"Ano ba si Claud?" tanong ko habang minamasdan si Mik na ngayon ay kumakain ng 1/2 lb. Double w/ Cheese burger habang nainom ng coke. Grabe pala ang takaw ng isang to, pati dito sa loob ng opisina nagbbreak pa rin. Kaya naman ang botsog ng tiyan. "Si sir Claud?" Nanguya-nguya siya habang nagsasalita, "hmm.. Minsan iniisip ko hayop siya." "Whoa?! Talaga?! Ako din eh." Pagsang-ayon ko rito. Sa ngayon ay nakatambay lang ako sa pwesto ni Mik at nakikipagkwentuhan sakanya gaya ng ibang mga empleyado. Feeling ko tuloy chismisan na rin ang dating nito. "Pero ibig ko sabihin, ano ba sa tingin mo si Claud?" Tinitigan ko siya na ngayon ay patuloy pa rin sa pagnguya. Nilunok niya yung kanyang kinakain tsaka uminom ng coke. Binaling niya ang kanyang tingin sakin, "para sakin suplado. Ta

