NAKARATING na sila sa conference hall. Pag pasok nila ni Mr. Zamora na nauuna lang kay Ekz ay nasa kanila lahat ang paningin. Sa isang pares lang ng mata tumingin si Ekz. Wala siyang nabakas na anumang reaction mula rito kundi ang tinanguan lang siya na waring sinasabi na maupo na siya. Puno ng mga tao lahat ng upuan sa loob ng conference hall. Napansin niya ang malaking screen kung saan naka – stiop ang pinapanood ng mga ito. Sila ni Wyeth ang nasa screen at nasa loob sila ng classroom. Sa isipan ni Ekz ito na siguro ang tinutukoy na video. Iniisip niya ngayon kung may nakita ba sa private parts ng mga katawan nila. Sa isipan niya ay sana wala naman, kaya naalala na naman niya si Wyeth. Hindi pwedeng may makakita sa katawan nito. Sino ang kumuha ng video at sino ang nag- utos ? Paulit –

