Chapter 2
"Andrea halika, may picture taking para sa documentation at after this may kunting salo salo sa office. Kung ok lang sayo na samahan mo kami at isama mo na rin ang iyong mga kaibigan," alok ng kanilang coach. Masayang nagpaunlak si Andrea at agad niyaya ang mga kaibigan.
"Friend nakakahiya naman. Baka ma out of place kami," saad ni Althea.
"Pls friend samahan nyo ako. Gusto ko pa syang makita e," halos pabulong na pakiusap ni Andrea. Naunawaan naman ng mga ito ang kagustuhan ng dalaga. Natapos na lamang ang picture taking na halos hindi nakalapit ang dalaga kay Jeffrey dahil halos bakuran ito ng nobya. Halos nakalingkis ang mga braso nito sa braso ng binata. Lihim na nagngingitngit ang kalooban ni Andrea. Dumeresto ang lahat sa Sport's department pagkatapos. Nakahanda ang pananghalian na inihanda ng Sports committe para sa manlalaro. Agad nilapitan ng mga manlalaro ang magkakaibigan nang makapasok sila sa loob. Isa isang nagpakilala ang mga ito sa kanyang mga kasama. Halos lahat ay nagpapacute sa kanila dahil talaga namang magagaganda ang magkakaibigan. Nagpasalamat si Andrea dahil nakikisama ang mga kaibigan. Nasisiyahan naman ang mga ito dahil madami silang nakilala.
"Friend nakakailang dito pero titiisin ko dahil ang daming gwapo," kinikilig na bulong ni Althea. Siniko naman ito ni Alexis. Agad naagaw ng pansin ang lahat ng magsalita ang kanilang coach.
"Guys, Job well done, nag uumapaw ang sigla ninyong lahat sa paglalaro kanina. And for that, I would like to commend the presence of Miss Montenegro. Miss Montenegro we would like to extend our thanks ang gratitude sa pagpapaunlak mo sa aming imbitasyon na maging muse ng aming kupunan. Abah e halos lahat ay nagpapakitang gilas sayo." Natatawang saad ni coach Louie na sinang-ayunan naman ng lahat. Namula ng husto ang mukha ni Andrea. Ang lahat ay nakatuon sa kanya ang atensyon. Biglang nagsalita ang isang manlalaro na sa pagkakatanda nya ay ang team captain ng grupo. " Gaganahan talaga ang lahat dahil napakaganda ni Miss Montenegro at ng mga kaibigan nya. Kaya naman itong mga kateammate ko e masiglang naglaro kanina at lahat ay nagpapacute.hahaha!!!Miss Montenegro maraming salamat sa suporta at presensya mo. Sanay sa lahat ng laro ay nandyan ka para lage kaming gaganahan.” mahabang pahayag ni Albert, ang team captain ng grupo.
"You're all welcome guys. Thanks for the invitation. It's my honor to be your muse and inspiration." masiglang sagot ni Andrea.
Natapos na't lahat ng pagdiriwang ay hindi man lang nakalapit si Andrea kay Jeffrey. Tuluyan ng binakuran ito ni Trina na halatang ayaw maagawan. Umiwas na lamang ng tingin si Andrea sa tuwing naglalampungan ang dalawa. Bago pa matapos ang lahat sa pagkain ay nagpaalam na ang dalaga sa kanilang coach.
"Ah sir Louie, magpapaalam na po sana kami. May lalakarin pa po kasi ako pagkatapos nito," paalam ni Andrea.
Lahat naman ng tao sa silid ay natuon ang atensyon kay Andrea. Parang tumututol ang mga mata ng mga ito na umalis sila.
" Obcourse Miss Andrea. You can leave now. Again, salamat sa iyo," matamis na ngumiti ang coach kay Andrea. Napatingin sa gawi niya si Jeffrey. Nagtama ulit ang kanilang paningin. Unang umiwas si Andrea at niyaya na ang mga kaibigan.
Ngitngit na ngitngit si Andrea dahil hindi man lang nya nagawang makausap o malapitan man lang ang binata.
"Friend relax lang, parang linta naman kasi yung gf ni Jeffrey e," nasa mansion sila ngayon at nagpapalamig ng mga kaibigan. Nagkayayaan na maligo sila sa pool.
