NANDITO AKO SA CONDO UNIT NI EKZ, alam ko pupunta siya dahil schedule namin ngayon para magka - sarilinan. Ilang araw na wala siyang paramdam at ganoon din ako. Sinabi lang sa akin ni Nora ang mga nangyari ng birthday niya. Nakatunghay lang daw si Ekz sa akin mula sa malayo dahil busy ako sa mga kaklase namin noong high school. Kahit dumating na si Ekz ay nasa grupo pa rin ng mga kaklase ko ako. Kaya naging taga bantay ko lang ang boyfriend ko noong gabing iyon. I'm not sure kung narinig niya ang lokohan namin. Katabi ko pa si Brian sa upuan kaya malamang nakita niya at narinig niya ang pagsakay ko sa biruan ng mga kaklase ko. Depende na lang sa inter pretasyon niya iyon. Siya lang ang minahal ko at wala ng iba. Hindi ko masabi sa kanya ang problema ko. Kung paano ay hindi ko alam. N

