Chapter 4

2739 Words
“Hello Beautiful! For you.” malawak ang ngiting bati ni Weeyam ng harapin niya ito. Tiningnan lang niya ang iniaabot nitong bulaklak bago nilampasan. Wala siyang balak kausapin ang lalaki. Naaalala pa rin niya ang mga sinabi nito noong birthday ni Rapael at kaninang umaga. Sino ba namang matinong tao ang magco-confess ng feelings nito sa isang babaeng wala pang isang oras nitong nakikilala ?Si Weeyam lang! Kung hindi ba naman ito may sayad sa utak. Dumiritso siya sa sakayan ng taxi. Napahilot siya ng noo ng makitang marami rin palang nag-aabang roon. Gustuhin man niyang mag-jeep o kaya mag-LRT ay katawan na mismo niya ang umayaw. Masyado na siyang pagod ngayon para makipag. At isa pa, gusto niyang matulog ng maaga dahil kulang siya sa tulog kagabi. Tumawag ang ate Miray niya. Napasarap sila ng kwentuhan dahil matagal-tagal na rin ng huli silang mag-usap. Gusto rin daw nitong siguruhin na makakauwi siya sa kasal nito sa susunod na buwan. Kinulit rin siya nito na kung pwede raw ba niyang habaan ang leave niya dahil ilang taon na rin ng huli siyang magbakasyon. Totoo iyon. Apat na taon na ang nakalilipas ng huli siyang umuwi sa kanilang probinsiya. Nagtatampo na rin ang mga magulang sa kanya dahil kung hindi pa ang mga ito ang luluwas ay hindi talaga sila magkikita-kita. Naiinis na sinipat ni Nice ang orasan. Halos fifteen minutes na siyang nakatayo roon pero punuan pa rin ang mga dumaraang taxi. Napasimangot siya. Kung alam niyang ganito ang mangyayari disin sana’y nag-overtime na lang siya. Napaatras siya ng may tumigil na sasakyan sa mismong harap niya bago bumusina. Hindi tinted ang salamin ng sasakyan kaya nakita niyang si Weeyam ang nagmamaneho roon. Ibinaba nito ang salamin sa passenger side na nakatapat sa kanya “Hi beautiful! Sakay na. Ako na ang mag-hahatid sa iyo” nakangiting sabi nito habang nakadungaw sa kanya. “Hindi na, mag-aantay nalang ako ng taxi.” “Come on, mahirap sumakay ngayon. Rush hour. Baka mamayang alas nyebe kapa makauwi niyan.” “Anong bang ginagawa mo rito?” “Yayayain sana kitang mag-dinner pero iniwan mo ako e.” Sasagot pa sana siya ng makarinig ng mahabang pag-busina galing sa likod ng kotse ni Weeyam. Napatakip siya ng tainga. Buwesit talaga ang mga driver na walang pakundangan kong makadotdot ng busina. “Come on, bago pa tayo parehong mabingi rito.” Napaisip siya. Pwede naman siyang bumalik sa opisina para magpalipas ng oras. Lumingon siya. Kaya lang tinatamad na siyang maglakad at ginugutom pa. Nang muling makarinig ng pag-busina mula sa likod ay masama ang tingin niya iyong nilingon. Masama na rin pala ang tingin sa kanya ng mamang nagmamaneho ng taxi na muli na namang bumusina. Feeling niya pati tutuli niya ay tumalsik sa lakas niyon. Sa inis ay hindi niya napigilang itaas ang kamay habang nakatikom ang mga daliri at iniangat ang middle finger sa nagmamaneho ng taxi bago nagmamadaling sumakay sa kotse ni Weeyam. Bastos na kung bastos,pero bastos rin ito. Narinig niyang tumawa ng marahan ang binata habang iminamani-obra ang sasakyan. “Mukhang hindi maganda ang araw mo ngayon. Wrong timing yata ang pagpunta ko” maya-maya ay basag nito sa katahimikan. She remain silent. “Ang ganda mo ngayon,”matalim ang tinging nilingon niya ito. “I mean maganda ka rin naman noong unang nagkita tayo pero mas maganda ka ngayon” nakangiti nitong paliwanag habang papalit-palit ang tingin sa kanya at sa kalsada. “Gusto mong kumain muna tayo bago kita ihatid?” tanong nito sa kanya. Nanatili siyang tahimik at diritso lang ang tingin sa kalsada. Wala siyang balak kausapin ang lalaki. Total ito naman ang nagpumilit na ihatid siya, bahala ito sa buhay nito. “Wala ka bang balak kausapin ako?” Silent. “Sige ka, mapapanis ang laway mo kapag hindi ka nagsalita riyan.” Silent. Hindi oobra sa kanya ang mga ganyang kaek-ekan. Wala man lang ba itong originality. Lihim siyang napaismid. Matapos ang mahabang sandali ng narinig niya itong napabuntong-hininga. Hindi na ito muling nagsalita. Lihim siyang nagdiwang. Take