Andrea's PoV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagpapakahirap akong mapansin ng isang lalaki samantalang ang daming lalaking gustong mapansin ako. Pag-ibig nga ba itong nararamdaman ko o nachachallenge lang ako? Habang ang lahat ng lalaki ay halos mabaliw sa kagandahan ko pero ang lalaking gusto ko e halos hindi ko maabot. Masyado pang maaga na iconclude ko na pag-ibig itong nararamdaman ko para sa kanya. At isa pa masyado pa akong bata sa edad kong 17 para sa pag ibig na yan. Nalalapit na naman ang Valentines day. Madami na ang nagpaparamdam sa akin na gusto akong maging date pero isa lang ang gusto kong maging date sa araw ng mga puso. Paano ba mangyayari yun kung may nagmamay-ari na ng puso niya? Sumasakit ang sintido ko sa kaiisip ng paraan kung paanong makakalapit kay Jeffrey.
Kailangang kong mapalapit sa kanya para malaman ko ang totoong nararamdam para kanya. Baka infatuation lang ito at simpleng crush lang. Na kapag napalapit ako sa kanya ay mawawala din ang kaba, kilig at attraction na nararamdaman ko.
Nagpaimbestiga ako sa background ni Jeff. Nabigla ako dahil napag-alaman kong matalik na kaibigan at kanang kamay pala ng aking Daddy ang ama ni Jeffrey na si Mang Ben. Ang aking Daddy ang sumusuporta sa pag aaral ni Jeff at mga kapatid niya. Aside sa scholar ito ng university, ang ama ko din ang nagbibigay sa binata ng allowance kada buwan. Tatlo silang magkakapatid at puro lalaki. Si Jeff ang panganay at ang ina naman nito ay simpleng may bahay. Sabagay halos lahat naman ng anak ng mga naninilbihan sa aking ama ay binibigyan nya ng scholarship. Naalala ko ang batang laging kasama ni Mang Ben noon sa mansion. Hindi ko nakakahalubilo noon ang batang lalaki na laging kasakasama ni Mang Ben dahil ang suplado niya. Na hanggang ngayon ay ganun parin.
"Ben, pare hindi ata naglalagi ngayon ang inaanak ko sa opisina. Ano ba ang pinagkakaabalahan nya?" tanong ni Mayor sa kumapare nitong si Ben na ama ni Jeffrey. Matalik na magkaibigan ang dalawa simula pa noong highschool ang mga ito. Hindi na nagkahiwalay maliban na lamang noong mga taong nag-aral ang Mayor sa ibang bansa. Hindi naman pinalad ang kapalaran ni Mang Ben dahil mahirap lang ang kanyang pamilya kaya't di man lang ito nakatungtong sa kolehiyo kaya't nang naisipan ni Mayor Montenegro na magsettle down sa kanilang lugar at tumakbo bilang mayor ay kinuha agad sya nitong kanang kamay. Matagal bago nagkaanak si Mayor Montenegro at ng kanyang unang ginang kaya naman subrang aliw na aliw ito noon sa panganay na anak ni Mang Ben. Halos ang mag-asawa na ang nagpalaki at nagbibigay ng lahat ng pangagailangan ng bata. Halos araw araw ay nasa mansion ang bata at pinagkakaabalahang alagaan ng Ginang dahil sabik na sabik ito na magkaanak. Hinayaan na lamang ito ni Mang Ben at ng kanyang asawa dahil malaking tulong ang pagtulong ng mag asawa sa kanila dahil nang mga panahong yun ay nagkasunod sunod ang pagbubuntis ni Aling Brenda. Samantalang ang unang ginang ay hirap na hirap na magbuntis. Kaya't di maiwasan na hanggang ngayon ay giliw na giliw at napamahal na ang mag asawa kay Jeffrey.
"Abala ngayon si Jefrey sa Interbasketball competition na ginaganap sa kanilang university. Puspusan ang pag eensayo nila araw araw," balik sagot ni Mang Ben.
"Ganun ba? Ah yan ba yung sinalihan ni Andrea ko. Ang sabi ng anak ko she was invited to be a muse in an interbasketball competition. Sa palagay mo nagkita kaya ang mga anak natin at nagkakilala na?" may himig excitement ang Mayor sa pananalita nito.
"Sa malamang napansin na ng anak ko ang unica ija mo pare. Sa ganda ba naman ni Andrea," may ngiting sumilay sa mga tikom na bibig ng Mayor sa pahayag na iyon ng kumpare.
" Malapit ng mag 18 ang anak ko pare. Maisasakatuparan na natin ang matagal na nating pangarap na maging isa ang ating pamilya" puno ng kasabikang pahayag ni Mayor Montenegro.
