Natanaw ko na si Claud na papunta sa amin ng girlfriend niya. Walang bakas ng pagkabahala sa mukha. Totoo nga sigurong napaikot niya yung mga directors. Aysus! Wala pala yung mga yon e. Kung makatingin pa sila saakin kanina para lang akong langgam. Hay. Totoo ngang birds of a feather flock together, kumbaga sa kanilang lahat na namummified ay si Claud ang pinaka-hari. Tumayo si Eunice at sinalubong si Claud. "How is it?" tanong nito. Lumapit siya at tsaka hinaplos ang dibdib ni Claud, nakita ko namang hinawakan ng kupal ang baywang ni Eunice. "Everything is under control." Nakita kong napa-sigh sa ginhawa si Eunice at nginitian niya si Claud. Batuhin ko na ba mga to ng bote? "Nakausap ko na rin si director Jhang, he's reconsidering of taking back the operation." Seryoso

