Chapter One: UnCrush
ANGELIE'S POINT OF VIEW.
Uwian na namin ngayun sabay-sabay kami ng mga kaibigan kong lumabas ng classroom.
Naglalakad kami papuntang canteen para tumambay saglit nasa hallway na kami sa first floor ng makasalubong namin si Aldrin na may kasamang ibang babae.
Di naman masheket slight lang.
Di ko na yun pinansin at nag dirediretso na lang kami sa pag lalakad papuntang canteen pero guys shiitt dun din sila dumiretso nung girl na kasama nya.
"Oh ano Gelay mag i-stay pa ba tayo dito?" tanung ni Ricabella.
"wag na siguro" at tinitigan ko si Aldrin at yung girl na kasama nya habang masayang nag uusap.
"No Girl mag stay tayo iuncrush mo na yang si Aldrin" saad ni Lawrence.
Napakunot ang noo ko at tumitig ako sa kanya hinila nya ako papasok sa loob ng canteen at sa katabi pang table nila Aldrin kami naupo.
"Hoy Bakla ano toh?" tanung ko.
"Ililibre ko kayo" kumuha na sya ng order at yes nilibre nya kami ni Ricabella.
Pag balik nya sya gilid sya ni Aldrin dumaan at sa tabi sya ni Ricabella naupo.
"Gelay Wala ng kasama si Aldrin" saad ni Ricabella habang tinuturo ng nguso nya si Aldrin.
Tinignan ko ito at tumingin din sya bigla syang tumayo kaya naman napaiwas ako lumapit sya samin.
"Sinusundan nyo ba ako?" tanung ni Aldrin.
"Sinu ka ba para Sundan namin?" tanung ni Ricabella kay Aldrin.
"Ako lang naman ang school heartthrob at ang crush ng kaibigan nyong Panget" sagut ni Aldrin kay Ricabella at tumingin sakin.
Napaka assuming mo siz
"Aldrin walang taong panget" saad ni Lawrence.
"Ahh ganun ba? So hayop si Angelie ganun?" saad ni Aldrin
"Wow ahh atleast mabuti akong tao di tulad mo kung ano ang kinagwapo ng panlabas mo ganun ang kinapanget ng panloob mo" saad ko.
Palaban.
"i don't care inggit ka lang" saad ni Aldrin at biglang nag walk out.
*uncrush done*.
"kala mo kung sinung gwapo makapang lait ehh" bulong ni Ricabella.
"okay ka lang gelay?" tanung ni Lawrence.
Pilit akong ngumiti ng mapait pero deep inside masakit talaga mga sinabi ni Aldrin sakin pero tanggap ko naman.
"Hoy Gelay okay ka lang talaga?" inulit ni Ricabella yung tanung ni Lawrence sakin.
"oo naman, tara na?" ngumiti ulit ako.
"okay tara"
Sabay sabay kaming lumabas ng campus.
Saktong 4:00 nasa bahay na ako nakita ko si tita na nag aayus ng sarili "ohh tita san po lakad nyo?" tanung ko kay tita.
"Basta, Gelay nga pala di na ako nag bukas ng karinderya mag pahinga ka na lang jan ah bantayan mo itong bahay sigeh na aalis na ako" nag lakad na papalabas ng gate si tita at sumakay ng tricycle di ko alam kung saan sya pupunta di naman kasi sinabi.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko para mag palit na ng damit buti na lang sabado bukas at walang pasok.
Lumabas ulit ako ng kwarto para ilagay sa marumihan ang damit na hinubad ko at para siguraduhing naka lock ang mga pinto pag katapos nun pumasok na ulit ako sa kwarto at tinawag si Mommy Aries.
"Mommy Aries?"
Bigla syang lumitaw sa harap ko.
"Bakit Gelay?"
"Mommy Aries paano po ba sakin mag kakagusto si Aldrin?"
Nag lakad sya at halos nag paikot ikot sa loob ng kwarto ko habang nag iisip ng isasagut sa tanung ko.
"Ahm hindi ako ang maaring makasagut ng tanung mo iyan kundi si Aldrin na mismo"
"Bakit po?"
"Hindi ko masasabi kung sa papaanong paraan ka nyang mamahalin" paliwanag ni Mommy Aries at bigla na lang syang nag laho ulit.
Nakatulog ako ng mahimbing at di ko namalayang 7:00pm na pala lumabas ako sa kwarto baka kasi nanjan na si tita.