that you monkey. Tumagilid siya ng upo para hindi nito makita ang ngiting hindi niya masupil. Ipinikit nalang niya ang mga mata. Sa tagal ng usad ng trapiko sa Manila siguradong mamaya pa siya makakauwi. NAPABALIKWAS ng bangon si Nice ng makarinig na kalabog mula sa kung saan. Napakunot ang noo niya. Ang huli niyang natatandaan ay nakasakay siya sa kotse ni Weeyam sa gitna ng kalsada habang usad-pagong ang daloy ng trapiko. Nang ilibot niya ang tingin ay napagtanto niyang nasa kama ng isang hindi pamilyar na kuwarto siya naroroon. Panic started to creep through her system. Dali-dali siyang tumayo. Hinanap niya ang bag ngunit hindi niya iyon makita. Instead she faced herself in front of a big mirror inside the room. Na-shock siya sa itsura. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng nahihintakutang sigaw mula sa kanyang mga labi. “Anong nangyayari? Hey, are you okay?”ang nag-aalalang boses ni Weeyam ang nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad. Pero ng maalala niya ang suot na damit ay hindi na siya nagdalawang-isip na bigyan ito ng mag-asawang sampal. Tigalgal na lumayo si Weeyam sa kanya. “What was that?” sigaw nito sa kanya habang sapo ang magkabilang pisnging namumula na dahil sa pagkakasampal niya. “You shitty bastard beast! What did you do? Walang-hiya ka. Pinagkatiwalaan kita tapos ano itong ginawa mo!” sigaw rin niya habang dinuduro ito. Gusto niyang mapangiwi dahil masakit ang kamay niya dahil sa pagkakasampal rito pero isinantabi muna niya iyon. Mas mahalaga ang kanyang puri. “I didn’t do anything to you woman!” seryosong balik nito sa kanya. Siguro ay nakahuma na ito sa sampal na ibinigay niya kani-kanina lang. Nang tignan niya ito ay kalmado na itong nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Pero bigla siyang natakot ng matitigan ito sa mga mata. Wala siyang makitang emosyon roon hindi katulad ng lagi niyang nakikita. Gone with the mischievous glint in his eyes. Nakaramdam siya ng takot para sa sarili. Ganito ba ito magalit? “Wala? B-bakit ganito ang s-suot ko?” nanlalaki ang mga matang tinuro niya ang sarili. Deym! Pinipilit niyang magpakatapang sa harap nito ng mga sandaling iyon pero parang gusto na niyang tumiklop. Parang nakikita niya ang itim na aurang bumabalot sa buo nitong pagkatao at anytime ay sasakalin na siya ng binata. Nailang siya ng hagudin nito ng tingin ang kanyang kabuuan. On instinct ay ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib na alam niyang halos makita na dahil sa nipis ng suot niyang damit pantulog. Magpapasalamat ba siya dahil naisipan nitong huwag tanggalin ang underwear niyang halos hindi rin naitago ng manipis na tilang tumatabon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan? Kapag nalaman niya kung sino ang nag-pauso ng ganitong damit, ito ang uunahin niyang ipatumba. Buti nalang hindi siya nagka-pulmonya. “You can simply ask without hitting me, hindi iyong bigla-bigla ay mananampal ka!” sagot nito matapos siyang tingnan mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. Aba’t tarantado ang lalaki itong ah, kung makahagod para akong hinuhubaran!. Dahil sa naisip ay muling nag-init ang bunbunan niya. “E bakit nga ganito ang suot ko? Umamin kang unggoy ka, rapist ka ano!” hindi niya napigilan ang muling magtaas ng boses. “Sinong rapist?” Napabaling siya sa nagsalita. Nakita niya ang isang babaeng mas matanda lang siguro sa kanya ng ilang taon. Walang paalam na dumiritso ito sa loob ng kuwarto at lumapit kay Weeyam-na nahuli niyang nakatingin sa dibdib niya. Pinandilatan niya ang lalaki. “Kapag hindi mo pa tinanggal iyang mata mo, tutusikin ko na iyan!” nanggigigil na sita niya rito. Ngisi lang ang isinagot nito sa kanya bago hinarap ang bagong dating. May inabot itong isang paperbag na may tatak ng isang kilalang clothing line. “Andito na ang lahat ng mga pinabili mo kuya” matapos siya nitong ngitian at agad rin itong lumabas ng silid. “Ayusin mo ang sarili mo. Mamaya na ako magpapaliwanag. Five minutes. Huwag mong paghintayin