Nang magbuntis at malamang babae ang anak ng alkalde ay nagkasundo ang magkumpare na ang kanilang mga anak ang magbubuklod sa kanilang pagkakaibigan. Nang mga panahong iyon ay gustong gusto ni Alfonso na maging anak si Jeffrey pero maisasakatuparan lamang iyon kung maipapakasal nya ang kanyang nag iisang anak na babae kay Jeffrey. Si Jeffrey ang pinapangarap na anak na lalaki ni Alfonso kayat subrang giliw na giliw ito sa binata. Mangyayari lamang na magiging totoong anak nya sa papel si Jeffrey pag naging isa ang kanyang anak at ni Jeffrey. Hindi ito lingid sa kaalaman ng kanilang mga asawa. Lumaki si Andrea sa ibang bansa at panaka naka lang ang pag uwi nito sa Pilipinas kayat hindi nabigyan ng pagkakataon na magkakilala ang dalawang bata habang lumalaki. Saka lang napagpasyahan ng mag asawa na tuluyan nang dito sa Pilipinas manirahan ang dalaga ng mag kolehiyo ang huli.
"Pare wala bang girlfriend ngayon ang inaanak ko? Hindi nya na nababanggit sa akin na nahuhumaling sya sa isang babae. O malihim lang sa akin ang mahal kong inaanak," tanong ni Mayor Alfonso. Umiwas ng tingin si Mang Ben. Di sya nakahuma at di nakasagot agad sa tanong ng kaibigan.
" Di maiiwasang magkagusto ang inaanak mo pare. Binata na sya at napakahabulin ng chicks kagaya natin noong araw," sagot ni mang Ben. Sabay na nagkatawanan ang matalik na magkaibigan.
" Ang importante pare ay sila ang magkatuluyan. Magiging panatag ang loob ko pag nagkataon. Magiging masaya lamang ako pag sila ay makasal na," madamdaming pahayag ni Mayor Alfonso.
"Oh Jeff, bilisan mo pa, aaaah!" nasasarapang bigkas at ungol ni Trina. Lalong binilisan ni Jeffrey ang pag-angkin sa nobya. Tanging malakas na pagsasalubong ng kanilang mga pag aari ang maririnig sa munting silid ng binata at ang malakas na halinghing ni Trina. "Oh s**t I'm coming babe!" malanding bigkas ni Trina kay Jeffrey. Lalo namang ginanahan si Jeffrey at sinakop muli ang bibig ng kasintahan upang siilin ito ng makapugtong halik. Ginalugad ng dila nito ang bibig ng kasintahan. Lalong nagpaigting sa apoy na kanilang nararamdaman ang halik na iyon ng binata. Lalong dumagsa ang kiliting nararamdam ni Trina sa kaibuturan ng kanyang p********e hanggang sa tuluyang lumabas ang katas ng kanyang gitna. Naramdaman ito ng binata at lalo pang binilisan ang pagbayo dito. Tumirik ang mga mata ni Trina sa sarap at sinabayan ang bawat pag indayog ng balakang ang bawat pagbayo ng binata. Isang malakas na pag ulos ang binitawan ng binata bago marating ang ruruk ng kaligayahan. Pabagsak na nahiga ito sa tabi ni Trina na may ngiti sa mga labi.
" I love you babe," bulong nito at masuyong hinalikan nito sa labi ng dalaga pagkatapos.
" I ove you more babe," paos na sagot ni Trina. Yumakap ito sa dibdib ng binata at ipinikit ang mga mata.
" Babe, di ka na ba galit?"masuyong tanong ng binata.
" Hmm...your forgiven babe," masiglang sagot ni Trina.
" Oh babe! thank you. I don't know what to do without you. I can't live without you. Pakasal na tayo pagkagraduate natin," masayang anyaya ni Jeffrey sa kasintahan. Nawala ang mga ngiting nakapaskil sa mag labi ng dalaga.
" Babe, ano ka ba! mga bata pa tayo at alam mo namang madami pa akong pangarap para sa sarili ko at sa pamilya ko," tanggi ng dalaga. Nawala din ang saya sa mukha ng binata. Matiim itong nakatitig kay Trina.
"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit di mo kayang magtiwala sa akin? Syempre ako ang bahala sa iyo at sa pamilya mo," may konbiksyong pahayag ni Jeffrey. Napabuntung hininga ang dalaga.
"Babe, Hindi lahat ng panahon e nakaalalay sayo si Mayor Montenegro," sagot ni Trina.
Hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalaga at masuyo itong hinalikan.
"Babe, madami akong pangarap para sa ating dalawa at gagawin ko ang lahat para matupad ang lahat ng iyon. Gagalingan ko pa at magsisipag ako ng husto,” puno ng kumpyansang pahayag ng binata.
"Oh Babe, napakaswerte ko at ako ang minahal mo " naiiyak na tugon ni Trina. Muling pinagsaluhan ng dalawa ang tamis ng pag iibigan. Halos mag uumaga na nang matulog sila dahil sa kapaguran.
Andrea's Pov
Deadma talaga ako ng lalaking yun. Kahit text man lang ay wala akong natanggap. Ano kayang pakulo ang gagawin ko para magkaroon kami ng pagkakataon na magkausap man lang? hmmm...Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit baliw na baliw ako sa lalaking yun. Halos sya lamang ang laman ng isip ko at pati puso ko kaya?
3rd Person POV
Malalim na nag iisip si Andrea habang naliligo at nakalutang sa pool. Naka two piece swimwear sya na color red at kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.
Papasok si Jeffrey sa gate ng Montenegro mansion sakay ng kanyang mini type Jeep na bigay pa ng Mayor sa kanya. Pinapatawag daw sya ni Mayor at dito sila magkikita sa kanilang mansion. Halos mag isang buwan na din na di sya nakapag report sa Mayor dahil abala sya sa final game ng kanilang kupunan. Madami din syang inaasikasong mga requirements para sa graduation. Lalong gumanda ang mansion. Maganda ang landscape na makikita pagpasok pa lamang sa gate. Malawak ang entrance door. Halata ang pagkaelegante ng may ari sa mga muwebles na makikita sa living room lalo na ang naglalakihang painting na nakadisplay sa malapad na wall na ipinasadya para sa mga painting pero ang higit na nakakuha sa kanyang atensyon ay ang malaking portrait ni Andrea na makikita agad pag akyat sa eleganteng hagdan.
Doon napako ang kanyang atensyon. Kung sa portrait ay napakaganda nito mas maganda ito sa personal. Nangungusap ang mga mata nito at labi, para bang hinihikayat na lumapit at humalik ang sinuman. Sa totoo lang nakakaakit ang kainosentehan at malaanghel na kagandahan nito kabaliktaran ng kanyang minamahal na si Trina. Agad nyang iwinaksi ang isiping iyon. No! mahal na mahal nya si Trina at kahit hindi ito perpekto sa paningin ng iba, sya pa rin ang tinitibok ng puso nya simula't simula pa. Walang sinuman ang makapagpapabago nun. Hinding hindi nya ipagpapalit si Trina sa malaanghel na kagandahan ng nasa portrait. Tumungo sya agad sa swimming pool area dahil doon siya parating pinaghihintay ng butihing Mayor.
Napansin nya agad ang maladiyosang babae na naliligo sa pool. Agad tumahip ang kanyang dibdib nang tuluyan nyang masilayan ang kaseksihan at kagandahan ni Andrea. Hindi nya maintindihan ang bilis ng t***k ng puso nya at ang pagwawala ng kanyang ibabang bahagi. Agad syang tumalikod para umiwas sa tuksong nasa harapan. Naguguluhan sya sa reaksiyon ng kanyang katawan sa tuwing nasa malapit lang ang dalaga.
'No hindi ito pwede. Hindi ako pwedeng magkagusto o maakit sa ibang babae. Tanging kay Trina lang ako. Si Trina lang at wala ng iba' kausap ni Jeffrey sa sarili.
" Oh Ijo nandyan ka na pala!" nagulat pa ang binata sa pagbati ni Mayor Montenegro sa kanya. Nasa harapan na pala nya ito nang di man lang nya namalayan. Pinamulahan sya ng mukha. Agad sya nitong niyakap. Para talagang anak ang turing nito sa kanya pero naiilang parin sya sa kanyang Ninong. Masyado itong mabait at maalalahanin pagdating sa kanya. Lahat na ata ay ibinigay nito sa kanya kaya naman wala pang hiniling ang kanyang Ninong na hindi nya napagbigyan. Pero lahat naman ng hinihiling nito ay ang tanggapin nya ang mga inaalok nitong tulong lalo na para sa kanyang pag-aaral.
" Ninong, bago lang po ako dumating" nahihiyang sagot niya dito.