Saktong pag labas ko nanjan na sya at dali dali kong binuksan ang pinto.
"oh tita nanjan na po pala kayo" pag bati ko sa kanya.
Maya maya pa ay bumaba din ng tricycle si Rodney at Leanne ang dalawang anak ni Tita.
"OMG Gelay is that you?" tanung Leanne.
"Oo naman" sagut ko.
Bigla nya akong niyakap ng mahigpit " i miss you girl" saad nya.
"Mamaya na kayo mag drama jan Ipasok nyo muna itong mga gamit" saad ni Rodney.
"Kuya?" saad ko.
Lumapit ako kay Rodney at niyakap sya "hays kala ko Gelay di mo ko papansinin ehh" saad nya at niyakap din ako.
"Ikaw paba"
"Oh s'ya s'ya tayo na" saad ni tita
tinulungan ko silang mag bitbit ng mga dala nilang gamit galing kasi sila sa Probinsya.
Inayos na nila Rodney at Leanne ang mga gamit nila sa kanilang kwarto bali hiwalay hiwalay kasi kami ng kwarto ehh.
Nag luto si tita ng kakainin namin.
"Gelay tawagin mo na mga pinsan mo kumain na kayo" utos ni tita sakin.
Si Leanne na lang ang tinawag ko dahil pumunta na si Rodney sa kusina kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni Leanne.
Knok knok...
"Leanne?"
"ahmm pasok"
Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at halata sa muka nya na umiyak sya at nag punas ng luha umupo ako sa tabi nya "Leanne ayos ka lang?"
She's smiled slightly "oo naman Gelay" sagut nito.
"Bakit ka umiyak?" tanung ko.
"ahh wala di naman ako umiyak ehh" saad ni Leanne.
Tinitigan ko mga mata nya halatang malungkot at may pinag dadaanan sya.
Biglang pumasok si Rodney sa kwarto ni Leanne "kumain na kayo" saad nito.
Sabay sabay na kaming pumunta sa kusina para kumain at sabay sabay na din kaming kumain.
Natapos na kaming kumain "ako na mag huhugas" saad ni Leanne.
Pumasok na sila tita at Rodney sa kani kanilang mga kwarto kami lang ni Leanne ang natira sa Kusina.
Nilapitan ko sya habang nag babanlaw na ng mga platong kinainan namin.
"Leanne okay ka lang ba talaga?" tanung ko.
Tumingin sya sakin ng diretso bago sumagot "Wag mong sasabihin kay kuya at lalu na kay Mama ah" sabi nito sakin tumango na lamang ako.
"doon na lang tayo sa Kwarto mo mag usap pwede din ba na dun na lang din ako matulog double deck naman yung kama mo diba?"
"Oo naman bakit hindi? Tara na nga"
Nang matapos na syang mag hugas pumasok na kami sa kwarto ko at nag kiwentuhan.
"Bakit parang ang Lungkot mo Leanne?" tanung ko.
"Gelay ano kasi ehh" parang nag dadalawang isip syang sabihin sakin kung ano yung problema nya.
"handa naman akong makinig" saad ko hinawakan ko din ang kamay nya habang nakaupo kaming dalawa sa kama at naka harap ako sa kanya.
"Nakipag break kasi sakin yung boyfriend ko at ang pinakamasakit yung iniwanan ko din yung mga kaibigan ko dun sa probinsya." Saad ni Leanne.
Bakas sa muka nya ang lungkot at tuluyang dumaloy ang mga luha nyang kanina pa nya pinipigilan.
"Nandito naman ako ehh... pati si Kuya Rodney at kasing edad lang kita malay mo maging mag kaklase tayo ipapakilala kita sa dalawa kong kaibigan" saad ko.
Bigla nya akong niyakap ng mahigpit "Thank you Gelay."
"Your welcome basta ikaw." sagut ko pinunasan ko ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi.
"My Boyfriend kana ba Gelay?" tanung nito sakin.
"Manliligaw nga wala Boyfriend pa kaya." sagut ko tumawa lang sya.
"Bakit naman? ehh ang bait mo kaya"
"Leanne sa panahon ngayun mas pinipili na ng mga lalaki ang magaganda kesa sa mababait." sagut ko.
"But Gelay you are so Beautiful girl in my eyes." saad nya.
"Hay nako! binobola mo nanaman ako Leanne matulog na nga tayo"
Humiga na siya ganun din ako at niyakap niya ako.
-End of the Chapter One-