MABUTI AT NAKAPAG-USAP PA KAMI ni honey bunch kanina bago ako pumunta sa aking meeting dahil naging abala ako buong maghapon. Puno ako ng meetings nang matingnan ko ang aking telepono ay ang daming messages ni Daddy na pare pareho lamang. Mag mga tawag pa na hindi ako nasagot mula dito. Mas okay naman na hindi ko alam na tumatawag pala siya dahil tulad ng text niya ay malamang tungkol pa rin doon ang tawag niya. Ngayon daw darating ang kaibigan niya at kasama na ang anak nito. Sigurado na daw iyon kaya dapat ay umuwi ako ng maaga para makilala ko na ang babaeng sinasabi niya. Noong nakaraan na mag – kasabay kami sa pagkain ay nabanggit nito iyon na hindi ko naman binigyan ng pansin. Sabi pa ni Dad ay magugustuhan ko daw iyon kapag nakita ko. Baka daw magsisi ako kapag nakilala ko pa ito.