" Akala koy hindi mo mapagbibigyan ang imbitasyon ko. Sabi ng Papa mo e masyado ka daw busy sa pag-aaral at sa championship game nyo," sabay akbay nito sa kanya at iginiya sya sa sala set na nasa harap mismo ng swimming pool. Napalunok sya dahil mas nasisilayan nya ngayon ng malapitan ang kaseksihan ni Andrea na wala atang kamalay malay na may ibang tao. Nagflofloating ito pero nakasakay sa floating bed. May suot na sunglasses.
Sinundan naman ng mayor ang kanyang tingin.
" Ah ijo sya pala ang aking unica ija. Sandali at ipapakilala kita sa kanya,” pahayag nito at agad kinuha ang pansin ni Andrea.
"Andrea!! anak, halika ka muna dito at ipapakilala kita sa bisita ko," medyo malakas na tawag nito sa anak sabay kindat ni Mayor sa kanya. Namula tuloy ang kanyang mukha dahil sa pilyong ngiti na sumilay sa labi nito. Nahuli kasi nitong halos hindi sya kumukurap sa kagandahang nasa harap nya. Bumaling ang mga mata ng dalaga sa direksyon ng kanyang ama na tumawag sa kanyang pansin. Nag-alis ito ng salamin at nakangiting nakatitig din sa kanya. Dumausdos ito at bumaba sa floating bed para lumangoy papunta sa direksyon nila. Pati paglangoy nito ay napaseksi, bawat kampay ng kamay ay babaeng babae. Halos lahat ata ng bahagi ng katawan nito ay perpekto sa kanyang paningin lalo na ang mukha nito na sadyang napakaganda. Umahon ito mula sa tubig ng pool at para bang sa pelikula na slow motion ang bawat galaw nito. Lalo tuloy syang napaghahalata dahil sa sunod sunod nyang paglunok at halos walang kurap na pagkakatitig sa dalaga. Nakakainggit ang tubig na tumutulo mula sa ulo nito papunta sa dibdib. Dibdib na naglalawa sa laki sa suot nitong bikini top.
" Ehem!!!" narinig nya ang ang pagtikhim ng kanyang Ninong. Agad syang nagbawi ng tingin at umiwas ang mga mata.
"Ijo si Andrea, ang anak kong lage kong ikinukwento sayo. Aba dalawang taong gulang pa lamang sya nang dinala ko sya sa America. Ang bilis ng panahon parang kailan lang mga bata pa kayo pero look at you now and her ang lalaki nyo na” masayang pahayag ng kanyang Ninong. " Agad inabutan ng towel ng nakaabang na katulong si Andrea. Tinanggap naman ng dalaga at agad ibinalot sa basang katawan. Iniabot ni Jeffrey ang kanang palad kay Andrea. Sabik na tinanggap naman ng dalaga ang pagdadaupang palad nila. Nanulay ulit ang malakuryenteng pakiramdam sa katawan ni Jeffrey gaya ng unang mahawakan nya ang malambot na kamay ng dalaga. 'What a strange feeling' sa isip ni Jeffrey.
" Nice to see you again Jeffrey. Daddy, we already met in school,” naiilang na sagot ni Andrea.
"Oh ,mabuti naman at magkakilala na kayo," sagot ng kanyang ama.
"Sandali lang mga anak at sasagutin ko lang ang tawag sa phone ko" sabay alis ng kanyang ama papunta sa living room. Naiwan ang dalawa na magkahugpong parin ang mga mata. Tumikhim si Jeffrey bago nagsalita.
" Hindi na tayo nakapag-usap pagkatapos ng laro Andrea. Pasensya ka na ha?" masuyong bigkas nito.
"Oh don't mind. You don't need too. And who am I by the way to have your little time and attention? " medyo sarkastikong pahayag ng dalaga na hindi inihihiwalay ang titig sa mga mata ng binata. Para naman may sariling isip ang mga mata ng binata na halos hindi maalis ang malagkit na tingin sa dalaga lalo na sa mapupulang labi nito. Kahit nakasimangot ito ngayon ay mas lalo lang gumaganda ang mukha nito sa bawat expressyon na ipinapakita nito. Nakakaadik pagmasdan ang kagandahan nito. Hindi nakakasawa. Sinalubong ni Andrea ang titig ni Jeffrey. Hindi nya maiwasan ang nakakatupok na titig nito. And she likes it. It seems that she has a strong effect to his system. Lihim na nagdidiwang ang kanyang puso. Madali lang nyang maaakit at mapapasakamay ang hinahangaang binata.