KINAUMAGAHANG hapon, mga alas sinco, nagising ako sa boses nina tita at Cea sa baba na tila sumisigaw. Natulog kasi ako kaninang alas tres dahil sa pagod because we did cleaning in the house.
I stretched my body and finger-combed my hair. Bakit naman sila mag-sisigawan?
Inayos ko na ang higaan ko. Pumunta ako sa pintuan at bubuksan na sana ang pinto nang may maunang mag-bukas nito.
I was taken aback as I stared at the man's horrifically familiar uniform. Dad's guard..
The man with shades on held my arm harshly and dragged me down the stairs. Fear rushed through my veins. Nakita ko na nag-aalalang tumingin sa akin sina Nicea at tita. Nahagip ko rin ng tingin si Kyl na naka-tangis ang bagang habang naka-tingin sa akin.. o sa kamay ng lalaki sa braso ko.
Binalik ko ang tingin sa lalaki, takot at pangamba sa mga susunod na maaaring mangyari ay kita sa mata. Nag-pumiglas ako pero pahigpit nang pahigpit lalo ang kapit nito. My whole body was badly trembling!
Malapit na kami sa pinto nang biglang may humawak sa isa ko pang braso at marahas akong pinabagsak sa kaniya. Bigla niya akong tinago sa likod niya, mariin ngunit nag-iingat ang hawak sa akin. His breathing was harsh, enraged. Kylven Wross..
"Nasasaktan ho siya," madilim na sabi niya. My hands were shaking badly as seconds pass by. "At ayaw niya hong sumama sa inyo. Kung pwede po, umalis na lang muna kayo–"
"Wala akong paki at hindi maaari," monotonong sabi ng lalaki. "Her father's order is to–"
Wross didn't even let the man finish. Marahas niyang tinabig ang lalaki at mabilis na tumakbo, kasama ako, palabas. Sinabayan ko na lang ang bilis niya, takot pa rin sa mga nagaganap.
Rinig ko ang pag-sunod ng lalaki ngunit malayo pa. Lumiko kami pa-kanan, dumiresto, at kumaliwa. Paglabas ng eskinitang iyon ay bumungad ang highway sa amin. Saktong may dumaang taxi kaya pinara ito ni Wross. Pinasok niya ako at sumunod siya agad, not wasting any second.
"Marahuyo, kuya." I am not familiar with the.. place he said, pero parang malayo dahil sinulyapan siya ng driver na may naninigurong tingin. Wross maintained a straight face, pahiwatig na seryoso nga siya. The driver couldn't do anything but drive.
I was expecting for Wross to look at me or talk or what pero umayos lang siya ng upo at bumaling sa bintana sa side niya. My brows furrowed. Inaano ko ba siya? No'ng isang araw pa siya, ah? Ayaw niya ako kasama? Eh siya nag-dala sa akin dito!
Nanahimik na lang ako nang makita ang pag-tangis ng bagang niya. Umayos na lang din ako ng upo at pinagmasdan siyang malalim na nag-iisip.
The way his forehead wrinkles made his aura darker than usual. His hair stylishly messy, sharp jet-black eyes, perfectly tall nose, luscious reddish lips, and hot jawline–a paragon.
In the middle of the silence, he spoke. "Dala mo phone mo?"
That caught me off guard. Napalingon pa ako sa harap to confirm if I am really the one he's talking to. Umismid siya so I took that as a sign. "N-No," I answered in a slight whisper. "Hindi ko na nadala kasi–"
"Okay," he cut me off in a lazy tone and just looked outside the window again. Halos paluin ko ang bibig ko dahil sa kadaldalan nito na hindi naman usual! You are shaming yourself here, Criselda Rae!
Halos thirty minutes ang byahe or more. Basta malayo. I couldn't really focus because of the sleeping guy beside me. Nalaman kong andito na kami nang lumingon sa akin ang driver.
"Andito na ho tayo, Ma'am." He smiled a bit. "Gisingin niyo na po ang boyfriend niyo at mukhang magka-away kayo, ah."
I flushed. What? Boyfriend? "He's not–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumungisngis na ang driver. Ngumiwi na lang ako at mahinang tinapik ang.. makinis.. na pisngi.. ni Wross.
"Wross," I called in a surprisingly soft tone. "We're here–"
"Mhmm," bigla niyang ungot at iniwas ang mukha niya. "Inaantok pa 'ko e–" tila natauhan siya at biglang napa-ayos ng upo. He glared at me and nag-bayad na lang kay kuya driver.
Napaayos ako ng upo at lihim na napangiti. Eh paano, his childish tone really got me! It was so adorable! Lalo na 'yung kunot ng noo niya!
Maybe Nicea was right all along. His kuya is a softie.
Bigla na lang niyang binuksan ang pinto sa side niya kaya nagulat ako. Biglang nag-salita si kuyang driver kaya napalingon ako sa kaniya.
"Mukhang may susuyuin po kayo ngayon, Ma'am." Humalakhak siya at tinignan ako mula sa rearview mirror. "Pero mukha namang marupok si ser. Good luck po!"
I just scrunched my nose, thanked him, and went out as well. Muntik pa akong mahagip ng isang sasakyan kung hindi lang naagapan ni Wross!
Hindi ka naman ganito ka-tanga noon, Rae!
"Tanga," bulong niya sabay hila sa akin sa gilid nang marahas. Naramdaman kong umalis na ang taxi. Bubulyaw na sana ako sa kaniya nang tumalikod siya at lumakad.
Sa inis, nagdabog ako. I stomped my feet repeated times, frustrated. Hindi naman ako ganito, eh! Ano ba, Crae! Gising nga!
"Stop acting like a brat now," he said in an authoritative voice. "And I don't care over the changes in your personality. The least I need right now is a liability."
I flushed, enraged. Did he just call me a "liability"?
Ulit, bubulyaw na sana ako pero tumalikod na siya at lumakad.
Now, dang everything!
Do I really have to deal with this boy?
Walang magawa, sumunod na lang ako. I was just behind him, in unmindful of the surroundings, kahit pa baka mamaya ay nasa den na kami ng mga sindika–
With that thought, dali-dali ako tumingin sa paligid, only to be amused.
Sa harap namin, kita ang isang dagat kung saan palubog na ang araw. On the left side were stalls of souvenirs, foods, and some karinderias. On the right were nipa huts which made the view perfect. The cold night breeze, the small lights around, the banderitas, the coconut trees, and the lively aura just made everything.. phenomenal.
I can only say one thing.
This place is enchanting.
—