Inalagaan nga ako ni tita. Parang mas anak niya pa nga ako kay Nicea pero she just keeps on smiling at me as if she understands her mum. In-enjoy ko naman ang alaga ni tita dahil parang ina ko talaga siya sa ilang oras na pag-uusap namin. They're like my family than my biological parents, I thought. Pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin iyon.
Nang lumisan sa kwarto ko kanina si Cea, saktong pumasok si tita na may dalang soup. Puring-puri ko siya sa luto niya pero nag-aalala talaga siya kaya hindi niya masyadong napapansin. Pinunasan niya ang buong katawan ko at tinulungan akong mag-palit. Siya rin nag-pakain sa akin. Kinwentuhan at kinantahan niya rin ako hanggang makatulog.
"Rae?" bukas ni Cea sa pinto. "Dinner na tayo."
Ngumiti ako at agad na bumangon. Sigurado akong masarap ang luto ni tita!
Sabay kami ni Cea na bumaba. She asked if okay na ako to which I gladly answered a "yes" dahil sobrang gumaan ang pakiramdam ko sa kanila, lalo na pagka-usap ko sa dalawang nakababatang kapatid ni Cea kanina. Maikli lang 'yun dahil baka mabinat daw ako sabi ni tita, pero sobrang saya at welcome ako rito.
This house isn't as huge and as elegant as ours, but this feels.. home.
Noong nasa hapag-kainan na kami, nakita ko si tita na naglalapag ng mga plato, sina Nicolai at Nirrein sa upuan, pati si.. Kyl na tahimik lang na nag-lapag ng pitsel sa lamesa at naupo. Umupo ako sa harap niya, katabi si Nicea sa kaliwa, at si tita sa kanan. Katabi ni Kyl si Nirrein at si Nicolai naman kay Nicea. Si tita ang nasa gitnang upuan.
"Pray muna tayo," sambit ni Cea at ginawa nga namin iyon. The dinner was going well..
Or so I thought.
"Nasabi sa akin ni Cea ang dahilan kung bakit ka andito, Crae." Biglang sabi ni tita sa kalagitnaan ng pag-kain. Ngumuya naman ako at lumunok sabay inom ng tubig. "Pero gusto kong malaman mula sa 'yo. Inaapi ka ba roon o ano? Sabihin mo sa akin."
"Hindi po," agap ko. I shyly looked at her. "I am scolded because of my attitude but hindi naman ako inaapi."
"Scolded? Pinagalitan?" tanong niya. I nodded. "Mabait ka naman ah?"
There, I looked at her. Wow. For.. the first time in few years, someone told that to me. Mabilis akong umiling. "No, tita. I go party, get drunk, have low grades, and bend rules. I am nowhere near "mabait" po."
"Ganoon ba ang sukatan ng kabaitan?" takang tanong niya na tumama naman sa akin nang sobra. "Hindi naman ibig sabihin na nag-gaganoon ka eh masama ka na."
"Pero deserve ko naman ho 'yon," I calmly said. Yes, I know that. "Hindi lang ho talaga ako nag-tatanda."
"Sigurado akong may rason kung bakit ganiyan, Crae. Ano'ng rason 'yon?"
"W-Wala po.."
"Cresil–"
"MA!" biglang sigaw ni Kyl na nag-pagulat sa aming lahat. "Amindo na 'yung tao na masama siya so please, huwag mo nang ipag-pilitan! At ikaw," he looked at me sharply na nakapagpa-sindak talaga sa 'kin. "Stop playing the victim and faking everything. You know your sins and for damn's sake, tamaan ka naman ng hiya." He shot another sharp glance at me, "Nakakadiri ka." He glared at me again then left the house.
Nahihiya akong napa-yuko. Hindi kaya may alam siya? Pero.. paano?
Agad naman akong inalo ng mag-iina, kaya napangiti rin agad, though I wasn't able to finish my food. Hindi nila ako hinayaang gawin ang hugasan kaya diretso hilamos at higa ako sa kwarto kasama si Nicea.
Ilang sandali pa, pumasok si Cea sa loob. She smiled. "Kakatapos lang ng gawain sa baba. Natutulog na rin 'yung dalawang bata. Si Mama, nanonood pa ng TV kasi showing 'yung favorite niyang panoorin," she informed. "Si Kuya.. mamaya uuwi rin 'yon."
Tinabihan niya ako sa kama kung saan naka-higa na 'ko. "Sorry pala roon kanina, ah." She chortled. "Hindi ko masabing masungit talaga siya normally kasi mabait at makulit naman 'yun. Pero siguro.. pagod lang at.. naninibago." Kahit siya, 'di sigurado sa dahilan pero ayos lang naman talaga. I don't know but I kinda understand Kyl's reaction and treatment towards me.
"'No ka ba," mahina kong sabi. "Ayos lang."
Silence reigned.
"Alam ko gusto mo ng kwento kay Kuya kaya sige, pagbibigyan kita."
Tila nabuhayan ako ng dugo roon. In an unknown reason, I was all ears to her.
"Kylven Wross Ezequiel," she started. Mhmm. "Masipag. Maalalahanin. Malambing at makulit. Jolly siya. Masayahin. Siya ang atmosphere lifter namin, eh. Siya lang din ang nakakapagtrabaho sa amin dahil ayaw niya ako pagtrabahuhin. Sabi niya, kahit ipagsabay na lang niya ang pag-aaral at pag-tatrabaho para sa amin, basta huwag lang daw ako gumaya sa kaniya."
"Twenty-two na siya, taking up Psychology dahil future attorney siya. Third year sa school din natin. Pre-law niya iyon. Sobrang.. daming paghihirap ni Kuya mula bata hanggang pag-laki. Wala kaming tatay kaya siya ang tumayo niyon sa amin. Sumama siya sa kerida niya."
Hindi ko alam pero nainis ako nang bahagya sa huli niyang sinabi. At sa kung paano niya tila normal lang na sabihin 'yon. That man should pay!
"Si Ate naman, nabigatan na siguro sa amin kaya nag-pamilya na. Graduate naman siya ng vocational course kahit papaano kaya panatag kami," she didn't seem to notice how irritated I was by the mention of their father.
"Back to Kuya, he's strong. So strong. Sobrang hanga ako sa kaniya. Sa umaga, nagtatrabaho. Sa gabi, nasa eskwelahan madalas. Nakakaya niya 'yun lahat.. nang halos mag-isa," she proudly said. "Siguro kung hindi dumating si Kuya, hindi kami makaka-survive."
Marami pa siyang na-kwento pero parang nakukulangan pa ako. Hindi ko naman namalayang nakatulog ako at pag-gising ko, alas tres pa lang ng madaling araw.
Nilingon ko si Cea na mahimbing na natutulog. I slowly stood up and went out of the room, careful not to make a noise.
Nang makalabas, sinarado ko ang pinto bago tumingin sa paligid at bumaba. Bukas ang ilaw sa sala. May gising pa? Is tita still watching TV? Pero wala nang tunog ng kahit anong boses. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cea kagabi sa kwento niya. I think it's..
My thoughts were confirmed when I went down. There, I saw Kylven Wross in his white t-shirt and black jeans, reading a book, nakapandekwatro sa sofa, forehead wrinkled. His jet black hair was disheveled, lips wet, his manly scent making its way into my system.
"Kyl–"
Wala pa man, sinarado niya nang malakas ang libro niya at tumayo. Ni hindi ako nilingon, nilagay niya sa loob ng itim na bag niya ang libro, sinarado ito, at nilagay ang isang strap sa likod. Hindi niya masyadong kailangan humarap sa may hagdanan para maka-raan palabas ng sala ngunit nag-tama ang mga mata namin.
Umismid siya sabay talim ng tingin at lumabas.
I exhaled the breath I unconsciously held, and calmed my system.
Kinakabahan ako, at hindi ko mapagtanto kung dahil ba sa takot o ano.
Whatever.
Whatever, Wross. Hindi ako niyan tatablan.
—