“You are a werewolf.” Walang kakurap-kurap na sinabi ni Iris kay Elise habang tinitignan siya nang masama ni Bryan.
“Ah! Elise huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Iris. Halika ipakikilala ka na lang muna namin ni Cyril sa mga babae dito sa South Dark Hills.” Dali-dali namang hinawakan ni Bryan si Elise sa mga balikat nito at niyaya na pumunta sa patio para makilala ang mga kababaihan sa mansyon ng South Dark Hills.
Naiwang nagtataka sina Garette at Iris. Maya-maya pa ay dumating si Fritz at kinausap sila.
“Hindi pa oras, Iris at Garette. Hindi kakayanin ni Elise malaman lahat tungkol sa kanyang pagkatao. Huwag nating pangunahan si Bryan.” Ani Fritz na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila mula sa malayo.
“Oo, Beta. Pasensya na. Akala ko kasi mas magiging madali ang adjustment ni Elise dito kapag sinabi ko.” Sabi naman ni Iris na tila napakamot ng ulo dahil sa nasabi kay Elise.
Sa kabilang dako ng mansyon, sa may patio, nagtitipun-tipon ang mga kababaihan na kasamang mamuno ng grupo ni Bryan sa South Dark Hills. Kapansin-pansin ang isang babae na unang nakita ni Elise habang nagyoyoga. Matangkad ito at morena. Tila hindi rin nakaligtas sa paningin ni Elise ang toned body ng babae na para bang isang weightlifter. Ang isang babae naman ay nakaupo sa mesa habang naghahanda ng tsaa. Elegante ang suot nito at tila parating nakangiti. Napakacute nitong tignan sa pigtails at pink dress na suot. Kahit sinong makakita rito ay aakalaing naglalaro lamang ito ng tea party pero totoo ang mga pagkain sa mesa. Kasalo niyang magtsaa ay isang babaeng maamo ang mukha at nagbabasa lamang ng libro. Napakaputi nito at agaw-pansin rin ang pula nitong buhok.
“Everyone, I’d like you to meet my Luna, Elise.” Natutuwang sabi ni Bryan habang hinapit siya sa katawan nito at hinawakan sa bewang.
Nginitian lang ni Elise nang matamis ang mga babaeng nasa patio. Natigilan naman ang mga ito sa ginagawa. Tumayo ang babaeng nakapigtails at lumapit kay Elise. Hinawakan siya nito sa kamay at niyayang maupo sa mesa.
“Narinig namin ang lahat kay Kuya Bryan, Elise. Mabuti at nailayo ka na niya sa impyernong lugar na pinanggalingan mo.” Nag-aalalang sabi nito habang hinawakan siya sa kamay. “Ako si Mary, kapatid ni Kuya Bryan. Ako rin ang naglagay ng mga sulat sa kwarto mo. Did you like it?”
“Salamat, Mary. Ngayon lang may gumawa noon para sa akin.” Tila nanghinayang si Elise. Buong akala niya kasi ay si Bryan ang nagsulat ng mga iyon.
“Ako naman si Indina.” Inabot ng babaeng may pulang buhok na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa mesa at nagtsa-tsaa ang kamay ni Elise. “You’re in good hands, Elise.”
“Yoyo, hindi mo man lang ba kakausapin si Elise?” sabi ni Bryan habang tinitignan nang masama ang babaeng nagyoyoga.
“No. you haven’t proven anything to the council… yet. So why would I bother talking to a slave, Bryan?” Nakapikit ito at patuloy pa ring gumagawa ng yoga poses.
Hindi namalayan ni Elise na napuntahan kaagad ni Bryan ang pwesto ng babaeng tinawag ni Bryan na Yoyo nang sobrang bilis. Tila nagbago rin ang kulay ng mga mata ni Bryan at halos lumabas ang mga ugat sa kamay habang sinasakal si Yoyo na nakahiga naman sa yoga mat niya. Halatang nahihirapan itong huminga sa pagkakasakal sa kanya ni Bryan. Hawak ni Yoyo ang kamay ni Bryan na nasa leeg niya sa mga oras na ito.
“Bryan!” Sigaw ni Elise. Tatayo na sana siya nang hawakan ni Indina ang kamay niya at pilit na paupuin muli. Tinignan naman ni Elise si Mary na tila humihigop lang ng tsaa at hindi nakikialam sa dalawang nag-aaway na lobo. Tinignan ni Mary si Elise at umiling, senyales na huwag itong makialam. Naisip rin ni Elise na baka galit si Yoyo sa kanya at ayaw siya nito patirahin dito Sa South Dark Hills.
“Y-you c-can’t do this t-to me, Bryan! I am s-still a m-member of the coucil.” Paos na saad ni Yoyo habang pilit inaalis ang kamay ni Bryan sa kanyang leeg.
“Wala ka sa konseho ngayon, Yoyo. Nasa teritoryo kita. How dare you disrespect my Luna?” sabi naman ni Bryan habang unti-unting niluluwagan ang kapit sa leeg ng babae.
“H-hindi ko siya binabastos, B-bryan. Gusto ko lang dumaan ang lahat sa proseso. You abducted a slave without any proof that she really is your Luna. I heard Dale also has something for her so paano mo yun ipaliliwanag? Sabay kayong nagkaroon ng mate instinct sa kanya?!” Sigaw ni Yoyo habang nakahawak pa rin sa leeg nitong namumula dahil sa pagkakasakal ni Bryan.
Ang konseho ang grupo ng mga taong lobo na may mga kakayahang mamuno sa Dark Hills. Binubuo ito ng limang mga taong lobo, kasama na si Yoyo. Sila ang nagsisilbing tagapayo ng mga alpha at katuwang ng mga ito sa pagpapatupad ng batas sa mga taong lobo sa Dark Hills. SIla rin ang nagiisip ng mga kaparusahan o gantimpala sa mga taong lobo. Sila rin ang nagdedesisyon kung dapat bang ampunin ang isang lobo mula sa isang grupo na iba sa kinabibilangan nilang grupo.
“She hasn’t even shifted yet! Look at her! Hindi pa siya nagiging lobo, Bryan! Maybe what you and Dale felt towards her is s****l tension only. There is nothing special about her.”
“I am sure about her, Yoyo. You and your friends in the council should wait. Hindi naman kaagad lalabas ang true form ni Elise. Hindi ba, Elise?” Binalingan ni Bryan ng tingin si Elise at nagulat ito nang wala na si Elise sa kinauupuan.
“She left a little while ago. Ituloy niyo na ang wrestling niyong dalawa. Ako na ang bahalang kumausap kay Elise.” Sabi ni Mary. Tumayo ito at sinundan si Elise.
“She needs to shift, Bryan. We all know that the council requires to see that she can be one of us before letting her in.” Saad ni Yoyo habang inaalalayan ni Indina para makatayo.
“I know, Yoyo. I just can’t force everything to her just yet. Kagagaling niya lang sa problematic community. She was abused by her owners.” Lumungkot ang aura ni Bryan dahilan upang malungkot rin ang hitsura ng dalawang babae.
“I’m sorry to hear that, Bryan. I was just respecting the council’s process and.. I don’t want you to be the one who gets punished after all this.” Hindi makatingin si Yoyo sa mga mata ni Bryan.
Hindi malaman ni Elise kung bakit ganoon na lamang ang tingin sa kanya ni Yoyo. Iniisip niyang hindi naman sila magkakilalang dalawa ngunit parang may galit na ito agad sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng kwartong tinulugan niya. Naghanap ng damit at nagbihis dahil basa pa rin siya mula sa paglangoy sa pool kanina. Bigla namang may kumatok sa pinto.
“Elise! Si Mary ito. Is this a bad time?” sigaw nito mula sa labas.
Dali-daling binuksan ni Elise ang pinto at tumambad ang nag-aalalang mukha ng kapatid ni Bryan. Niyakap siya nito at matapos ay hinila siya at pinaupo sa harap ng vanity mirror na maraming ilaw. Kinuha nito ang blower at brush saka nagsimulang patuyuin ang buhok niyang mahaba.
“Magkababata sina Yoyo at Kuya Bryan. Alam rin ng lahat na may feelings si Yoyo kay Kuya Bryan. Kaya lang, hindi naman sila parehas ng nararamdaman.” Kwento nito kay Elise habang pinatutuyo ang buhok nito.
“Galit ba sa akin si Yoyo dahil gusto akong gawing Luna ni Bryan?” Nag-aalalang sabi ni Elise.
“Siguro. Hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip ni Yoyo. Pero pwede rin naman na pinoprotektahan niya lang si Kuya Bryan. Yoyo is one of the council. Their power is just the same with the alpha, ang pagkakaiba lang, wala silang lugar na pinamumunuan. They are like advisers to the alphas kaya dapat pinakikinggan rin sila.” Pagpapaliwanag nito habang kinukuha ang make up at inayusan si Elise.
Patuloy ang pag-aayos ni Mary sa dalaga nang may mapansin siya kay Elise.
“Elise, nasa lahi niyo ba ang magkaroon ng maraming white hairs kahit bata pa?” Nagtatakang sabi niya habang tinitignan ang buhok ni Elise. “Organic naman mga products na nilagay ko sa bathroom mo e. Hindi rin naman ito dahil sa chlorine sa pool.”
“H-hindi, Mary. Wala akong puting buhok ever since. Itim talaga ang buhok ko.” Nagtatakang sabi ni Elise habang may napansin rin siyang nagbago sa mga mata niya. “Ang mga mata ko rin, nagiging gray!”
Napatakip ng bibig si Mary nang mapansin ang pagbabago sa mata ni Elise. Lalo pang nagulat ang dalawa nang maging puti lahat ng buhok ni Elise sa isang iglap.
Nagtatatakbo naman si Mary pabalik ng patio. Sa pagkakataong ito, andun sina Fritz, Cyril, Iris, Gerette, Bryan, Indina at Yoyo.
“Guys! Guys! May nangyayari kay Elise!” Yun lamang ang narinig ni Bryan at tila hangin ito sa bilis na kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Elise.
Sumunod ang lahat kay Mary at nagulat sa nakita. Kapansin-pansin ang babaeng may silver na buhok, maputing balat at kulay gray na mga mata. Kapansin-pansin rin ang hubog ng katawan na tila na-enhance pa ang maganda na nitong katawan noon pa. Mas bumilog ang mga dibdib, lumiit ang baywang at lumaki ang balakang. Lalo ring humaba ang buhok nito na abot na sa hita ngayon.
“Elise?!” Sabay-sabay nilang sigaw. Nahihiya naman si Elise dahil nakatingin sa kanya lahat ang mga tao sa mansyon.
Hindi makapaniwala si Bryan sa nakikita niya. Nagbago ng anyo si Elise sa isang iglap lang. Kailangan itong malaman ng konseho kaya tinignan niya si Yoyo tsaka ito tumango at binunot ang cellphone sa bulsa.
“Peele, I need you all here. There’s someone I need you to meet ASAP. Okay, cool.” Yun lang at binaba na nito ang cellphone. “Papunta na ang konseho rito.”
“Ihahanda na namin ang hall para sa pagdating nila.” Sabi ni Indina habang hinihila ang mga kasama palabas ng kwarto, dahilan para maiwan si Bryan at si Elise sa kwarto.
“B-Bry!” Tumakbo si Elise para yakapin si Bryan. Agad naman nitong sinalubong ng mahigpit na yakap ang dalaga.
“Are you okay, baby? May masakit ba sayo?” Nag-aalalang sabi nito habang tinitignan mula ulo hanggang paa.
“Walang masakit, Bry. Medyo… mainit nga lang. Ang… init-init ng pakiramdam ko. Ugh!”
Hindi malaman ni Bryan kung saan siya titingin – kung sa mga pisngi ba ni Elise na namumula dahil sa sobrang kaputian o sa kamay ng dalaga na kung saan saan na humahawak sa sarili nitong katawan. She is a sight to see. Everything shouts sexy from head to toe. Nagsimula na ring tumigas ang alaga ni Bryan nang himasin ni Elise ang dibdib nito. Nilapitan ni Elise si Bryan at tila walang nagawa ang alpha kundi sumunod sa alipin na nasa harap niya.
“Ugh! Elise! Stop this. I might not be able to control myself kung itutuloy mo itong ginagawa mo.” Umuungol si Bryan habang hinahawakan ni Elise ang p*********i nito at inilabas. Pinaglaruan ito ni Elise nang paulit ulit gamit ang mga kamay at daliri. Halos lumiyad sa sarap si Bryan dahil ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito sa buong buhay niya.
“Then, don’t stop. Help me, Bry. Ang init. I need to release some tension to ease this urge I am feeling right now.” Napalunok si Bryan nang ilabas ni Elise ang kanyang malulusog na dibdib at inilagay ang p*********i niya sa pagitan ng mga ito.
“Elise, y-you s-seem to be so wild, today. W-what h-has gotten into y-you?” Napakapit sa pader na sinasandalan si Bryan.
Nagulat naman si Bryan nang bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Elise.
“Bryan!” Napasigaw si Elise nang makita ang ginagawa nila ni Bryan.
Virgin pa si Elise at kahit kailan ay hindi niya makakayanan gawin ang mga nakita niyang ginagawa nila ni Bryan ngayon. Hindi siya makapaniwala sa nakikita dahil para bang siya ang may gusto ng nangyayari. Wala rin siyang matandaan sa mga nangyari. Ang huling eksena na nakita at nasaksihan niya ay yung nakita siya ng lahat na nagbago ng anyo.
Natigilan ang dalawa nang marinig ang katok sa pinto. “Bryan! Andito na ang council!” Rinig na rinig ang sigaw ni Cyril mula sa labas ng kwarto.
Nag-ayos ng damit ang dalawa at lumabas ng kwarto patungo sa multipurpose hall ng mansyon.
“Dito ka muna, tatawagin kita kapag maayos na ang lahat.” Sinabi ni Bryan kay Elise saka siya iniwan sa gilid ng entrance ng multipurpose hall.
Hindi naman napigilan ni Elise ang sumilip sa loob. Nakaupo sa dulo ng long table ang isang lalaking tila isang black American. Matipuno ang katawan nito at magkaiba rin ang kulay nga mga mata. Nakasuot ito ng mahabang pulang cloak. Sa kanan niya naman nakaupo ang isang lalaking singkit at nakatali ang mahabang itim na buhok sa isang bun. Busy rin ito sa gadget na kanina nya pa tinititigan. Sa kaliwa naman ng Black American ay isang matandang lalaki na may putting buhok at balbas na may katamtamang haba. Nakatakip rin ng maskara ang bibig nito at kapansin-pansin ang puti nitong mga mata na tila walang pupil sa gitna – marahil ay bulag ito. Sa tabi nito ay si Yoyo.
“Bryan, this is Peele, the leader of the council. He oversees all things alpha. Siya ang bahalang magdisiplina at magbigay ng pabuya sa mga alpha. Ito namang nasa kanan niya ay isang descendant from Kageyama Clan. He is Taki Kageyama. He oversees the technology here in Dark Hills. And on Peele’s left is Noah. Siya naman ang gabay. He sees things in the past and the future.
“Marquez! What a pleasant surprise!” Sabi ni Peele. Napakalalim ng boses nito at matatakot ang sinumang makarinig sa unang beses.
“We heard it from Yoyo. Where is your Luna?” Sabi ng singkit na may matipuno ring katawan habang hindi inaalis ang tingin sa tablet nito at patuloy ang pagpindot.
“Elise!” Tinawag ni Bryan si Elise at mabagal itong naglakad papasok sa multipurpose hall. Napatayo ang tatlong lalaking dumating maging ang bulag ay napatayo rin. Dali-dali silang lumapit kay Elise. Hinawakan ni Noah ang noo ni Elise at humawak naman sa balikat niya si Peele at Taki. Napapikit nang mariin si Noah sabay dumilat at umilaw ang mga mata – may nakikita siya pangyayari mula sa pagkabata ni Elise.
1998. Sa mansyon ng mga Cruz. Katatapos lamang iwan si Elise ng kanyang mga magulang nang nilapitan siya ni Mark, anak ng may-ari ng mansyon.
“What’s so special about you? Anak ka rin lang naman ng mga aristocrat galing West Dark Hills.” Sinabi nito habang umiikot sa paligid ng batang si Elise at tinititigan mula ulo hanngang paa. “Do royal bloods these days look so plain?” dagdag pa nito habang sinasabunutan ang buhok ni Elise.
“Aray! Huwag mo kong saktan, please. Sabi ni Mommy pwede raw tayong maging magkaibigan.” Hinawakan ni Elise ang kamay ng batang Bryan para pakawalan ang mahigpit nitong hawak sa buhok niya. Ngunit hindi ito nagustuhan ni Mark at itinulak si Elise nang bahagya.
Nagulat si Elise at nagbago ang kulay ng mga mata tsaka lumabas ang kaunting putting buhok sa bangs. Mag mga pangil ring lumabas sa ngipin niya dahilan para matakot si Mark at suntukin siya sa mukha. Nasalag naman ni Elise ang suntok ni Mark at itinulak si Mark na tumilapon naman sa sahig.
Tila takot na takot naman si Mark nang makitang ang layo ng narating niya nang itulak siya ng misteryosong batang babaeng ito. Bigla namang hinimatay si Elise, nasalo naman siya ni Anthony, ang tatay ni Mark, bago pa siya bumagsak sa lupa.
“Mark. You shall never speak to anyone about this. Hindi dapat nila malaman na royal blood si Elise.”
Bumitaw si Noah sa noo ni Elise at hinawakan naman ang kamay nito. Sa pagkakataong ito, nais makita ni Noah kung may dapat bang ikatakot ang mga lobo sa existence ni Elise. Umilaw muli ang mga mata nito.
“Nakita ko si Elise na nakaupo sa trono. Sa ilalim niya ay nakaupo rin ang mga alpha mula sa apat na sulok ng Dark Hills. May suot rin siyang apat na singsing, sagisag ng North, East, West at South Dark Hills. Ikaw ang makakapagpabago sa Dark Hills. Sa presensya mo lamang magkakaroon ng kapayapaan dito. Ikaw ang matagal na naming hinahanap. Ikaw ang sagot sa mga matagl na naming katanungan, Elise! Isang daang taon na rin ang nakakalipas pero alam ko na ikaw ang hinahanap namin.” Saad ng matanda.
“We can only witness your past, but Noah here can be the only one who sees the future. We saw all your hardships and we felt your pain, too. Magbabayad ang mga lumapastangan sa ngalan mo. Hindi ito palalampasin ng konseho, pinapangako namin.”
“We would also like you to stay in the council for a few days before we sort things out. You also need to meet the four alphas. Kailangan mo sila at mas kailangan ka rin nila.” Sabi naman ni Taki.
“Hindi rin iba sa ating lahat na hindi namin macontrol ang West Dark Hills. Magiging responsibilidad mo na rin sila Elise. Kailangan mong pumunta sa West kasama ang tatlo pang alpha para makipagkasundo sa West Dark Hills at mapigilan ang digmaan.” Saad ni Noah at nang matapos magsalita ay naglagay ulit ng maskara.
“H-Hindi ako ang hinahanap niyo. Nagkakamali lang po kayo.” Sabi ni Elise habang umiiling.
“Hindi nagkakamali ang konseho.” Sabat naman ni Yoyo.
Nagulat ang lahat maging ang mga nakaupo sa kabilang dulo ng long table na sina Indina, Mary, Garette, Cyril, Iris Fritz at Bryan. Unti-unting umatras ang mga miyembro ng konseho nang may lalaking biglang sumulpot sa isang upuan doon sa hall. Puti ang suot nito at may maikling buhok na kulot.
“Greg!” Sigaw ni Yoyo at Taki.
“Everyone, this is Greg. Ang kanang kamay ni Peele.” Pakilala sa kanya ni Yoyo.
“Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ni Bryan na hindi makapaniwalang may tao pala doon.
Tumayo si Greg at sinamahan sina Yoyo, Peele, Noah at Taki. Sa isang senyas ni Peele ay sabay-sabay silang lumuhod sa harap ni Elise. Nagtataka tuloy ang dalaga kung ano ang ginagawa nila sa kanya.
“All Hail the Moon Goddess!” Sigaw ni Peele.
Ginaya naman ng lahat ang limang miyembro ng konseho at lumuhod rin sa harap ni Elise.
“Hail the Moon Goddess!” Sabay-sabay nilang sigaw habang nakayuko.