HALOS WALA AKONG tulog kagabi. Gusto ko man siyang itext ay hindi ko na ginawa, alam ko naman na safe na siyang naka-uwi sa bahay nila. Masaya ako na nagkita kaming muli, ngunit bakit parang may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Noon sa tuwing naiisip ko ang pagkikita naming muli ay iba ang nakikita ko. Yung sasalubungin niya ako ng yakap at ganoon din ako. Magtitigan kami at mauuwi sa halikan. Pero hindi nangyari ang naiisip ko noon, dahil nagtagpo kami sa pangit na sitwasyon. Muli kong tiningnan ang calling card na binigay niya. May office address doon kaya nagdecide ako na padalhan siya ng bulaklak. Nag-order ako online at ipinadala ko sa address na nakalagay sa tarheta. Ito ang hindi ko nagawa noong bago maging kami at kahit na girlfriend ko siya. Ngayon kahit ilang daang dosena

