Her Dark Reminiscence

2714 Words
Chapter 20 HER DARK REMINISCENCE "Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you..." "Happy fifth birthday, Temple." "Come on, make a wish." "I wish Tiarah stay with me every day. I wish na hindi na niya ako iwan ulit. I wish na maging buo ang family natin kagaya ng mga classmates ko." Hearing the song and the conversation, I opened my eyes. Dilim ang sumalubong sa aking paningin nang imulat ko ang aking mga mata. I had to blink several times to clear my vision. Where was I? I decided to take a walk kahit hindi ko alam kung pasaan ang direksyong tinatahak ko. Tila ako nakakulong sa isang silid at may tubig sa nilalakaran ko. Narinig ko ang tunog na nililikha ng bawat paghakbang. Nagbigay iyon ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa akin. Sa patuloy na paghakbang ay nakakita ako ng liwanag, maliit na liwanag. Wala akong ideya kung saan nagmula pero. Nagdesisyon na lang akong sundan 'yon. Baka sakaling makalabas ako sa madilim na lugar na ito. Ilang saglit pa ang lumipas at nagkahugis ang liwanag. Nagmumula iyon sa ilaw sa loob ng isang kuwartong pamilyar sa akin. I was expecting to see a birthday party after hearing that song, but it didn't happen. Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa loob ng kuwartong pamilyar sa akin. Silid ko ito noong bata pa ako. Hindi ako maaaring magkamali. Oo nga at palipat-lipat kami ng bahay noon, pero naaalala ko pa rin ang kuwartong ito. "Stop it, Sahara!" Lumipad ang tingin ko sa labas ng pinto nang marinig ko ang malakas na boses na iyon. Nakaramdam ako ng pagtataka at nadagdagan pa nang may isang batang babaeng lumagos sa katawan ko at tumakbo palabas ng kuwarto. Teka... kilala ko ang batang iyon. Kunot-noo ko siyang sinundan sa labas. Huminto siya sa tapat ng isa pang kuwarto sa loob ng bahay. Nakatalikod siya, pero kilala ko siya. Kilalang-kilala. Sinubukan ko siyang hawakan nang makalapit ako, pero kagaya kanina ay naglagos lang ang kamay ko sa katawan niya. "You stop, Tiarah! This time, listen to me!" Napalingon ako sa nakasaradong pinto. Tinig nina Sahara at Tiarah ang narinig ko. Nag-aaway sila at pinapakinggan ko—ako at ang batang ako. Oo, tama. Ang batang ito na nasa harapan ko na hindi ko mahawakan ay walang iba kung hindi ako noong limang taong gulang pa lamang ako. Panaginip ba ito? Halusinasyon? Bakit nakikita ko ang nakaraan? "Hindi ka ba naaawa kay Temple?" "I don't have a choice; we have no choice at all. Kailangan natin itong gawin to protect her." "To protect her? Alam mong ikaw ang higit na makagagawa ng bagay na 'yan. Paano kung—" "Makinig ka! Ito na lang ang paraan na maaari kong gawin. Pagkatapos nito, pangako, sisiguruhin kong magkakaroon na nang maayos na buhay si Temple." "I do understand, but—" "Don't worry about me. I'll be fine at babalik ako nang ligtas." Tahimik ko lamang na pinakinggan ang pag-uusap nina Sahara at Tiarah. Alam ko ang eksenang ito, hindi ko nakakalimutan. Ito ang panahon na unti-unti nang namulat ang musmos kong kaisipan sa wirdong buhay na mayroon kami. Dito na rin ako nagsimulang manood ng mga bayolenteng palabas sa tv. Ewan ko ba, pero noong panahon na 'yon ay bigla akong natuwa kapag nakakakita ako ng mga nasasaktan o nabubugbog. Dito na rin ako nagsimulang mahilig sa Muay Thai. Malaking mga pagbabago na humubog sa mura kong isip. Si Sahara ang lagi kong kasama noon at nagsilbing aking ina simula pa lang nang magkaisip ako. Siya ang gumabay sa akin, samantalang si Tiarah na siya kong tunay na ina ay bihira ko lamang makita. Kung umuwi man siya, malamig ang pakikitungo niya sa akin at nagmamadali laging umalis. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tinatawag na mommy o mama si Tiarah at tita o auntie si Sahara. Lumaki ako na ang nasa isipa'y kapatid ko lang silang dalawa. Hindi rin nila ipinaliwanag sa akin kung bakit ganoon ang aming buhay. Palipat-lipat kami ng tinitirhang bahay noon pa man. Nakalakihan ko na ang ganoong buhay. Sa hindi ko malamang dahilan, palagi na lang kaming umaalis at umuupa ng panibagong bahay. Isang buwan o dalawang buwan, aalis na ulit. Palipat-lipat din ako ng school na naging dahilan kaya mas pinili kong maging mailap at huwag makipagkaibigan. Maraming hindi maniniwala kung sasabihin kong marami rin naman akong naging kaibigan noong bata pa ako, pero dahil sa wirdo naming buhay, mas pinili kong ilayo ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa edad kong ito naramdaman na minsan, mas mabuti pa ang walang kaibigan. Wala akong masasaktan at hindi rin ako masasaktan. Dito ako nagsimulang bumuo ng pader sa paligid ko. Pader na hindi kayang pasukin ng iba. Pader na hindi ko hinahayaang wasakin ng kahit sino. Isang bangungot ang nakaraan ko. Wala akong naging normal na buhay na kagaya ng ibang batang nasa edad ko. Isang bagay na hindi kayang intindihin ng mga tao sa paligid ko. Para sa kanila, isa lang akong nakakairitang nilalang na dapat mawala sa mundo. Pagkatapos ng pagtatalong iyon nina Sahara at Tiarah, naramdaman ko ang pagbabago sa mga kilos ni Sahara. I was too young to understand, but I knew something was wrong. Sahara became distant to me. Her smile faded and the spark in her eyes vanished. It seemed that she was haunted and always scared. Tuwing gabi ay malikot ang mga mata niya at halos hindi na natutulog. That was not the Sahara I knew. I tried to ask her once, but she just smiled at me and said she was just tired. I didn't buy it. I didn't ask at all either. Sahara's changes reflected on me, to be honest. Mataman kong pinagmasdan ang batang nasa harapan ko na walang iba kung hindi ako. Sa murang edad, may tapang na kaagad na nakalarawan sa mga mata niya. Naroon ang kislap ng kapusukan. Marahil nga ay napakabata ko pa nang panahong ito, pero sa buhay na ipinamulat sa akin nina Tiarah at Sahara, masisisi ba ako? Mayamaya ay mariin akong napapikit nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo. Umiikot ang paningin ko. Matagal iyon at hindi maganda sa pakiramdam. "Happy birthday, young lady," Hanggang sa marinig ko ang masayang boses ni Sahara. Marahan kong iminulat ang mga mata ko. May liwanag akong nakita. Noong una ay hindi ko mahulaan kung saan nagmumula iyon, pero pagkatapos ng ilan pang minuto ay naaninag ko ang isang designed candle. Number seven ang nakahulma doon at nakapatong sa isang magandang cake. Tuluyan nang nagliwanag ang paligid. Nakita ko ang sarili ko—ang batang ako na nakasuot ng pink na bestida habang nakangiting nakatitig sa cake na nasa harapan ko. Cake na hawak ng nakangiti ring si Sahara. Lumarawan ang pagtutol sa aking mukha. Huwag ang eksenang ito! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para maiwasang makita ang nangyayari, pero letse lang. Parang transparent ang talukap nito dahil malinaw ko pa ring nakita ang lahat kahit nakapikit ako. Parang dinala ako sa nakaraan para sadyang alalahanin ang tagpong ito. Lihim kong nahiling na sana ay hindi ko na muli pa itong makita dahil ito ang nakaraan na gusto kong kalimutan. "Happy seventh birthday. Come on. Make a wish and blow the candle," "I have only one wish. Sana, dumating si Tiarah," "You miss your mom, right?" "Yes. Hindi ba siya darating?" "Ohh... she'll be here, Temple. Baka late lang, but your mom said she'll be here," "It's been two years, Sahara. Hindi siya tumatawag para makausap ako. Where is she?" Nakagat ko ang sarili kong labi habang nakikita ang eksenang iyon. Seventh birthday ko at tanging si Sahara lang ang kasama ko. Tama, dalawang taon kong hindi nakita si Tiarah at kung nasaan siya, hindi ko alam. Sa tuwing nagtatanong ako kay Sahara, ngiti ang tanging sagot niya. "Temple, don't be sad. It's your birthday. Smile," "Thank you, Sahara, because you are here with me," "Listen, Temple. I may be not your real mother, but that doesn't mean I don't love you. I love you, okay? I love you so much. You always remind me of your mom when she was a kid. You're similar in so many ways. I'm proud of you and I'm happy because you are my niece, and I promise, I will do anything... everything, just for you. Even to sacrifice my own life." "Thank you. I love you, too," Gusto kong magsalita. Gusto ko silang bantaan sa kasunod na mangyayari, pero hindi ko magawa. Bumuka ang bibig ko, pero walang tinig na lumabas doon. Napapitlag na lang ako nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang ilang kalalakihan. Pinangungunahan sila ng isang malaking lalaki na may pilat sa kaliwang pisngi. Ang mukhang iyon na naging bangungot sa pagkatao ko. Napapitlag sa gulat sina Sahara at ang batang ako. Umatras sila papalayo habang ang mga lalaki naman ay patuloy na lumapit. "How are you, Miss Clevielle?" "What do you want?" "Your life," Nanginig ako sa sagot ng lalaking may malaking pilat. Ganito ang naramdaman ko noon at ngayon ay naramdaman kong muli ang takot habang pinapanood ko ang eksena. "Kill them..." Isa senyales ang sinabi ng lalaki. Agad na kumilos ang mga lalaking kasama niya. Isa ang sumunggab mula sa likuran ng batang ako. Hinila niya ang musmos kong katawan papalayo kay Sahara. "Sahara! Help me! Sahara!" Mariing kumuyom ang kamao ko nang mapasigaw sa takot ang batang Temple habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng lalaki. Bata pa ako noon, mahina at walang magawa. Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa dahil sa lakas ng lalaking humawak sa akin. Isa pa ay sobra akong natakot noon. "Temple! You bastard! Let go of her!" "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" "That kid really has the blood of that demon in her veins," "Leave her alone! Goddamn it! She's just a child!" "Sahara!" "Don't hurt her!" Naging mabilis ang sunod na kilos ni Sahara. Kumawala siya at mula sa likod ng lalaki na natatakpan ng coat ay hinugot niya ang isang katana saka walang babalang itinarak sa likod nito. Kaagad na sumuka ng dugo ang lalaki, pero balewalang hinugot lang ni Sahara ang espada at iwinasiwas sa ere. Tinamaan ang isa pa sa leeg nito. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Sahara na ganoon. Sa isang iglap ay nawala ang Sahara na laging nakangiti, ang Sahara na mabini kung kumilos. Naging estranghera siya sa harapan ko. Balewala lamang sa kaniya ang ginawa niyang pagwasiwas sa hawak niyang katana. Parang wala siyang pakialam kung may nasusugatan siya o napapatay. Maliit lamang ang bahay namin nang panahong ito, kaya sa bawat wasiwas ng espada ni Sahara ay may tinatamaan, may mga nagtatalsikang dugo. Nakita ko kung paano bumagsak ang mga lalaki na pinipilit sumugod sa kanya. Nakita ko kung paano sila mawalan ng malay o mamatay, pero walang pakialam si Sahara. "Please, stop!" naisigaw ko kahit alam kong walang silbi iyon. Hindi nila narinig ang tinig ko. Narito lamang ako para panoorin ang nakaraan. Dinala ako rito para ipaalala sa akin kung bakit naging ganito ang aking buhay at ang dahilan kung bakit hindi ako maaaring mag-patalo sa laro sa Underground. Napapitlag ako nang makita ang may pilat na lalaking papalapit kay Sahara mula sa likuran. May hawak din itong katana. "Sahara!" Nakagat ko ang aking labi. Gumuhit ang sakit sa mukha ni Sahara. Nabitiwan n'ya rin ang hawak niyang katana. Lumabas ang dugo mula sa bibig niya. Hindi pa natapos doon, marahas na hinugot ng lalaking may pilat ang espada sa katawan niya. Noon ay tila nawalan ng balanse ang kanyang katawan kaya bumagsak siya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya at nahirapang huminga. Napatungo na lamang ako nang makita kong isinaksak ng lalaking may pilat ang katana sa dibdib ni Sahara. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Sa nakaraan ko ay ito ang pinakamasakit na eksenang nasaksihan ko. "Sahara! Sahara!" Kumuyom ang mga kamao ko. Kung noon sana ay kaya ko nang lumaban... Kung sana lang. Bumagsak ang mga luha sa pisngi ko habang pinapanood ang nangyayari. Wala akong magawa, walang magawa ang batang ako. Wala akong maisip na gawin nang mga panahong iyon. Humagulgol ng iyak ang batang ako nang hawakan niya ang katana na nakatarak sa dibdib ni Sahara. Mabagal niya iyong hinugot na tila natatakot siyang masaktang muli si Sahara. Tuluyang bumugalwak ang dugo mula sa bibig ni Sahara. Gusto kong pumikit dahil ayoko nang makita na nasasaktan ang babaeng naging ina ko sa mahabang panahon. Ayokong makita siyang nahihirapan. Pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Ayaw kumilos ng mga talukap. Kumilos ang kamay ni Sahara. Walang lakas na inabot ang mukha ng batang ako saka marahan at masuyong humaplos. Lumabas ang dugo mula sa kanyang bibig pero nakuha n'ya pa ring ngumiti. "I... I love you, T-Temple," Gusto kong sumigaw nang sabihin niya ang mga katagang iyon, alam kong iyon na ang huli. Muling bumagsak ang luha mula sa mga mata ko nang tuluyan siyang mawalan ng buhay. Bumagsak ang kamay niya at nawala ang kislap sa kanyang mga mata. "Sahara! Sahara... huwag mo akong iwan... Gumising ka, please..." Naramdaman kong muli ang sakit na naramdaman ko noon. Naawa ako sa batang ako. Gusto ko siyang yakapin at pakalmahin, pero... pero... 'tang-ina! Bakit ba kailangan ko pang makita ulit ang eksenang ito? Bakit kailangang iparamdam ulit sa akin ang sakit na ito? Walang patid ang mga luha ko habang nakatitig sa walang buhay na katawan ni Sahara. Ito ang pinakamasakit na nangyari sa akin, ang sumira sa buhay ko. Ang sakit na sariwa pa rin sa dibdib ko, hindi naglaho sa paglipas ng mga taon. Ito ang nakaraan na gusto kong kalimutan, pero hindi ko magawang kalimutan. Si Sahara ang nag-iisang nagmahal sa akin, pero pinaslang siya nang walang awa. Tiarah appeared two hours after the ambulance and the police cars came to the crime scene. I expected her to cry for her sister's death, but she remained silent and her face was neutral. Dad came, too, and he cried, which was unexpected. Why would he cry for his wife's twin sister? "You were late! You were late!" Naalala ko kung paano kong sinigawan si Tiarah. I blamed her for coming late. Kung sana lang ay dumating siya nang mas maaga, she could have saved Sahara. Sinisi ko siya dahil lagi siyang wala sa tabi ko. Isinumbat ko lahat sa kanya. Tiarah did not answer. She just looked at me. Her eyes were dead, but I felt like she was blaming me, too. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sa akin niya isinisisi ang pagkamatay ni Sahara. Nang araw na iyon, the hatred between me and my mother started and it grew stronger day by day. Then everyone vanished as well as the entire place. A strong force of wind carried me to another place. At first, I was confused. I saw my nine-year-old self, wearing a pair of white martial art suits. It was in Thailand, I was certain. I remembered, after Sahara's death, I forced dad to send me to Thailand. Without Tiarah's approval, I left the country to learn more. I spent five years in Thailand... learning, kicking the ass of anyone who crossed my path. I was the best student until my master deserted me because he said, he couldn't tolerate my aggressive behavior at all. He said, he would accept me again if I learned how to free my soul from hatred and vengeance. I spit on him and left the temple. I came back to the Philippines and dominated the illegal street fights. Sa bawat laban ko, sa bawat suntok at sipa, isang mukha lang ang nakikita ko: ang lalaking may pilat sa pisngi. Marami ang nagtanong sa akin kung saan ako kumukuha ng lakas para manalo sa mga laban. Hindi nila alam at hindi ko sinabi na ang pagkamatay ni Sahara ang nagbibigay sa akin ng lakas. I promised myself na hindi ako mapapabagsak ng kahit sino hanggat hindi ko naipaghihiganti ang pagkamatay niya. Dahil hanggat buhay ang lalaking may pilat sa mukha, mananatiling buhay sa isipan ko ang naghihirap na mukha ni Sahara. Mananatili sa isipan ko ang nakaraang pumatay sa pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD