Ng maiparada ko ang kotse ko sa parking lot ng Nycolite Hospital kaagad akung napabuntong hininga ng malalim. Sigurado ako na uulanin ako ng mga tanong. Mabuti nga at maayos na ako ang ibang malalang sugat ko noong kinuha ako ng sindikato ay nandito parin ang mga marka nila. Lakas loob akung bumaba sa kotse ko sabay ayos ng aking damit. Ang ibang nakasabayan ko na nasa parking lot ay napapatingin sa akin ang iba naman ay mukhang nagulat. Hindi ko nalang sila pinansin at lumakad nalang ako papasok sa hospital. Kailangan ko pa palang kausapin ang director namin sa hospital tungkol sa absent ko kahit pa na nagawa na ni Khray ng paraan kailangan ko namang nakabawi. Sa pag-apak ng paa ko sa pinto ng hospital sa akin kaagad napunta ang atensiyon nila. Nilibot ko ang paningin ko sa buong hos

