Chapter Five.

2048 Words
Chapter Five: The Beauty Pageant. ANGELIE'S POINT OF VIEW Uwian na namin ngayun nag hihintay ako sa mga kaibigan ko dun sa may study Area ng school. Ang tagal ng mga hayop na yun dumating ahh tingin ako ng tingin sa cellphone ko nag babakasakali na baka mag text mag chat or tumawag man lang sila sakin pero wala sampung minuto na akong nag hihintay dito sa kanila. "Haystt bakit ba ang tagal nyo?" bulong ko sa sarili ko. Maya maya pa ay dumating na ang mga kupal. "Guys tara labas na tayo ikot ikot na lang muna" saad ni Ricabella Lumabas kami ng Campus di na muna ako umuwi nag lakad lakad muna kami sa Labas ng campus. Maya maya pa ay meron kaming nakitang isang poste na may naka paskil "What:Baranggay Beauty Pageant When:tomorrow Night at 7:00 pm Where: Plaza Prizes: Winner: 20k 2nd runner up: 10k 3rd runner up: 5k" Yan ang nakapaskil sa poste tutuloy na sana ako paglalakad ng biglang hawakan ni Lawrence ang braso ko. "Oh bakit?" naiinis akong nag tanung "ayan best yung sinasabi ko sayo" saad nito "Ehh ano? Di naman ako makakasali jan ehh tsaka baka may representative na din yung baranggay namin" saad ko Biglang pumunta si Ricabella sa Harap ko "I will check it pero pag wala pa ikaw mag rirepresent ng baranggay nyo okay?" saad ni ricabella Ayaw ko talagang pumayag lalu na at beauty pageant yan ehh ganito ang itsura ko mukang pulubi sa kanto. Nag dadalawang isip pa akong sumagot ehh. Di lang siguro ako nag dadalawang isip baka tatlo o sampu pa. Naistress brain cells ko dahil kay Lawrence. "Deal yan ah?" saad ni Lawrence "okay deal" sagut ko pero sa totoo lang ayaw ko tlaga. Inirapan ko sila at nagpatuloy mag lakad halos mapatalon sila sa tuwa dahil sa desisyon ko pero ano kayang magiging laban ko sa mga contestant dun lalu na alam at tanggap ko na naman sa sarili ko na ito talaga ako at ito talaga ang itsura ko. Tahimik lang akong nag lalakad sa street na ito halos silang dalawa lang ang nag uusap. "Kanina ka pa tahimik jan Gelay ah" saad ni Ricabella at inakbayan ako. "tskk" inalis ko yung braso nya sa balikat ko. Naupo ako saglit sa harap ng isang saradong tindahan. "bakit ka nanahimik?" tanung ni Lawrence at umupo sa tabi ko ganun din si Ricabella napagitnaan nila akong dalawa. "ano kasi Guys nakakahiyang sumali sa Contest na yun lalu na ang panget ko" paliwanag ko sa kanila. "best kami ni Ricabella bahala syo and di muna tayo papasok bukas para sa preparation para jan okay?" Tumango na lamang ako habang Si Ricabella abalang abala sa Cellphone nya "Guyss shitt wala pang representative ang Baranggay santolan" Napahawak na lamang ako sa buhok ko dahil ang baranggay santolan ay ang baranggay kung saan ako nakatira. "So Angelica you know the deal haha" saad ni Lawrence Di na lang ako nag salita at wala ding nakikitang emosyon sa muka ko. "umuwi na tayo" pag yaya ni RicAbella at tumayo na sumunod na din kami ni Lawrence. "Girl pupunta kami sa inyo bukas ah?" saad ni Lawrence Tanging tango na lamang ang sinagot ko. Nakarating na ako ng bahay sinabi ko agad kay tita ang tungkol dun sa contest at sinabi nya na manonood daw sya kasama si Kuya Rodney at si Leanne. Hindi sya nag bukas ng karinderya ngayun ang dalang kasi ng mga tao. Pumasok na ako sa kwarto pag ka kain ko at nag hugas na din. "Mommy aries?" luminga linga ako inulit ulit ko ang pag tawag sa pangalan ng Fairy ko. "Mommy aries?" Bigla syang sumulpot "Bakit Gelay?" bungad nya. Naupo ako sa upuan na nandito sa aking kwarto "Mommy aries sasali po kasi ako sa Beauty pageant bukas ng gabi pwede nyo po ba akong tulungan?" "Oo naman bukas tutulungan kitA" saad nito at nag lahu na. Ayos talaga itong si Mommy Aries. Siya yung laging nasasandalan ko sa tuwing may problema ako at kailangan ko siya. Kinabukasan... 10:30 na ako nagising pag labas ko ng kwarto dumiretso ako sa karinderya ngunit sarado ito. Nakita ko si Kuya Rodney at tinawag ko ito. "kuya Rodney" pasigaw ko Liningon nya ako nag tataka syang lumapit sakin. "Bakit?" tanung nito na halos mag kasalubong na ang kilay. "Bakit di naka bukas ang karinderya?" tanung ko sa kanya. "Di ko alam tanung mo kay mama" saad nito at umalis na. Kumain na muna ako at tsaka naligo bandang 11:00 nakta ko si tita kasama si Leanne at ang boyfriend nito. "tita bakit di ka nag bukas ng karinderya?" diretsa kong tanung sa kanya.. "ehh diba sasali ka beauty contest sa plaza kaya di na ako nag bukas" paliwanag nya. "tita as if naman kung mananalo ako diba tsaka mamayang 7:00 pa yun" saad ko Ngumiti sya bago nag salita "Gelay walang impossible. Ohh sigeh na ahh hahanapan kita ng isusuot mo mamaya" "wag na po tita ako na bahala dun" saad ko. Tumango na lamang sya. Hindi ko alam kung bakit kahit na alam nila na ganito yung itsura ko todo suporta pa din sila sakin. Hindi kaya napipilitan lang sila? _______ 1:30 dumating si Ricabella at si Lawrence sa bahay nandun din si Leanne Tita at kuya Rodney. "Ahh good afteroon tita nabalitaan nyo na po ba ung tungkol sa Beauty contest?" "oo mamayang 7:00 na yun dba?" tanung ni tita tumango na lang sila. "Kinakabahan ako ehh" sabat ko "wag kang kabahan," saad ni Leanne at hinamas ang likod ko. "Wag kabahan?" tanong ko tumango na lamang si Leanne bilang sagot. "Sige ganito para di ako kabahan ikaw na lang kaya sumali" saad ko with matching taas ng kilay. Nice Idea ang galing mo talaga Self i am so Proud of me. "What if guys kung mag patulong ako kay Mommy Aries?" tanung ko sa kanila. "Sinung mommy Aries?" tanung ni kuya Rodney sakin. "ung fairy ko sa kanya ako manghihingi ng tulong" saad ko. "haha mag 2020 na naniniwala ka pa din sa ganyan gelay?" natatawa si Leanne. Tinawag ko si Mommy Aries at buti na lang nag pakita sya sakin "Bakit Gelay?" "Mommy Aries pwede po ba na tulungan nyo ko na gumanda?" tanung ko. "oo naman" mabilis na sagut nito. Halatang natutulala Si Leanne nakikita ko sa mga mukha nya. "2:00 na ohh bilisan nyo na lang at baka mahuli ka pa Gelay" saad ni tita alam na naman din kasi nya ang tungkol kay mommy Aries. Pumasok ako sa kwarto ko kasama si Mommy Aries "Gelay game na?" "opo" naeexcite ako sa kung anong magiging itsura ko kapag gumanda ako. Kinumpas nya lang yung baton na hawak nya nag iba na ang kasuotan ko naging isang magandang Gown na ngayun ko lang nakita at nasuot. "Ang ganda mo Gelay" bati nya sakin Ngumiti ako "salamat po" Tumingin ako sa salamin na nasa aparador nag iba ang itsura ko as in ang ganda ko. Nawala na yung mga pimples ko sa muka yung oily skin at iba pa basta ang ganda ko na. Halos mapaluha at mapatalon ako dahil sa sobrang saya ko dahil sa unang pag kakataon naranasan ko na din kahit papaano ang gumanda sa pamamagitan ng Mahika. Meron isang bote binigay sakin si Mommy Aries. "Para saan po ito?" tanong ko habang hawak hawak ang bote na binigay nya ito ay ginawa nya sa pamamagitan ng magic powers nya. "para maging ganyan ang itsura mo" saad nito. "ibig nyo pong sabihin ehh magiging ganto itsura ko habang buhay?" tanung ko. "Hindi, pag uminom ka ng isang patak nyan tatalab lang ang mahika ng 6 na oras" paliwanag nya. "kaya gelay wag kang mag papaabot ng 9:00 mamayang gabi ahh galingan mo" saad nito at nag lahu na. Lumabas na ako ng kwarto para mag pakita sa kanila "Gelay ikaw ba talaga yan?" tanung ni tita. Tumayo sya at hinawakan ang muka ko natatawa naman akong sumagot "opo tita ako toh pero tita wag tayong mag papaabot ng 9:00 ahh dahil mawawalan ng bisa ang mahika pag katapos ng 6 na oras" ____________ Pumunta na kami ng plasa at saktong 6:30 nakarating na kami at wala nga talagang representative ang baranggay santolan kaya ako na lang. "paki lagay na lang po yung name nyo" sabi ng coordinator habang binibigay sakin yung balpen at papel na hawak nya. "Babalikan ko na lang po kayo" at umalis na nga ito. "Guys ano ilalagay ko hindi naman kasing pwede ang Angelie Velasco dapat iba" bulong ko kay Ricabella at Lawrence dahil sila tita Rodney at Leanne ay nasa audience na kaupo na. "What if Angelica Maria Villanueva?" saad ni Lawrence. Sumang ayon naman dun si Ricabella at nagustuhan ko na din naman yun kaya ayun na lang ang nilagay ko sa papel. Bumalik na nga ang coordinator at kinuha ang papel pag daw tinawag na ang baranggay santolan lumabas na daw ako ng stage. Maya maya pa ay tinawag na ng host ang baranggay santolan. Rumampa na ako sa Stage at pumunta sa harap ng mike. Nagsipalakpalakan ang mga tao habang pinapanood ako. "Ohh nice you're so Beautiful can you please introduce your self?" saad ng host ngumiti at tumango na lamng ako. Tumingin ako sa audience nakita ko sila tita na proud na proud sakin at pati na din si Aldrin omg nandito sya. "Ahmm Good evening everyone my name is Angelie Maria Villanueva and i thank you" pag papakilala ko sa kanila at agad na rumampa pabalik sa loob ng stage. "Hoy Gelay bakit Angelie ang binanggit mo na pangalan mo?" bulong ni Ricabella. "nabigla ako ehh nandun kasi si Aldrin" paliwanag ko Makalipas ang ilang oras question and answer part 1 na shett "Ms.Santolan" biglang tinawag ulit ng host ang baranggay namin so kailangan ko na ulit lumabas. Habang nag lalakad ako sa Gitna ng Stage nag papalakpakan ang mga tao ngayun lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko dahil madalas puro pang lalait ang ginagawa nila sakin dahil sa itsura ko. Ngayun ko lang naramdaman ang pag mamahal ng mga taong nasa paligid ko totoo nga ang sinasabi nila PAG MAGANDA KA MAHAL KA NILA. Pumwesto na ako sa harapan ng mike at nag tanung na nga ang host sakin. What is the meaning of beauty for you?" tanung ng host na agad ko namang sinagot. "for me Beauty means having a pretty Mind , pretty heart and pretty soul beauty is not all about having a beautiful face and body because at the end, we won't remember the most beautiful face and body. We'll remember the most beautiful heart and soul and i thank you" Lumakad na ako ulit papunta sa back stage habang nag sisipalakpakan ang mga tao ganun din si Aldrin. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng lahat. "Bestt whooaa my idol" sigaw ni Lawrence ngumiti ako at tumabi sa kanila. "San mo nakuha sagut mo? " tanung ni Ricabella. "Sariling karanasan" sagut ko nag palit ako ng gown at tinulungan nila ako dahil maya maya nanjan na yung part 2 ng Question and Answer. Uminom ako kunti nung binigay sakin na magic spell na pang paganda mag 9:00 na din kasi. pumunta na ulit ako ng stage para sa final question na pwedeng mag panalo sakin lima na lang kami ngayun. "if you're the winner of baranggay Beauty Pageant what will you do in twenty thousands pesos?" tanung ng host "if I'm the winner of this pageant i will give my ten thousands pesos money to the Children's foundations or in the homeless child and the other money i wil give it to my auntie for her business in short i wil give my price to other to help them Thank you" nag palakpakan ang mga tao kahit na may wrong grammar ako di nila inintindi. Ang mga sagut ko ang naging dahilan upang manalo ako now i realize na pag maganda ka mahal ka ng lahat ng tao. Tumulo ang luha ko habang kinokoronahan ako bilang isang winner ewan ko ba kung umiiyak ako dahil panalo ako o umiiyak ba ako dahil nag sinungaling ako sa lahat ng taong nandito ngayun ay sa mga taong humahanga sakin abilang si Angelie Maria Villanueva. -END OF THE CHAPTER FIVE-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD