Chapter 31 THE KNIGHT UNDER THE MOON "Hi, Temple," Bahagya ko lang nilingon ang estudyanteng bumati sa akin pagkatapos ay walang imik na nilampasan ko siya. Hindi ko na binigyang pansin ang mga bulungan nila. Sa isang linggong pananatili ko sa Kingsville Academy, nakuha ko kaagad ang atensyon ng lahat. Siguro ay dahil nanggaling ako sa Rapsodhee High na itinuturing nilang banta sa posisyon nila sa laro o siguro ay dahil anak ako ng may-ari ng eskwelahang ito. Nakakairita lang na kahit saan talaga ako pumunta, nakakakuha ako ng ganitong klaseng atensyon. Kung naging artista lang siguro ako, siguradong marami ang fans ko. Dumiretso ako sa canteen. Yeah, right. The cafeteria had been my favorite place wherever school I go not because of the food they serve, but because here, I can see e

