang paligid. Ano'ng lugar ito? Hindi isang arena ang lugar na ito. Mas akmang tawagin na underground battlefield—kung ano man ang maaaring itawag dito. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Pabilog ang buong lugar at madilim. Sa pinakagitna ay may ring at hindi 'yon katulad ng iba na square at may mga lubid sa bawat gilid. Ang ring dito ay malaking bilog na napapaligiran ng mga bakal. Mistulang higanteng hawla ng ibon. May nakaikot na barbed wire sa kinaroroonan ng ring. Parang sadyang inilagay 'yon para walang makalapit sa ring maliban sa mga maglalaban sa loob no'n. Ito ba ang Underground? "Welcome to Underground, Miss Strawford. Enjoy watching the fight," sabi ni Miss Meira na nasa tabi ko. Gustong kumunot ng noo ko dahil sa reaksyon ng mukha niya na para bang nai-excite pa siya sa mga nangyayari ngayon. Ganoon pa man ay hindi ko na lang siya pinansin. Pinagmasdan kong muli ang paligid at nakita ko sina Fashia at Heina na kumakaway sa akin. Tinalunton ko ang direksyon nila na hindi naman kalayuan sa akin dahil na rin sa hindi naman malaki ang lugar. We were on the right side of the battleground. Lahat kami rito ay mula sa Rapsodhee High while the students from Mary Kane College were located on the left side. We were separated by the ring. Hindi sila ganoon karami na marahil kagaya namin ay pinili lang ang manonood sa laban. "How do you feel?" kaagad na tanong ni Fashia nang makalapit ako sa kanila. "Weird," simpleng sagot ko. "Kinakabahan na ako," aniya. Hindi ako nagkomento. Hindi man nila ipaliwanag, naiintindihan kong ang mangyayari ngayon ay isang duwelo sa pagitan ng mga estudyante ng Rapsodhee High at estudyante ng Mary Kane College. "Temple, hindi ka ba kinakabahan?" ani Fashia. "So, this is the Underground; the chessboard?" 'yon ang nanulas na mga salita sa bibig ko. Bagaman at alam ko nang ito ang Underground na sinabi ni Naami dati, gusto ko pa ring malaman kung ano ang talagang nangyayari rito. "Ito ang Underground, Temple," sagot niya. "Dito isinasagawa ang laban sa pagitan ng mga estudyante sa school na kabilang sa larong ito. Ito ang itinuturing naming battleground o mas kilala bilang chessboard." I was right all the time. Rapsodhee High was involved in an underground business. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang tungkol sa larong ito sa simula pa lang, Temple," sabi ni Fashia. "Pero hindi ako pwedeng magsalita. Hindi kami pwedeng magsalita." That was not surprising at all. Nauunawaan ko kung bakit tikom ang bibig ng lahat. Hindi laro-laro lamang ang buhay sa underground lalo pa at wala kang kapangyarihan, walang pangalan. Bawat isang maling salita ay kamatayan ang katumbas. "This is not good. Kapag hindi nagpakita si Creed, siguradong ipoproklamang panalo ang Mary Kane College." I heard Fashia said desperately. God! Why were they acting like that na para bang napakalaking bagay ang pagkatalo ng Rapsodhee High sa Mary Kane College? "Creed always disappears in the act. Don't worry too much. He'll be here in time," sabi naman ni Heina sa kampanteng tono though I knew she was nervous. Walang imik na iniwas ko ang tingin ko sa dalawa. Sa halip, pinagmasdan ko ang mga estudyante. The tension was written in their faces; all of them were scared especially the Rapsodheenians. Sigurado akong alam nilang nawawala ni Creed. "What would happen if ever we lose the fight?" naitanong ko. "All of us will suffer the consequences." sagot ni Heina. "Hindi lang para sa reputasyon ng school ang laban na ito, Temple. Lahat ng malalakas na pyesa sa board ay lumalaban hindi lang para sa pangalan ng Rapsodhee High. Kundi para iligtas ang mga sarili nila at ang mahihinang pyesa." "What do you mean?" Kunot-noong nilingon ko s'ya. "You really have no idea?" Nilingon ako ni Heina. "Temple, sa larong ito, the consequences means death. Ang lumalaban sa loob ng ring ay mga opisyal na pyesa: queen, rook, knight, bishop. Hindi obligadong lumaban sa loob ng ring ang mga pawns, pero hindi ibig sabihin noon ay ligtas tayo sa laro. Ang mga pawns ay kasamang nagbabayad sa pagkatalo ng kanilang mga opisyal." "Ano'ng parusa? Expulsion? Detention? Community service?" "Kung sana nga ay ganiyan lang," malungkot na sagot ni Heina. "Hindi rin namin alam at sigurado kung ano ang ginagawa sa mga pawns," dugtong niya. "Ang sigurado lang kami, limang pawns kasama ang mga natalong pyesa mula sa talunang school ang kinukuha ng Underground Council, sa ayaw at sa gusto nila." "Underground Council?" Hell. I should have realized it earlier. Of course, there are a group of people who runs this game. "Some say, Underground Council sells them, white s*****y, I mean. Human trafficking. Some say they kill them, take their internal organs and sell it," segunda ni Fashia. Natigilan ako sa isinagot nila. "Limang pawns kasama ang natalong mga opisyal?" "Oo. Walong estudyante sa school na natalo ang nagiging kabayaran sa Underground Council. Bukod doon ay malaking pera ang babayaran sa UC ng school owner ng natalong school and the loser will go down to the lowest rank." "Rank?" "Yes. Nasa Rank 2 tayo ngayon. Kapag natalo tayo, Rapsodhee High will go down to Rank 13 and that would ruin our reputation." I raised an eyebrow. "Reputation? Mas mahalaga pa talaga sa inyo ang reputasyon ng school kaysa sa mga buhay n'yo?" "You don't understand, Temple." Fashia shook her head. "Being in the lowest rank is horrible. Kapag bumaba tayo sa rank na 'yon, other schools on the higher ranks can take students from us and gave them to Underground Council as an exchange to their students." "I forgot to tell you," Heina added. "Every year, limang estudyante mula sa lahat ng school ang kinukuha ng Underground Council. No one of them would be able to go back at all. That's the advantage of being in the higher rank dahil pwede tayong kumuha ng estudyante sa ibang school para mailigtas ang limang estudyante natin. That's terrible, but we have no other choice." Holy s**t! "And we can't turn back?" naniniguro kong tanong. "We can't say no?" "Obviously," ani Heina. Tumango si Fashia. "Playing the game is the only way we could survive," aniya. "In this game, once you're in, you're in." This was just insane. So, this was the game. This was the answer to my unspoken questions, which was disturbing. Madalas ay may mga katanungan ako na kapag nabigyan na ng kasagutan ay binabalewala ko na lang, hindi ko na binibigyang halaga pa. Pero iba ang sitwasyong ito ngayon. Knowing what this game all about was terrible and it scared me. Yes, it scared me. Pawn or official... either would be dead if we lose the fight. There was no weakest; there was no strongest, all of us were pieces that being played by unknown people. Worst, there was no way to escape. Six years of battle—well, I was lucky I had only two years because I was a transferee. "Good evening, everyone." Mula sa kung saan ay pumailanglang ang boses na 'yon. Napaunat ako habang hinahanap ang pinagmulan noon. Then I saw a man in the middle of the ring na hindi ko napansing pumunta roon. He was wearing a pair of gray tuxedos. He could be at the age of fifties or so on—based on his hair, which strands were already silver—but still, naroon pa rin ang awtoridad sa mukha n'ya. "Who is he?" wala sa loob na tanong ko habang nakatutok ang mga mata sa kanya. "That is Dylan Boxon. Ang alam ko ay isa s'ya sa Underground Council; the only one who is brave enough to show his face to us." Si Heina ang sumagot sa tanong ko. Tumaas ang tensyon sa paligid. Nagbulungan ang mga estudyante at ilan ang nagtago sa likuran ng mga kasama nila. Maliwanag na hindi sila masaya na makita si Dylan Boxon. May ilan din naman na nakangisi at tila nag-i-enjoy sa nagaganap. Dylan Boxon raised his hand to silence the murmurs around. He said, "Well, hello to me. That was a cold reply, kids," he said. He could be a good actor though. His facial reaction was superb. "I must say I am glad to see all of you here. You know it's exciting every time na may nangyayaring ganito kaya h'wag na nating patagalin pa." Tumikhim siya bago nagpatuloy. "Alam naman nating lahat na ang Rapsodhee High ang kasalukuyang nasa rank two ng kompetisyong ito at marami sa mga eskwelahan ng Underground ang nagnanais na mapatalsik sila sa pwesto. Ngayon ay narito ang isa sa mga may matinding pagnanais na tumbasan ang galing ng mga fighters nila. Let's welcome, Mary Kane College!" Walang nagbigay ng reaksyon sa mahaba niyang mga sinabi. Lahat ay tahimik lang na nakamasid sa kanya. Dylan Boxon kind of used to hear the silence whenever he was speaking because he just smiled happily and pointed out the students of Mary Kane College. "Let us meet the challenger from Mary Kane College, undefeated, Tom Craden!" Noon lang nag-ingay ang mga estudyante ng MKC. Bagama't kaunti lamang sila ay masakit sa tenga ang kanilang mga sigaw lalo pa at kulong ang lugar na ito. Mula sa MKC students ay humakbang pauna ang isang lalaki. Wala siyang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang tattoo ng agila na halos sumakop sa buong likod niya. Itim ang cargo pants niya at puti naman ang sapatos. Pumasok siya sa loob ng ring at kagaya ng pro wrestler ay mayabang s'yang nagtaas ng dalawang kamay. Bakas sa matipunong pangangatawan na dumanas s'ya ng maraming laban at para bang hindi basta-basta mapapabagsak. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagyayabang ay humarap s'ya sa direksyon namin kasunod ang pagsenyas n'ya ng thumb down. Katahimikan ang naging sagot ng mga kasama ko sa kanya. Bigla kong naisip si Creed at nakaramdam ng kaba. Lumipad ang tingin ko sa lugar kung saan ay nakita ko kanina si Ms. Meira. Nakatayo siya sa sapat na distansya mula sa Rapsodhee High Students. Kasama n'ya roon si Mr. Hontraver at ang tatlong SC ganoon din ang tatlo pang teachers na hindi ko alam ang mga pangalan. Bakas sa mukha nila ang lahat ang pag-aalala; halata ang tensyong nararamdaman nila. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Humakbang ako patungo sa direksyon nila. Naramdaman ko ang paghabol nina Heina at Fashia sa akin, pero hindi ko na sila pinansin. Kailangan kong nakumpirma ang hinala ko. Naging mabilis ang paglapit ko sa kanila dahil na rin siguro sa pagnanais kong makausap sila. "We will lose the fight if he didn't show himself up." Narinig kong sabi ni Mr. Hontraver hindi pa man ako tuluyang nakakalapit. "So, tama ang hinala ko. Wala pa rin si Creed," kaagad kong sabi na ikinalingon nilang lahat sa akin. Everyone didn't speak na lalong nagpatunay na tama ako. "Where is he?" "No one knows. This is the first time na nawala s'ya gayong alam niyang may laban s'ya." Si Draven ang sumagot. "Naghanda sila ng isang magandang laban para sa 'yo." Parang umeko sa pandinig ko ang sinabing 'yon ng intruder kay Creed sa detention room. He was talking about Mary Kane College, I was certain of that now. May kinalaman kaya sila sa pagkawala ni Creed? "It's nice to see you again, Mr. Tom Craden. You look so excited for tonight, am I right?" Muli kong narinig ang boses ni Dylan Boxon sa hawla kaya naman napatingin ako roon. He was smiling at Tom Craden and he was smiling back to him. "I'll take that smile as a yes, so I'll let you meet your opponent now. Everyone, let's meet the best fighter of Rapsodhee High, undefeated, Creed Craw!" But there was no Creed Craw that appeared from our side. I saw how Tom Craden smirked as if he was expecting this. I felt the sudden pang of pain in my stomach. Knowing that I might face the consequences of losing this fight turned my stomach upside down. For God's sake! Nasaan ang uwak na 'yon? "We have to do something." Narinig ko ang boses ni Mr. Hontraver sa likuran ko. "So, Creed Craw isn't here?" sabi ni Dylan Boxon. "Well, this is unexpected and boring. I'm disappointed. Alam natin ang mangyayari. Ipoproklama kong panalo ang Mary Kane College kung hindi magpapakita ang fighter ng Rapsodhee High. Maliban na lang kung may papalit na fighter sa kanya." Napaunat ako. Pwedeng lumaban ang iba? Bakit walang nagsabi sa akin? Awtomatikong lumipad ang nagtatanong kong mga mata kay Mr. Hontraver. I silently asked for his permission at mukhang nakuha n'ya ang gusto kong iparating. He seriously nodded. "I will fight him," mahina kong sabi na ikinalingon ng lahat ng nakarinig sa akin. Nakita ko ang pagtutol sa mga mata nina Fashia at Heina. Iritado ko silang hinarap. Walang lugar ang pag-iinarte nila ngayon. "What? Hahayaan n'yo na lang na matalo tayo ng ganoon-ganoon na lang? I didn't come here to be a slave or to be slaughtered or to be sold." "Pero Temple, hindi pa ikaw ang queen," mahinang sabi ni Fashia. I knew she was just trying to stop me and that was stupid. Bakit n'ya pa ako pipigilan gayong alam ko naman na natatakot din s'yang matalo ang Rapsodhee High? "Let her fight," sabi naman ni Ms. Meira na may kakaibang kislap sa mga mata n'ya. Her wicked smile was telling me something. I didn't know what was that and I didn't have the time to think about it. Nasa nangyayari ngayon ang buong isip ko: ang pagkawala ni Creed, ang nalalapit na pagkatalo ng school namin, at ang tanging paraan para maisalba ko ang sarili ko. "So," Dylan Boxon shouted. He was facing us and his face was suddenly dim. "No one's gonna fight? No one—" "I will fight," I shouted back. "I will fight!" Naagaw ko ang atensyon ng lahat. Nawala ang ngiti sa labi ni Tom Craden at napatitig sa akin. Malakas na 'boo' ang naging tugon ng mga estudyante ng MKC samantalang tila natuka naman ng ahas ang mga Rapsodheenians. Hindi ko pinansin ang reaksyon nilang lahat. This could get ugly, but this was the only way to save not the school or anything else; this was the only way to save me from this game. Dylan Boxon giggled. "I'm amazed. A girl? This is gonna be great. Well, come in here, miss." Hindi ko na pinansin ang reaksyon ng lahat nang humakbang ako patungo sa ring. This was not the first time na lalaban ako sa loob ng ring, but I was nervous because money was not going to be the change here; it was life. If I lose this fight, I'm going to die. Everybody's scared to die, right? I was about to step on the ring when someone grabbed my arm. Everyone gasped. I turned around to see who was holding me and I froze when my eyes met his black, cold eyes. "You—" "Stop doing stupid things. You could never win against him," Creed Craw said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD