"Ta-ta-talaga Po..?" Nanlalaki Ang mga matang baling nito sa akin. Parang di makapaniwala sa narinig. Kasalukuyan kaming nasa loob Ng sasakyan, nasa byahe papuntang Bahay nito. Inuupahan pala. Tinanong Niya ako kung paano daw Siya nakarating sa condo unit ko. Siyempre, sinabi ko na dinala ko Siya doon. "Oo.." Sagot ko sabay tango. "Eh, pero Sir, di ba Po, nasa loob lang ako ng kotse mo natulog. Pero---.." "Oo nga pala.. Speaking of kotse. Bakit mo ko iniwan kahapon?. Hindi mo ba alam na matagal kitang hinintay doon sa kinatatayuan natin kahapon?.. Dahil matagal akong nag antay, nagdesisyon na Lang ako na pumunta na Lang sa pwesto dahil baka doon ka na dumiretso. Pero pagdating doon, ni Wala kahit anino mo. Natapos na Lang ako sa pag inspeksiyon, Wala ka pa Rin. Kaya nagpasya na Lang

