II

1327 Words
"YOU ARE A–" "A disappointment, yea." Putol ko kay Dad. I am being scolded again, for the nth time. "I know that so well, Dad. No need to slap that on my face." I shot a blank glance to my hurt Mum then to my enraged Dad and stormed up to my room. As soon as I closed my door, I sighed heavily. Hinimas ko ang sintido kong sobrang nananakit na dahil sa alak. I went to my bed and looked down. I am now a college freshman taking up Bachelor of Science in Architecture. I am now way different from who I was before. Parties and clubs all the time. Smoking. Failing grades. Straight up disappointment. It was only Mildred who was keeping me sane. Or not. My phone rang and the moment I saw the caller's name, my face almost lit up. "Rae," kalmadong tawag niya sa akin sa phone. "Napagalitan ka na naman ba–" "Nicea.." I sounded desperate but whatever! "Ilabas mo ako rito, please. I know we aren't in good terms–" "Ikaw lang naman nag-iisip niyan, Rae." She chuckled. "Dito ka na sa bahay. Susunduin ba kita o magkikita na lang tayo?" she asked, unexplainable amusement in her voice. "At himala, hindi ka nag-banta," biro niya. A small smile crept to my lips. Yea right. Darn. "Ssh. Meet up. Sa gate ng village." Pagka-baba ko ng linya, nag-prepare na agad ako. Nicea is a friend from my early freshmen days. Madalas ko siyang itaboy noon dahil ayaw ko munang magkaroon ng kaibigan.. bukod kay Mil. I often throw her spicy words and harsh threats but to no avail. She's really determined. Ngayon ko lang siya kinausap nang maayos at hindi binabantaan. Si Mildred.. may sarili siyang circle of friends pero close pa rin kami. I often end up alone but she visits me here in the house naman at least thrice a week. Naiintindihan ko rin naman kasi mag-kaiba kami ng course, tapos busy na rin dahil freshman years pa. "Rae!" Nagulat ako nang marinig ang pabulong na sigaw ni Manang. Napapikit ako nang mariin at lumingon sa kaniya. Nasa kwarto pa 'ko at balak nang tumakas sa bahay. Kumalma ang mukha niya at sinarado ang pinto. "Tumawag sa akin si Nicea," sambit niyang 'di ko na ikinabigla. Told you, that girl's determined. She even got Manang's number! "Nasabi niyang mag-kikita kayo. Tara na. Ako bahala." Relief flooded my system. Thank goodness! Everything went in a blurr. Manang and I sneaked out of the house and because of her concern, hinatid niya pa 'ko sa b****a ng village. Pagkarating namin doon, nakita ko agad si Nicea. She immediately went to the cab she happened to book and guided me inside. Sinamahan niya ako sa backseat pagkatapos mag-paalam kay Manang. "Ako na hong bahala kay Rae," rinig kong sabi niya bago pumasok sa loob at tanguan ang driver. Huminga siya nang malalim habang naka-tingin lang ako sa kaniya. She looked at me with a her warm smile. "Sa bahay tayo, ah? Medyo maliit lang 'yun at mainit kasi walang aircon pero may electric fan naman at kutson kung saan ka matutulog mamaya kasi alam kong 'di ka sanay sa–" "Thank you." Freeze. My lips stretched into a small, amused smile. Her eyes spoke thousands of emotions kasi, with happiness and shock domineering. "It doesn't matter if your house is small or hot or what. Sometimes, we all just need someone.. a friend, a family.. to save us. Now you're here. So I am greatful.. and beyond." Natahimik siya sandali ngunit ngumiti rin kalaunan at kinwentuhan na lang ako sa mga kapatid at magulang niya na taimtim ko namang dininig. I knew that they're a family of seven, five of them are the kids, and she's the middle child. Ang dalawa niyang nakakatandang kapatid ay may sariling trabaho na, ang ate niyang panganay ay may pamilya na kaya ang kuya niya na lang ang tumutulong sa kanila. The two younger children were eleven and nine years of age, all are studying in grade school at a public school nearby. Medyo malayo ang byahe kaya napa-tagal ang kwentuhan. Sa kwento niya, naisip ko na kabilang sila sa mga mahihirap na tao. Mga taong nag-pupursigeng pilit para literal na mabuhay. At hanga ako sa kaniya, kahit pa hindi ko naranasan ang buhay nila kailanman. "Andito na tayo," bigla niyang sabi. "Kuya, bayad po." Nag-abot siya ng 1 000 pesos na sinuklian ni manong driver ng 200. "Salamat." Bumaling siya sa akin, "Tara na?" Tumingin pa ako sa harap bago tumango. Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na. May pinasukan pa kaming eskinita at pagkatapos ng dalawang minuto, huminto siya sa harap ng isang screen door na may wind chime sa itaas. Nilingon niya ako habang nag-tatanggal ng sapatos, at mabuti na lang na naka-tsinelas na ako. "We stay here," she said. "You can use your slippers inside. Baka nakawin dito 'yan." Napakunot ako ng noo. This is just a mere slipper! "A mere slipper, yea." She lazily nodded like she read my thoughts. I mean, she did. "A damn Chanel slippers!" Napatingin ako sa tsinelas kong itim na Chanel. "Oof," nasabi ko na lang at natawa kasabay niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sapatos niya, binuksan niya ang pinto. The moment I stepped my foot inside, I suddenly thought I should've let Nicea in my life way back without hesitations. "Hija!" Sumalubong sa akin ang isang babae na sa tingin ko'y nasa edad na late forties or early fifties pa lang. She was wearing a dress that has floral designs and embroideries with blue as the dominating color. "Hi tita," bati ko pabalik sa mababang boses. I felt a surreal comfortableness, yes. But looks like she's setting inhibitions to herself because parang sabik siya sa akin pero pinipigilan niya. To let her be comfortable back, I smiled. The most genuine ones. "Kumusta po?" "Cresilda!" "Crae!" Sasagot na sana siya nang makitang mapangiwi ako at muntikang matumba. My eyesight turned black for a moment. Mabuti na lang at may naka-salo sa akin. Napahawak ako sa balikat nito at inayos ang sarili ko. "Juskong bata ka! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" Hindi ko masyadong napagtunan ng pansin si tita dahil sa scent ng.. lalaking.. naka-salo sa akin. I slowly opened my eyes and met a pair of dark black ones. Shock flooded my system as my heart raced like mad. Who..? "Buti at nasalo ka ni Kyl!" Hinawakan naman ako agad ni Nicea sa braso. "Salamat, Kuya." Tinignan niya ako nang may pag-aalala. "Sa alak siguro 'yan," banggit niya. Kitang-kita ko kung paano dumaan ang disgusto sa mata ni Kyl na tumusok sa kung ano sa 'kin. "Ako na mag-aalaga–" "Ako na, Nicea!" sabi ni tita. "Dalhin mo na lang siya sa kwarto. Mabuti't sinabihan mo akong lasing si Cresilda at naka-luto ako ng macaroni soup!" Hinila na ako ni Nicea nang bahagya kaya dumulas na paalis sa balikat ni Kyl ang kamay ko. Inalis niya naman agad ang mga kamay niyang nasa baywang ko at nauna nang umalis palabas ng bahay nang wala man lang paalam kina tita. The nerve of that man? Umakyat kami sa hagdan at pumasok sa dulong pinto sa kaliwa. Nalaman ko na lang, naka-higa na ako sa kutson nila.. na naka-lapag lang sa sahig. Para nga talagang nilatag lang nila ito para sa akin, eh. Hindi naman na kailangan. "Diyan ka lang, ah? Si Mama na raw mag-aalaga sa 'yo. Ako nang bahala sa gamit mo. Rest," she said at akma nang aalis nang hawakan ko ang kamay niya. "Cea," I said in a whisper. Masakit talaga ang ulo ko, pati na ang buong katawan. "Who's–" "Kuya Kylven Wross," she smiled a bit. "Mamaya na kita kukwentuhan, mag-pahinga ka muna." Napahinga ako nang malalim at tumango na lang, hindi pinapahalata ang kuryosidad na tumataas kada segundong dumadaan. "Sige, s-salamat.." Kylven Wross.. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD