Pagkatapos namin na kumain ni honey bunch, nagpasya kaming magpahinga muna sa sala and eventually dito na rin kami muling natulog. Gumising ako ng 5 am para maka-uwi muna sa apartment at may pasok pa. Ginigising ko si Wyeth para magpa-alam sana ako, kaya lang tulog na tulog ito. Marahil napuyat ito kagabi at kanina ay nagising kami ng alanganin. Hinaplos ko pa ang mukha nito baka sakaling magising pero hindi pa rin. Kaya isang halik sa labi at ako ay dahan dahang bumangon dito sa couch. Pakiramdam ko ay gising na si Nanay Rosing kaya sumilip muna ako sa kusina. Nandoon na nga ang ginang at sa kanya na lang ako mag-pa-pa-alam. "Good morning po Nay Rising," bati ko dito. "Good morning naman iho! Kumusta ka na? Gusto mo ba ng kape?" wika nito sa akin. "Salamat po nay, pasensya na

