NAGTEXT ako kay honey bunch bago pa kami bumaba ng truck. To honey bunch: “Hon, I’ll just take you to your house, let’s just wait for the people here to go home. I’ll wait for you outside the school.” Sinend ko ito sa kanya. From honey bunch: “Okay hon, let’s meet outside the school.” Gusto ko pa kasi siyang makasama kaya naman ako na maghahatid sa kanya. Actually naitext ko na si Tatay Pedro na ako na maghahatid sa girlfriend ko. Pagdating naming sa school halos lahat ay nagmamadali na para makauwi sa kani – kanilang tahanan. Nandoon na rin at naghihintay ang sundo ng iba. Ako ay di nakisabay sa pagmamadali nila. “Wyeth nandyan na ba ang sundo mo?” tanong ni Ma’am Cruz kay honey bunch. “Wala pa po Ma’am, kakatext ko pa lang po kay Tatay Pedro,” magalang na sagot nito sa co-

