IT’S ALREADY SEVEN IN THE EVENING, I’M ON MY WAY TO SCHOOL, kung saan gagawin ang party. Medyo natagalan pa nga ako dahil ang kulit ng boyfriend ko. Gusto pang lasunin ang isipan ko para hindi tumuloy sa party. Kaya lang kailangan ko ito, kailangan ko ng additional grades para masiguro ko na hindi ako babagsak or bumaba ang marka ko. Hindi naman ako masyadong nag-ayos, very light lang ang make-up ko. Simpleng formal dress lang din ang pinili kong suotin para sa okasyon na ito. Hindi naman ito party na pabonggahan na may tatanghalin na Mr. and Ms. Star of the Nights kaya naman okay na ako sa ayos ko. Hinatid ako ni Tatay Pedro at babalikan na lamang daw niya ako. Pagpasok ko ng hall kung saan gaganapin ang party ay Nakita ko na ang ilan sa mga kaklase ko. Dahil wala naman akong kaibigan o

