⚠️ ⚠️ ⚠️ WARNING ⚠️ ⚠️ ⚠️ ‼️ ‼️‼️ ‼️ SPG ‼️ ‼️ ‼️ ‼️ THIS IS NOT SUITABLE FOR MINORS ‼️‼️‼️ PAGKATAPOS ng mainit naming pagniniig ay kumain na kami ng literal na pagkain. Sinusubuan ko pa si Wyeth, gusto ko sana na ikalong siya habang kumakain kami kaya lang ay plastic lang itong upuan ko, baka hindi kami kayanin. Ewan ba bakit yata puno ng libog ang katawan ko ngayon. Hindi ko malaman dahil ba sa panahon o dahil nandito si honey bunch. Bukas sigurado na uuwi na ito. Pagkatapos naming magniig kanina ay muli itong tinawagan ni tatay Pedro. Susunduin na lang daw siya nito bukas na sinabihan ko na ako na lang ang maghahatid. Para kaming mag -asawa sa sitwasyon namin Ngayon, kaya looking forward ako sa panahon na maikakasal kami. Handa akong maghintay sa tamang panahon, kapalit n

