SOFIA' POVS Pagdating kay Seb lagi mainit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit lalo na kapag may kasama itong babae. "Sofia, ihatid mo nga ito kay Lord. Nasa sala sya marami kasi akong ginawa," saad ni Manang sa akin. "Manang, pwede hindi na lang ako maghatid. Si Dela na lang Manang alam mo, naman pagdating kay Seb lagi mainit ang ulo ko?" saad ko kay Manang. "Sofia may trabaho si Dela saglit lang naman. Ihatid mo lang sa kan'ya tapos alis ka na," muling saad nito. Kahit anong palusot ko hindi talaga tatalab kay Manang. Kaya ang resulta ako ang naghatid ng pagkain ng lalaki. Pagdating ko, sa sala abala ito sa kanyang laptop. Kaya nilagay ko na lang ito sa mesa. Akmang aalis na ako bigla naman nya ako tinawag. "Sofia, mamayang gabi may pupuntahan tayong party?" untag ni