ang pagkain” sabi nito bago walang-lingon na lumabas ng silid matapos iwan ang paperbag sa ibabaw ng kama. Bago pa siya makahakbang para tingnan ang laman niyon ay muling bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya. “Just for the record, hindi ko ugaling mamilit ng babae at hindi ko iyon ginagawa kapag tulog ang partner ko. And I will only do it with you when your ready!” pinakadiinan pa nito ang salitang ‘it’. Naiwan siyang laglag ang mga panga habang nakatitig sa pintong ngayon ay nakasarado na. Ano daw? Umakyat na yata ang lahat ng dugo sa ulo niya ng marealize ang sinabi nito. Ang walang-hiya. Napaka-kapal ng mukha. Hambog. Feeling nito gusto niyang gawin iyon kasama ito. In his dreams. Gustong sumigaw ni Nice sa inis pero hindi niya mailabas dahil baka may makarinig. Nagkasya na lang siyang murahin at bugbugin ang walanghiyang Weeyam na iyon sa utak niya. It took her a couple of minutes before she compose herself. Nang maalala ang sinabi nitong pagkain ay agad na nag-react ang tiyan niya. Oo nga pala kagabi pa siya walang kain. Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili. Makakaganti rin siya sa lalaking iyon. May araw rin ito. Tahimik na kumakain si Nice habang nakikinig sa masayangkwentuhan ng mga kasama niya sa lamesang iyon. Nasa kaliwang bahagi niya nakaupo si Weeyam. Nasa kanan naman niya ang mama nitong si Tita Olivia habang nakaupo sa kabisera ang asawa nitong si Tito Randy. Katapat niya si Amber, pangatlo sa magkakapatid at siya ring pumasok sa kuwarto niya kanina. Katabi naman nito ang panganay na si Kierby. Nakilala niya ang mga ito kanina pagkababa niya. Hindi niya akalain na doon pala sa bahay ng mga magulang ni Weeyam siya dinala ng binata. Pasimple niya itong tiningnan. Nakangiti na ito habang nakikipag-kwentuhan sa lahat. Parang hindi ito ang lalaking nakasagutan at nakipagsigawan sa kanya kanina lang. Lihim siyang napangiwi ng magawi sa pisngi nito ang kanyang mga mata. Namumula at kung titingnang mabuti ay hugis-kamay iyon. Hindi niya alam kung sadyang hindi iyon napansin ng mga kasama nila o pinili nalang mag-patay malisya. “Nice hija, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” ani Tita Olivia. Bago pa niya mautusan ang sariling iiwas ang mga mata sa pagtitig sa mukha ng binata ay naunahan na siya nito. Kaya huling-huli siya sa akto na tinitingnan ito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi niya maipaliwanag kung bakit unti-unting bumibillis ang t***k ng kanyang puso. Namumulang nag-iwas siya ng tingin at hinarap ang ginang. “O-okey naman po Tita. Masarap po” mahinang sagot niya. Lalo siyang namula ng mapansing titig na titig sa kanya ang lahat habang nakapaskil sa mga labi ang isang kakaibang ngiti. “Stop it guys. Your making her uncomfortable” saway ni Weeyan sa mga ito ng mapansing hindi siya mapakali sa kinauupuan. “Hija, ilang taon kana?” “Twenty five po.” “Hmmm, ideal age to get married. May boyfriend ka na ba?” “W-wala po” “Really, sa ganda mong iyan wala kang boyfriend!” Isang naiilang na ngiti ang sagot niya sa ginang. “Ito bang binata ko hindi man lang nagsabi at nagbabalak na manligaw?” “Mom!” “What? I’m only asking son? Malay ba namin kong itinanan mo itong si Nice kaya dito mo siya sa bahay iniuwi kagabi.” Nahirinan siya sa narinig. What the! Iyon pala ang iniisip ng mga ito kaya naroon siya. “You okay?” ang nag-aalalang mukha ni Weeyan ang natunghayan niya. Sige rin ang hagod ng kamay nito sa likod niya. And it is her making uncomfortable in a good way. Napakunot-noo siya. Teka meron bang ganoon? Hindi rin niya alam. Basta ang alam lang niya ay gusto niya ang init na hatid ng kamay nitong kasalukuyang humahaplos sa likod niya. Tumango siya bago ininum ang isang baso ng tubig na iniabot nito. Ewan ba niya kung bakit pero biglang naging active ang lahat ng senses niya ng mga oras na iyon. Matapos uminom ay ibinalik niya ang baso rito. Tumingin siya sa binata para magpasalamat. But, to late for her to realize that it is a wrong move, napatitig siya sa mga mata. Ngayon na malayang natititigan niya ang kabuungan ng mukha nito ay hindi niya mapigilan ang sariling pasadahan at humanga sa gandang lalaki nito. From his perfect eyebrow,pretty round brown eyes, his pointed nose and sensual red lips. Seems like everything in his face screams beauty. Wala sa sariling napalunok siya ng makita niyang pinasadahan nito ng dila ang mamula-mulang labi nito. Dang! Why does it looks so sexy when he did that. Magsisinungaling siya kung hindi niya aaminin sa sarili na hindi nito nakuha ang pansin niya ng una niya itong nakita. Why, the man is so gorgeous. Hindi lang niya ipinahalata dahil alam niyang hindi siya titigilan ng mga kaibigan niya kapag nagkataon. Pero ng simulan na nitong ibuka ang bibig nito ay dagli ring naglaho ang paghangang umuusbong na sana niya para rito. Goodness. Kung gaano ito ka-appeal sa paningin niya ay siya ring taas ng tingin nito sa gandang lalaki nito. Hambog, mahangin, mayabang at kung ano-ano pang negative trait na maaring itapon niya rito. Lihim na napasinghap si Nice ng makita niyang bumaba ang tingin ng binata sa mga labi niya. Mama Mia! Hahalikan ba siya nito? Muntik na niyang mahawakan ang dibdib ng biglang umariba iyon sa pagtibok. Feeling niya tambol ang puso niya sa sobrang lakas ng kalabog niyon. Pigil ang hiningang hinintay niya ang sunod na gagawin nito. When he look into her eyes again, she saw burning passion in his. Nang unti-unting bumaba ang mukha nito patungo sa kanya ay hindi niya mapigilang makadama ng kaba at excitement. Nagulat pa siya sa sarili. She didn’t know, she was still capable of feeling that, thrilled to be kiss by this man. Hindi niya alam kung ano ang bumara sa daloy ng isip niya at hindi siya makaisip sa lohikal na paraan. Her mind seem to stop working and her body was taking over. Para siyang nahihipnotismo sa mga matang nakatitig pa rin sa kanya. She gasped when she realize that he’s only inches away from her, his eyes close. His hot minty breath fuming on her cheeks. Naipikit niya ang mga mata dahil sa kabang nararamdaman. Bahala na si Batman. Pigil ang hiningang hinihintay niyang lumapat ang mga labi nito sa kanya ng makarinig siya ng mga eksahiradong ubo. Double Dang! Nawala sa isip niyang may mga kasama nga pala sila. Namumulang ipinihit niya ang tingin sa kanilang audience, hindi niya alam kung paano sasalubungin ang mapanuksong mga mata’t ngiti lalo na ang ina ni Weeyam kaya pinili na lang niyang yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain. Pasimpleng tiningnan ni Nice si Weeyam pero gusto niyang magsisi na ginawa iyon. Hindi maikakaila ang kislap ng saya sa mga mata ng binata. Kitang-kita kasi niya kung paano siya nito titigan-na parang gusto siya nitong hilahin palapit rito at halikan ng tuluyan. Hindi niya alam na kaya pala niyang bumasa ng iniisip ng tao, ngayon lang. Napailing siya bago inilayo ang mata sa binata. Pakiramdam kasi niya kapag hindi niya iyon ginawa ay baka mademonyo ang utak niya’t siya pa ang humila sa binata para halikan ito. Shit! Where that come from! Sa isip ay kinukutusan ni Nice ang sarili. She couldn't imagine she allowed this man to kiss her. At sa harap pa ng pamilya nito. Nakakahiya siya! Ano na lang ang iniisip ng pamilya nito sa kanya? Na wala siyang delikadesa kasi kahit sa harap ng mga ito, payag siyang magpahalik? At teka nga, bakit ba puro halik ang nasa isip niya? Nag-excuse siya sa lahat at dumiritso ng harden na nasa likod-bahay nila Weeyam. Gusto muna niyang tumakas pansamantala sa huli. Wala kasi itong ginagawa kundi ang titigan siya na maski ang pagkain nito ay hindi na nito nagalaw. Naiilang siya. To think that he even tried to kiss her, and she did nothing to stop the man. She take a deep breath trying to calm her nerves. This is so not her. Siya si Nica Celle Andrade. She always think before she act. She tough. So what happened back there? Nice asked herself then shake her head because even she don’t know the answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD