Napapalunok nalang ako habang naglalakad papunta sa work lounge. Pucha Ken! Hindi ka si Ana Steele! Wala tayo sa Fifty Shades of Grey. Iniisip ko palang na pupunta ako mag-isa sa isang lugar kung nasaan si Claud ay tumataas na ang balahibo ko. Wala namang mangyayare diba? Bastos lang ang pag-iisip ko diba? Whoo! Shet. Hihinga muna ako ng malalim. Okay. Good posture Ken! Don't let your confidence slip away once na makita mo na si Claud! Nang makatapak na sa harap ng private work lounge. Umubo-ubo muna ako. Binuksan ko ang pinto at pinakiramdaman ang lamig ng aircon. Isa itong private room na dinesenyo para pagmeetingan ang tungkol sa trabaho. Puwedeng gamitin ito ng dalawa hanggang apat na katao. Pero sa ngayon.. kaming dalawa lang ni Claud ang naririto para pag-usapan ang a

